09/10/2026
TINGNAN: Bagong oportunidad at panibagong yugto ng kaunlaran ang inaasahang hatid ng pagtatayo ng Xentro Mall sa Puerto Galera, kasunod ng Groundbreaking Ceremony na dinaluhan ng Lokal na Pamahalaan, sa pangunguna ni Mayor Robinhood D. Ylagan, October 9, 2026.
โ
โKasama rin sa mga dumalo sina dating Bongabong Mayor Dr. Elgio Malaluan, Socorro Vice Mayor Hon. Kenneth Tolentino, Xentro Mall Chairman Alexander Cruz, Sir Michael Del Agua ng SML Construction, Apolonario Cena ng RC Construction , mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Puerto Galera, Poblacion Barangay Captain Cepriano Albo, at Barangay Councilor Danilo Capit.
โ
โAng proyektong ito ay inaasahang magbibigay ng dagdag na sigla sa komersiyo at magbubukas ng mga oportunidad sa trabaho at negosyo na makatutulong sa kabuhayan ng mga Galerans at sa pangmatagalang pag-unlad ng bayan.