Provincial DOH Office - Palawan

Call Directions Website

Provincial DOH Office - Palawan The Official page of the Provincial DOH Office-Palawan “KALUSUGAN SA MGA ISLA, KAYAMANAN NG MIMAROPA”

RECOGNIZE THE SIGNS OF BURNOUT | Act early, offer supportAng burnout ay maaaring makaapekto sa mental well-being, trabah...
08/10/2026

RECOGNIZE THE SIGNS OF BURNOUT | Act early, offer support

Ang burnout ay maaaring makaapekto sa mental well-being, trabaho, at pang-araw-araw na gawain. Kaya mahalagang mapansin nang maaga ang mga senyales tulad ng tuloy-tuloy na pagkapagod, hirap mag-concentrate, pagbaba ng motivation, pagiging iritable, o pakiramdam na ubos na ang enerhiya.

Sa workplace, makakatulong ang regular na check-ins, bukas na komunikasyon, sapat na pahinga, at wellness programs upang mas mapangalagaan ang mental well-being ng mga empleyado. Huwag hintaying lumala bago humingi o mag-alok ng suporta.

Para sa agarang suporta, maaaring tumawag sa National Center for Mental Health Crisis Hotline:
1800-1888-1553 – Nationwide toll-free
1553 – Luzon-wide landline toll-free
0919-057-1553

Kilalanin ang senyales. Kumustahin ang isa’t isa. Kumilos nang maaga.






WORLD SIGHT DAY | Care for your vision? Give them a break!Ngayong October 8, World Sight Day, bigyang-pansin natin ang k...
08/10/2026

WORLD SIGHT DAY | Care for your vision? Give them a break!

Ngayong October 8, World Sight Day, bigyang-pansin natin ang kalusugan ng ating mga mata, lalo na sa panahon na malaking bahagi ng araw ay nakaharap tayo sa screens at gadgets.

Ugaliin ang 20-20-20 Rule: kada 20 minuto sa screen, tumingin sa bagay na humigit-kumulang 20 feet ang layo sa loob ng 20 segundo. Bawasan din ang screen time, maglaan ng oras para sa outdoor activities, at protektahan ang mga mata laban sa araw gamit ang sunglasses, sombrero, o payong.

Kung madalas mag-squint, sumakit ang ulo, o lumalabo ang paningin, huwag ipagwalang-bahala. Magpakonsulta sa espesyalista at ugaliing magpatiningin ng mata kada taon.

See clearly, live fully. Alagaan ang mata para mas malinaw na makita ang bawat mahalagang sandali ng buhay.




DAY 4 | ’WAG MAGPALOKO SA V**E AT SIGARILYO!Hindi ligtas na alternatibo ang v**e. Ang sigarilyo at v**e ay maaaring magl...
08/10/2026

DAY 4 | ’WAG MAGPALOKO SA V**E AT SIGARILYO!

Hindi ligtas na alternatibo ang v**e. Ang sigarilyo at v**e ay maaaring maglaman ng mga kemikal na nakasasama sa katawan.

Ang pinakamahusay na paraan para maprotektahan ang sarili at mga taong nakapaligid sa atin ay ang hindi pagsisimula at pagtigil sa paggamit ng to***co at v**e products.

Ngayong Health Education Week, piliin ang impormasyong tama at desisyong makabubuti sa kalusugan.






Bakit kailangan ng iyong anak na mabakunahan muli sa ilalim ng Bakuna Eskwela kung nakakuha na siya ng bakuna noong infa...
07/10/2026

Bakit kailangan ng iyong anak na mabakunahan muli sa ilalim ng Bakuna Eskwela kung nakakuha na siya ng bakuna noong infant pa siya?

Narito ang kasagutan.




!

MENTAL HEALTH MATTERS | Ang mental health ay kasing halaga ng iyong pag-aaral at pagtatrabahoHindi kailangang isantabi a...
07/10/2026

MENTAL HEALTH MATTERS | Ang mental health ay kasing halaga ng iyong pag-aaral at pagtatrabaho

Hindi kailangang isantabi ang mental health para lang makasabay sa mga responsibilidad sa paaralan o trabaho. Kapag naapektuhan na ang tulog, gana, konsentrasyon, enerhiya, o pakikitungo sa iba, mahalagang pansinin ang mga senyales at huwag hayaang lumala ang pinagdaraanan.

Kilalanin ang mga posibleng sintomas ng anxiety at depression, makipag-usap sa taong pinagkakatiwalaan, at humingi ng propesyonal na tulong kung kinakailangan. Ang maagang paghingi ng suporta ay mahalagang bahagi ng pangangalaga sa sarili.

Para sa agarang suporta, maaaring tumawag sa National Center for Mental Health Crisis Hotline:
1800-1888-1553 – Nationwide toll-free
1553 – Luzon-wide landline toll-free
0919-057-1553

Pangalagaan ang isip habang tinutupad ang mga pangarap at responsibilidad.







Pabakunahan na ang mga bata sa Bakuna Eskwela!Kasalukuyang isinasagawa sa mga pampublikong paaralan ang Bakuna Eskwela n...
07/10/2026

Pabakunahan na ang mga bata sa Bakuna Eskwela!

Kasalukuyang isinasagawa sa mga pampublikong paaralan ang Bakuna Eskwela na naglalayong magbigay proteksyon sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbabakuna sa mga paaralan laban sa mga vaccine preventable diseases (VPDs) tulad ng:

✅ measles;
✅ rubella;
✅ diphtheria; at
✅ human papillomavirus.

Ang Bakuna Eskwela ay para sa mga mag-aaral na kabilang sa mga itinakdang baitang, alinsunod sa mga inirerekomendang bakuna:

Para sa Grade 1 at Grade 7:
✅ Measles-Rubella
✅ Tetanus-Diphtheria

Para sa Grade 4 at Grade 5 na babae:
✅Human Papillomavirus (HPV)

Magpabakuna Na!




!

DAY 3 | MAGPABAKUNA NA!Ang bakuna ay mahalagang proteksyon laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pag...
07/10/2026

DAY 3 | MAGPABAKUNA NA!

Ang bakuna ay mahalagang proteksyon laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna o Vaccine-Preventable Diseases.

Siguraduhing updated ang bakuna ng bawat miyembro ng pamilya, lalo na ang mga bata. Kung may tanong tungkol sa vaccination schedule, makipag-ugnayan sa inyong pinakamalapit na health center o health care provider.

Proteksyon ngayon, mas malusog na kinabukasan.





WALANG HEALTH KUNG WALANG MENTAL HEALTH!Ang mental health ay mahalagang bahagi ng ating kabuuang kalusugan. Kaya tulad n...
06/10/2026

WALANG HEALTH KUNG WALANG MENTAL HEALTH!

Ang mental health ay mahalagang bahagi ng ating kabuuang kalusugan. Kaya tulad ng pag-aalaga natin sa katawan, mahalaga ring bigyan ng oras at pansin ang ating isip at damdamin.

Makipag-usap sa taong pinagkakatiwalaan, magpahinga kapag kinakailangan, at huwag mag-atubiling humingi ng propesyonal na tulong kapag mabigat na ang pinagdaraanan. Maaari ring i-scan ang QR code sa poster upang ma-access ang DOH Mental Health Resources.

Para sa agarang suporta, maaaring tumawag sa National Center for Mental Health Crisis Hotline:
1800-1888-1553 – Nationwide toll-free
1553 – Luzon-wide landline toll-free
0919-057-1553

Alagaan ang mental health, dahil walang tunay na kalusugan kung napapabayaan ang isip at damdamin.





Address

PENRO Road , Bgy. Sta. Monica
Puerto Princesa
5300

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63484337743

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Provincial DOH Office - Palawan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share