16/09/2026
๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐-๐๐๐-๐
๐๐ ๐๐๐๐ ๐โจ
Matagumpay na naisagawa ang KK Assembly x Sand-and-Fun 2026 noong Setyembre 12, 2026 sa BM Aliva Beach Picnic Ground, kasama ang mga kabataan mula sa ibaโt ibang purok at organisasyon ng kabataan ng Barangay San Jose.
Tampok sa pagtitipon ang talakayan tungkol sa responsableng pakikipagrelasyon at pag-iwas sa teenage pregnancy, na pinangunahan ni Maโam Darleen May A. Labrador, Population Program Officer I mula sa Commission on Population and Development (CPD). Sinundan ito ng halalan ng Child Representative, na pinangunahan ng Barangay Council for the Protection of Children (BCPC).
Bilang bahagi naman ng Sand-and-Fun, isinagawa rin ang kauna-unahang Amazing Race San Jose, kung saan nagtagisan ang limang pangkatโPangkat Apolaki, Pangkat Tala, Pangkat Bakunawa, Pangkat Anitun Tabu, at Pangkat Mayariโsa yell-making, flag-making, at sa mismong race.
Sa pakikiisa ng ating BSPOs, youth organizations, volunteers, at mga katuwang, naging isang makabuluhang araw ang pagtitipon, puno ng pagkatuto, pakikilahok, pagkakaisa, at siyempre, kasiyahan! ๐๐
Para sa kabataan. Kasama ang kabataan. ๐