Kabarangay In Action

Directions Website

Kabarangay In Action Official page of Kabarangay in Action — showcasing the tireless efforts and genuine service of Cong. Gil “KabarangayJr” A. Real solutions. Real service.

Acosta for the people of Palawan’s 3rd District. Always in action for every Kabarangay.

01/10/2026

| Mga Kabarangay Isang masaya at makulay na gabi ang ating pinagsaluhan sa Kabarangay Night ng Barangay San Rafael, Puerto Princesa City, Palawan bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanilang Kapistahan sakanilang barangay.

Lalong naging espesyal ang selebrasyon sa pamamagitan ng Singing Contest na handog ng opisina ni Cong. Gil “Kabarangay Jr.” Acosta, na nagbigay saya, talento, at inspirasyon sa ating mga kabarangay.

Maraming salamat sa mainit na pagtanggap, Brgy. San Rafael! Patuloy tayong magkaisa at magsama-sama sa mga ganitong okasyon na nagpapalakas ng ating samahan bilang isang komunidad.







22/09/2026

| Mga Kabarangay, kamakailan lang ay nagsimula na ang ating NC ll Driving Training meron tayong 25 students.
Ang programang ito ay naglalayong magbigay ng pagkakataon sa mga kalahok na mapaunlad ang kanilang technical skills at driving competencies sa pamamagitan ng maayos at sistematikong pagsasanay.

Handog ang programang ito sa pangunguna ni Cong. Gil Acosta, bilang bahagi ng pagbibigay ng mga oportunidad para sa ating mga kababayan na magkaroon ng bagong kasanayan na maaari nilang magamit sa paghahanapbuhay at pagbuo ng mas magandang kinabukasan





Happy Birthday, Manang Maria Nancy M. Socrates! 🥳
19/09/2026

Happy Birthday, Manang Maria Nancy M. Socrates! 🥳

  | Mga Kabarangay sa mga nagdaang linggo, naging abala tayo sa iba’t ibang pagpupulong, konsultasyon, at budget hearing...
15/09/2026

| Mga Kabarangay sa mga nagdaang linggo, naging abala tayo sa iba’t ibang pagpupulong, konsultasyon, at budget hearings kasama ang mga pangunahing ahensya ng pamahalaan.

Nagsimula ang ating mga Agency Consultations kasama ang mga Kalihim ng Department of Health (DOH) at Department of Public Works and Highways (DPWH) upang talakayin ang mga programa at proyektong mahalaga sa ating mga kababayan.

Sinundan ito ng ating pagpupulong sa Committee on Legislative Franchises, kung saan tinalakay ang mga usaping sakop ng komite at mga panukalang may epekto sa ating mga komunidad.

Bilang bahagi naman ng proseso ng pagbuo at pagsusuri ng pambansang budget, dumalo tayo sa Budget Hearing ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Nagkaroon din tayo ng mga briefings at budget consultations kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, kabilang ang TESDA kasama si Director General Kiko Benites, Department of Transportation (DOTr) kasama si Secretary Giovanni Lopez, at Department of Agriculture (DA) kasama si Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Nagkaroon din tayo ng courtesy meetings kasama ang Department of Tourism MIMAROPA at Bureau of Corrections (BuCor) upang mapag-usapan ang mga usaping may kaugnayan sa ating lalawigan at sa ating mga Kabarangay.

Sa bawat pagpupulong, konsultasyon, at budget discussion, mahalagang naihaharap natin ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan at naitataguyod ang mga programang makatutulong sa ating distrito.

Patuloy ang trabaho sa loob man ng Kongreso o sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Dala natin ang boses ng Kabarangay. Para sa serbisyo, para sa distrito, para sa ating mga kababayan.





08/09/2026

Isang malaking pagbati sa lahat ng ating Kabarangay na nanalo at nakiisa sa Kabarangay EduChallenge!

Maraming salamat sa inyong oras, effort, at masiglang pakikilahok sa bawat challenge. Tunay na mas naging makabuluhan at masaya ang ating programa dahil sa inyong suporta at pakikiisa.

Pero hindi pa dito nagtatapos ang ating saya! Abangan ang mga susunod nating Challenge dahil baka sa susunod, ikaw naman ang mapabilang sa ating mga mananalo!

Kaya patuloy na subaybayan at i-follow ang ating page para laging updated sa mga bagong programa, activities, announcements, at iba pang hatid para sa ating mga Kabarangay.





 |Mga Kabarangay, kamakailan lang ay dumalo tayo sa ika- 8th anibersaryo ng CADT sa Barangay Napsan, upang ipakita ang a...
07/09/2026

|Mga Kabarangay, kamakailan lang ay dumalo tayo sa ika- 8th anibersaryo ng CADT sa Barangay Napsan, upang ipakita ang ating suporta at pakikiisa.

Isang makabuluhang pagdiriwang ng ika-8 Anibersaryo ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) sa Barangay Napsan isang mahalagang pagkilala sa karapatan, kultura, tradisyon at pagkakakilanlan ng ating mga katutubong pamayanan.

Sa loob ng walong taon patuloy nating pinahahalagahan ang pagkakaisa, pangangalaga sa lupang ninuno at pagsusulong ng kapakanan ng bawat miyembro ng komunidad.

Mabuhay ang kultura, tradisyon at pagkakaisa ng Barangay Napsan.
Patuloy nating pangalagaan at ipagmalaki ang ating lupang ninuno para sa kasalukuyan at sa mga susunod na salinlahi





𝗠𝗮𝘆 𝘀𝘂𝗺𝗶𝘀𝗶𝗹𝗶𝗽 𝗻𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗞𝗮𝗯𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆! 👀​September 1 na, mga KaBarangay! Naririnig niyo na rin ba ang tugtog ni Jose Mari Chan...
01/09/2026

𝗠𝗮𝘆 𝘀𝘂𝗺𝗶𝘀𝗶𝗹𝗶𝗽 𝗻𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗞𝗮𝗯𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆! 👀

​September 1 na, mga KaBarangay! Naririnig niyo na rin ba ang tugtog ni Jose Mari Chan sa malayo? 🎶🎄

​Simula na ng '𝐁𝐄𝐑' months—ang season of joy, love, and giving!
Ano ang kauna-unahang 𝘾𝙝𝙧𝙞𝙨𝙩𝙢𝙖𝙨 𝙨𝙤𝙣𝙜 na tumutugtog sa isip niyo ngayon? Comment niyo na below! 👇✨

𝐂𝐎𝐍𝐆𝐑𝐀𝐓𝐔𝐋𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒, 𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘!Palakpakan natin ang ating mga winners sa Final Live ng Kabarangay EduChallenge!Maraming...
30/08/2026

𝐂𝐎𝐍𝐆𝐑𝐀𝐓𝐔𝐋𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒, 𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘!

Palakpakan natin ang ating mga winners sa Final Live ng Kabarangay EduChallenge!
Maraming salamat sa inyong pakikilahok at pagtangkilik sa loob ng ilang linggo sa ating Kabarangay EduChallenge.

Mga Kabarangay hindi po dito nagtatapos ang ating sopresa dahil malay niyo, oppps. Abangan po ang ating susunod na pasavouuugh!

Muli maraming salamat po sainyong lahat, kitakits po sa ating susunod na kaganapan!






𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘, 𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒 𝐍𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐅𝐈𝐍𝐀𝐋 𝐋𝐈𝐕𝐄! Dahil marami sa ating mga Kabarangay ang naghihintay at nag-aabang, nais ...
27/08/2026

𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘, 𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒 𝐍𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐅𝐈𝐍𝐀𝐋 𝐋𝐈𝐕𝐄!

Dahil marami sa ating mga Kabarangay ang naghihintay at nag-aabang, nais naming ipaalam na bukas na ang pinakahihintay nating FINAL LIVE ng Kabarangay EduChallenge!

Handa na ba kayo, mga Kabarangay? Maraming surpresa at exciting na prizes ang naghihintay para sa inyo!

Kaya siguraduhing nakaabang at nakatutok bukas. At malay ninyo, baka makasama natin mismo ang ating Congressman sa ating Final Live!

ABANGAN KAMI BUKAS! August 28, 2026 | 6:00 PM!

Huwag palampasin ang huling gabi ng Kabarangay EduChallenge!






𝐊𝐀𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐄𝐃𝐔𝐂𝐇𝐀𝐋𝐋𝐄𝐍𝐆𝐄 | 𝐅𝐈𝐍𝐀𝐋 𝐋𝐈𝐕𝐄Mga Kabarangay, heto na ang pinakahihintay na Final Live ng ating 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐄𝐝𝐮𝐂𝐡𝐚𝐥...
25/08/2026

𝐊𝐀𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐄𝐃𝐔𝐂𝐇𝐀𝐋𝐋𝐄𝐍𝐆𝐄 | 𝐅𝐈𝐍𝐀𝐋 𝐋𝐈𝐕𝐄

Mga Kabarangay, heto na ang pinakahihintay na Final Live ng ating 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐄𝐝𝐮𝐂𝐡𝐚𝐥𝐥𝐞𝐧𝐠𝐞 sa darating na 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟐7, 𝟐0𝟐𝟔!

Samahan ninyo kami sa isang espesyal na live session kung saan susubukan natin ang inyong kaalaman, babalikan ang mga naging katanungan at sagot sa ating EduChallenge, at higit sa lahat, bibigyan ng pagkakataon ang ating mga Kabarangay na magtanong at magpaabot ng kanilang mensahe kay Atty. Gil “KabarangayJr” Acosta.

FINAL LIVE QUESTION:

𝐌𝐚𝐠𝐛𝐢𝐠𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐭𝐥𝐨𝐧𝐠 (𝟑) 𝐩𝐫𝐨𝐲𝐞𝐤𝐭𝐨 𝐨 𝐇𝐨𝐮𝐬𝐞 𝐁𝐢𝐥𝐥 𝐧𝐚 𝐢𝐧𝐢𝐡𝐚𝐢𝐧, 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠, 𝐨 𝐬𝐢𝐧𝐮𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐀𝐭𝐭𝐲. 𝐆𝐢𝐥 “𝐊𝐚𝐛𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲𝐉𝐫” 𝐀𝐜𝐨𝐬𝐭𝐚.

At hindi lang diyan nagtatapos!

𝐁𝐮𝐤𝐨𝐝 𝐬𝐚 𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐠𝐨𝐭, 𝐚𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐧𝐨𝐧𝐠, 𝐬𝐮𝐡𝐞𝐬𝐭𝐢𝐲𝐨𝐧, 𝐦𝐞𝐧𝐬𝐚𝐡𝐞, 𝐨 𝐧𝐚𝐢𝐬 𝐧𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐩𝐚𝐫𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐲 𝐀𝐭𝐭𝐲. 𝐆𝐢𝐥 “𝐊𝐚𝐛𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲𝐉𝐫” 𝐀𝐜𝐨𝐬𝐭𝐚?

PAANO SUMALI?

1. Like at Follow ang official pages:
* Atty. Gil 'KabarangayJr' Acosta
* Kabarangay In Action
2. I-share ang post na ito sa Public.
3. I-tag ang 10 Facebook friends sa inyong shared post.
4. I-comment ang inyong sagot sa comment section ng post na ito:
* Magbigay ng tatlong (3) proyekto o House Bill na inihain, isinulong, o sinuportahan ni Atty. Gil “KabarangayJr” Acosta.

* Isama rin ang inyong tanong, suhestiyon, mensahe, o nais ninyong iparating kay Cong. Atty. Gil “KabarangayJr” Acosta.

5. Mag comment ng screenshot ng inyong Public shared post bilang patunay ng inyong entry.

6. 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐞𝐧𝐭𝐫𝐲 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲.

Ito na ang ating FINAL LIVE, mga Kabarangay! Huwag palampasin ang pagkakataong maipakita ang inyong kaalaman at maiparinig mismo kay Atty. Gil “KabarangayJr” Acosta ang inyong mga tanong, mensahe, at suhestiyon.

Abangan, makiisa, at maging bahagi ng Kabarangay EduChallenge Final Live!

Kita kits sa August 27, 2026, mga Kabarangay!






Address

Oisca Road
Puerto Princesa
5300

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kabarangay In Action posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share