PIO Palawan

Directions Website Contact the organization

PIO Palawan Provincial Information Office - the information arm of the Provincial Government of Palawan and the Palaweños. #𝗦𝘂𝘀𝘁𝗮𝗶𝗻𝗮𝗯𝗹𝗲𝗣𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻 Serbisyo Para sa Palaweño��
(1)

  | PALAWAN ANTI-TRAFFICKING AT VAWC COMMITTEE, NAKAMIT ANG HIGHLY FUNCTIONAL RATING MULA SA DILGNakamit ng Palawan Prov...
08/10/2026

| PALAWAN ANTI-TRAFFICKING AT VAWC COMMITTEE, NAKAMIT ANG HIGHLY FUNCTIONAL RATING MULA SA DILG

Nakamit ng Palawan Provincial Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Their Children (PCAT-VAWC) ang “Highly Functional” rating mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG), matapos makapagtala ng 105% rating sa isinagawang 2026 LCAT-VAWC Functionality Assessment na tumukoy sa performance ng komite para sa taong 2025.

Ipinakikita ng resulta ang patuloy na pagpapatibay ng mga programa, serbisyo at mekanismo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan para sa proteksiyon, kaligtasan, at kapakanan ng kababaihan at mga bata partikular sa pagtugon sa human trafficking at karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak.

Binigyang-diin ng DILG na mahalaga ang patuloy na koordinasyon at pagtutulungan ng mga ahensya, lokal na pamahalaan, at iba pang stakeholder sa pagpapatupad ng mga programa at hakbang para sa proteksiyon ng kababaihan at mga bata sa buong lalawigan.

Ang pagkilalang ito ay bahagi ng patuloy na pagsusulong ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gov. Amy Roa Alvarez, na palakasin ang mga serbisyong panlipunan at mekanismo ng proteksiyon para sa mga Palaweño, alinsunod sa kanyang PALAWAN + PLUS Development Agenda.

📸File Photo | DILG

  | PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, ISINUSULONG ANG MAS MAAYOS AT ORGANISADONG PATIENT REFERRAL SYSTEMIsinusulong ng Pamahalaa...
08/10/2026

| PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, ISINUSULONG ANG MAS MAAYOS AT ORGANISADONG PATIENT REFERRAL SYSTEM

Isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pamamagitan ng Provincial Health Office (PHO) at iba pang health at social services programs ng Kapitolyo, ang mas maayos at organisadong patient referral system upang mapabilis ang paglipat ng mga pasyente sa angkop na health facility lalo na sa mga emergency cases.

Kaugnay nito, isinagawa ang tatlong araw na aktibidad para sa pag-update at pag-aayos ng referral pathways sa Palawan bilang bahagi ng pagbuo ng Province of Palawan Patient Navigation and Referral System Manual 2nd Edition, nitong October 5-7, 2026 sa A&A Hotel, Puerto Princesa City na pinangasiwaan ng Provincial Health Office (PHO).

Tinalakay sa aktibidad ang mga problema at pagkaantala sa kasalukuyang referral system, gayundin ang mga protocol para sa land, sea at air medical transport, emergency communication at blood bank referrals.

Aktibong lumahok ang mga kinatawan mula sa municipal at provincial health facilities, Department of Health, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Philippine Coast Guard, Philippine Red Cross, at iba pang health at emergency response partners.

Bilang pangunahing output, bubuuin ang updated referral manual na maglalaman ng mas malinaw na referral workflows at emergency transport protocols para sa mga health facility sa mainland at mga isla ng Palawan.

Hangad ng Pamahalaang Panlalawigan na mapabuti ang koordinasyon at matiyak ang mas mabilis at ligtas na access ng mga pasyente sa kinakailangang serbisyong pangkalusugan.

  | DDB ASEC. MASNAR, PINANGUNAHAN ANG SEMINAR FOR PROSPECTIVE DANGEROUS DRUGS BOARD AUTHORIZED REPRESENTATIVES SA PALAW...
08/10/2026

| DDB ASEC. MASNAR, PINANGUNAHAN ANG SEMINAR FOR PROSPECTIVE DANGEROUS DRUGS BOARD AUTHORIZED REPRESENTATIVES SA PALAWAN

Pinangunahan ni Dangerous Drugs Board (DDB) Assistant Secretary Ferdaussi B. Masnar, Deputy Executive Director for Operations, ang Seminar for Prospective Dangerous Drugs Board Authorized Representatives in Palawan na isinagawa kahapon, October 7, 2026, sa VJR Hall ng Kapitolyo.

Bago ang seminar ay bumisita muna si Asec. Masnar sa Office of the Governor, kung saan malugod siyang sinalubong nina Provincial Administrator Atty. Jefrie R. Sahagun at G. Roque S. Dela Peña, Deputy for Community & Reintegration ng Peace and Security Cluster bilang mga kinatawan ni Governor Amy Roa Alvarez.

Samantala, sa isinagawa namang seminar ay ipinaabot ni Atty. Queen Harra Sheigila Pantanosas-Oraiz ang mensahe ng pasasalamat ni Gov. Alvarez.

Kabilang sa mga tinalakay sa seminar ang Enhanced Philippine Anti-Illegal Drugs Strategy (E-PADS) na inilahad ni Rowena H. Espiloy, Health Education and Promotion Officer ng Preventive Education, Training and Information Division (PETID) ng DDB, gayundin ang resulta ng 2023 National Household Survey.

Tinalakay naman ni Asec. Masnar ang Client Workflow in Handling People Who Used Drugs (PWUDs) habang ibinahagi ni Kenneth D. Prado, HEPO II ng PETID-DDB ang mga tungkulin at responsibilidad ng DDB Authorized Representatives at mga documentary requirements para sa filing ng petitions for confinement.

Layunin ng seminar na mapalawak ang kaalaman ng mga prospective DDB Authorized Representatives hinggil sa kanilang mga tungkulin at sa mga proseso kaugnay ng pagpapatupad ng mga programa laban sa illegal na droga.

  | PAGPAPALAWIG NG KAALAMAN SA MUSHROOM PRODUCTION AND FREE-RANGE CHICKEN PRODUCTION, PATULOY NA IPINAGKALOOB NG PAMAHA...
07/10/2026

| PAGPAPALAWIG NG KAALAMAN SA MUSHROOM PRODUCTION AND FREE-RANGE CHICKEN PRODUCTION, PATULOY NA IPINAGKALOOB NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN

Patuloy ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa paghahatid ng mga gawaing pangkabuhayan sa mga Palaweño sa pamamagitan ng isinagawang Orientation and Seminar on Free-Range Chicken Production & Mushroom Production noong Setyembre 29, 2026 sa Barangay Abongan Hall, Taytay, Palawan.

Ang naturang inisyatibo ay bilang paghahanda ng mga identified community-based association sa ilalim ng Free-Range Chicken at Mushroom Production Program province-wide na matagumpay na naipatupad sa ilalim ng KANEGOSYOPA concept sa pamumuno ni Program Manager Roque S. Dela Peña ng Livelihood Project Management Unit (LPMU) sa ilalim ng Office of the Governor.

Naging katuwang sa aktibidad ang Taytay Municipal Office sa pangunguna ni Municipal Agriculture Officer Hernan P. Fenix at ang Dairy Production and Development Center (DA Dairy Farm).

Nagsilbing resource speakers sina Alvin J. Villanueva, Agricultural Technician II ng DA Dairy Farm, para sa Free-Range Chicken Production, at Chris Martin T. Acasio, Sectoral Program Support Asst. V ng LPMU, para sa Mushroom Production.

Dumalo sa pagsasanay ang mga kasapi mula sa iba't ibang samahan sa bayan ng Taytay, kabilang ang Abongan Kalipi Association, Bato Agricultural & Livelihood Association (mga kalahok mula sa Brgy. Bato), at SAMAKA (Samahang Magsasaka para sa Kaunlaran) Association (mga kalahok mula sa Brgy. Liminangcong).

Nakiisa rin sa kaganapan sina Abongan Barangay Chairman Marbert Batuta at mga Barangay Kagawad na sina G. Joel B. Flores, G. Juson Brillo, Gng. Judith Dolatre, at Gng. Rosana Torres na nagpaabot ng kani-kanilang mga mensahe ng inspirasyon at buong-pusong suporta para sa mga dumalo.

Sa pamamagitan ng mga ganitong pagsasanay, naglalayon ang Pamahalaang Panlalawigan na palakasin ang sektor ng agrikultura at magbukas ng mas maraming oportunidad sa pangkabuhayan para sa bawat pamilyang Palaweno.

(Contributed and written by: LPMU)

  | 64 NA ISKOLAR NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, PUMASA SA NURSING LICENSURE EXAMINATION Animnapu’t apat (64) na mga iskol...
07/10/2026

| 64 NA ISKOLAR NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, PUMASA SA NURSING LICENSURE EXAMINATION

Animnapu’t apat (64) na mga iskolar ng Pamahalaaang Panlalawigan ng Palawan ang nakapasa sa ginanap na August 2026 Nursing Licensure Examination (NLE), base sa inilabas na resulta nitong Setyembre 18, 2026.

Ang mga bagong nurses ay kasama sa 9th batch ng mga scholars sa ilalim ng YAKAP sa Edukasyon Scholarship Program na nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Nursing sa Holy Trinity University (HTU) at Palawan Polytechnic College, Inc.

Inaasahang magsisilbi ang mga bagong nurse sa mga ospital na pinangangasiwaan ng Pamahalaang Panlalawigan sa iba’t ibang munisipyo ng Palawan, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan at pagtugon sa pangangailangan ng mga Palaweño.

Sa ilalim ng pamumuno ni Governor Amy Roa Alvarez, patuloy na pinalalawig ang mga programang nakatuon sa edukasyon at pagpapaunlad ng kabataan, kabilang ang YAKAP sa Edukasyon, na nagbibigay ng oportunidad sa mga kwalipikadong kabataan na makapagtapos ng kanilang pag-aaral at, sa kalaunan, ay makapaglingkod sa kanilang kapwa at komunidad.

  | GOV. AMY ROA ALVAREZ, TINIYAK ANG PATULOY NA SUPORTA SA KAPAKANAN NG MGA SENIOR CITIZENS SA PALAWANPatuloy na isinus...
07/10/2026

| GOV. AMY ROA ALVAREZ, TINIYAK ANG PATULOY NA SUPORTA SA KAPAKANAN NG MGA SENIOR CITIZENS SA PALAWAN

Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan, sa pamumuno ni Gov. Amy Roa Alvarez, ang mga programa at inisyatibong naglalayong mapangalagaan at mapabuti ang kapakanan ng mga senior citizens sa buong lalawigan.

“We are trying to do our best since priority natin ang senior citizens. Ang primary goal ko po talaga for my administration is ma-accommodate 'yung needs po ninyo and especially ‘yung lahat ng gamot ng senior citizens ay libre na po talaga ‘yan,” ani Gov. Alvarez.

Ipinaabot ni Gov. Alvarez ang kanyang mensahe sa isinasagawang 3rd Quarterly Meeting of OSCA Heads and FSCAPP Presidents cm Strengthening Leadership and Program Management for Senior Citizens and Program Focals na nagsimula ngayong araw, Oktubre 7 at magtatapos sa Oktubre 9, 2026, sa Ferzal Hotel, Puerto Princesa City.

Ang naturang aktibidad ay bahagi ng paggunita sa Elderly Filipino Week 2026 na pinangangasiwaan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pamununo ni PSWD Officer Abigail D. Ablaña. Naroon din si First District Board Member Roseller Pineda upang mapgpaabot ng suporta.

Tampok sa tatlong araw na aktibidad ang mga talakayan hinggil sa kalagayan ng mga programa para sa kapakanan ng senior citizens, mga serbisyong pangkalusugan at panlipunan, healthy aging at proper nutrition, gayundin ang pagpapalakas ng pamumuno at partisipasyon ng mga senior citizens sa community development.

Ayon sa PSWDO, layunin din ng quarterly meeting na higit pang mapalakas ang koordinasyon ng mga Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) Heads at Federation of Senior Citizens Associations of the Philippines – Palawan (FSCAPP) upang maging mas maayos at episyente ang paghahatid ng mga programa at serbisyo para sa mga nakatatanda.

Katuwang sa pagsasakatuparan ng aktibidad ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), National Commission of Senior Citizens (NCSC), Department of the Interior and Local Government (DILG), at PhilHealth na magbabahagi ng mahahalagang impormasyon hinggil sa mga programa at serbisyong maaaring mapakinabangan ng mga senior citizens.

Sa pamamagitan ng patuloy na suporta ng Pamahalaang Panlalawigan, isinusulong nito ang oportunidad para sa mas malusog, aktibo, produktibo, at makabuluhang pakikilahok sa komunidad ng senior citizens sa Palawan.

07/10/2026
TINGNAN | Nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan ng orientation program para sa mga mag-aaral ng Holy Trinity...
06/10/2026

TINGNAN | Nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan ng orientation program para sa mga mag-aaral ng Holy Trinity University bilang bahagi ng kanilang on-the-job training at work immersion na ginanap nitong Oktubre 5, 2026 sa VJR Hall, Provincial Capitol.

Layunin nito na bigyan ang mga kabataang mag-aaral ng mahahalagang kaalaman tungkol sa kasaysayan at mga tungkulin ng Pamahalaang Panlalawigan, mga patakaran at alituntunin sa opisina, at wastong asal na dapat sundin habang nasa lugar ng trabaho.

Pinangasiwaan ang programa ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO) katuwang ang PGP Scholarship Program at Provincial PESO. Nagbigay naman ng mensahe ng pagsuporta si Atty. Queen Harra Sheigila Pantanosas-Oraiz, bilang kinatawan ni Gob. Amy Roa Alvarez.

  | MGA RESPONDER SA PALAWAN, PINALALAKAS ANG KAKAYAHAN SA PAGSAGIP SA KABUNDUKAN Patuloy na pinalalakas ang kahandaan n...
05/10/2026

| MGA RESPONDER SA PALAWAN, PINALALAKAS ANG KAKAYAHAN SA PAGSAGIP SA KABUNDUKAN

Patuloy na pinalalakas ang kahandaan ng mga emergency responder sa Palawan para sa ligtas at maagap na pagsasagawa ng rescue operations sa mga kabundukan at iba pang lugar na mahirap marating, alinsunod sa hangarin ni Governor Amy Roa Alvarez na higit pang mapahusay ang disaster response capability sa lalawigan.

Kaugnay nito, isinagawa ang limang araw na Mountain Search and Rescue Training mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 2, 2026 sa Brgy. Bacungan, Puerto Princesa City na pinangasiwaan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Aktibong lumahok sa pagsasanay ang mga Community Defense Auxiliary Group (CDAG) Volunteers, mga kawani ng Provincial Government Security Services (PGSS), PDRRMO-Seacraft, at City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).

Kabilang sa mga itinuro ang wastong pagkilala at paggamit ng mga kagamitang pansagip, mga pamamaraan sa paggamit at pagtali ng lubid, pagbibigay ng paunang lunas sa mga sugat at bali, gayundin ang ligtas na pag-akyat at pagbaba sa mataas na lugar habang nagsasagawa ng rescue operation.

Sa pamamagitan ng pagsasanay, higit na napalalakas ang kaalaman, kasanayan at kahandaan ng mga responder upang makapaghatid ng mabilis, maayos at ligtas na pagtugon sa mga emergency situation partikular sa mga kabundukan ng lalawigan.

📷 PDRRMO

  | PROVINCIAL ASF TASK FORCE, NAGSAGAWA NG HOUSE-TO-HOUSE DISINFECTION SA BGY. CONCEPCION, AGUTAYANagsagawa ng house-to...
05/10/2026

| PROVINCIAL ASF TASK FORCE, NAGSAGAWA NG HOUSE-TO-HOUSE DISINFECTION SA BGY. CONCEPCION, AGUTAYA

Nagsagawa ng house-to-house disinfection ang Palawan Provincial African Swine Fever (ASF) Task Force ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan nitong October 2-3, 2026, katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Agutaya at Barangay Concepcion bilang bahagi ng pagpapatupad ng biosecurity measures laban sa ASF.

Ayon sa Provincial Veterinary Office (PROVET), isinagawa ang disinfection sa mga kabahayan na naapektuhan ng ASF partikular sa mga lugar na namatayan ng mga alagang baboy upang makatulong na maalis ang virus sa mga kontaminadong lugar at maiwasan ang patuloy na pagkalat nito.

Inaasahan din ang mahigpit na pagpapatupad ng disinfection sa mga apektadong kabahayan at mga port of entry at exit points ng Barangay Concepcion upang maiwasang madala ang ASF virus sa ibang lugar at kalapit na mga isla.

Patuloy ang koordinasyon ng Provincial ASF Task Force, LGU Agutaya at Barangay Concepcion sa pagpapatupad ng biosecurity measures upang maprotektahan ang mga alagang baboy at maiwasan ang pagkalat ng ASF sa iba pang bahagi ng Palawan.

📸PROVET

Address

Puerto Princesa
5300

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PIO Palawan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PIO Palawan:

Shortcuts

Share