Privilege hour regular session March 23, 2026
Ako po ay humihiling sa Pamahalaang Bayan ng Pulilan na magkaroon ng paunang hakbang ang Pamahalaang Bayan patungkol sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa ating bansa na nakakaapekto sa ating mga kababayan lalo na sa mga taong namamasahe at mga taong namamasada ng Jeep at Tricycle.
Ating hiling na magkaroon ng Subsidy o Tulong Financial ang mga taong namamasada ng Jeep at Tricycle upang makatulong sa kanilang pamamasada sa pagbili ng petrolyo at makatulong din sa mga taong namamasahe upang makaiwas sa pabiglang pagtaas ng presyo ng pamasahe.
Zandro Cuevo Hipolito
Official page of Zandro Hipolito
15/03/2026
Magandang araw po sa inyong lahat para po sa kaalaman po ng lahat meron pong fake account na gumagamit po ng aking pangalan upang manghingi ng load o ng kung ano man sa ating mga kababayan. Huwag po tayo maniwala at maging mapanuri po tayo. Nasa ibaba po ang mga halimbawa at larawan po ng mga chinat o hiningan ng taong gumagamit ng aking pangalan at ng aking picture. Kapag po itong account na ito ay nag chat sa inyo o nag add ng friend request maaari po natin iblock para wala na po maloko na tao. Inuulit ko po ako po ay walang hinihingan na tao at hindi po ako gumagamit ng account na ito . Maraming salamat po
Tayo po bilang isang lingkod bayan ay naimbitahan sa Pre-Marriage Orientation and Counseling para makapag share ng ating buhay bilang isang may pamilya at makapag bigay kaalaman sa ginawa nating ordinansa para sa ating kalikasan ito ay Kasal, Kasali, Kalinisan, Kalikasan.
Gayundin po bilang isang lingkod bayan gusto ko po mag iwan sa inyo ng aking konting karanasan na "Para maging masaya ang ating pamumuhay maging masaya tayo kung sa ano man ang meron tayo, hindi naten kailangan mag apura, maging mahinahon tayo sa lahat ng bagay, halimbawa ang bundok na nilagyan ng daan, walang ginawa na daan sa bundok na diretso kundi ito'y paikot dahil kapag ang daan sa bundok ginawang padiretso maaari tumulin tayo pero tayo ay maaaring maaksidente at ganun din sa ating buhay".
"Dalawang anyo ng kasalanan ang una po ay ikaw ang gumawa ng mali at ang pangalawa ay hinayaan mong manatili ang mali, kailangan po sa paglilingkod, ano man po ang mga bagay na ating gagawin dapat po ay laging may puso para po maging balanse ang bawat hakbang na ating gagawin hindi po pwede na iisa lamang po ang magiging masaya sa mga hakbangin na ating gagawin"
"Ang taong maka-Diyos ay makabayan, Ang taong makabayan ay may pagmamahal sa katarungan at pagkapantay pantay"
Maraming salamat po sa Polytechnic University of the Philippines sa pag imbita para maging guest speaker sa inyong tema na "Public Trust".
29/01/2026
Sa pangunguna po ng aming Mayor Rj Peralta at aming Vice Mayor Atty. Imee Cruz at Bumubuo ng ika-12 sangguniang bayan ng pulilan at inyong lingkod mula sa committee chairman ng agriculture kasama ang Pambayan Departamento ng pang Agrikultura sa Pangunguna ni Doc Benedict Bernardo at kanyang mga kasamahan. Kami po ay lubos nagpapasalamat sa Bulacan Agriculture State College at Department of Science and Technology para sa pagbaba ng mga gantong klase ng programa na para sa Pamahalaang Bayan lalo na sa Pang-Agrikultura para matuto magtanim at matuto ng makabagong pagtatanim ang ating mga kababayan. Muli maraming salamat po
22/01/2026
Pagbubukas ng Dialysis Center sa Bayan ng Pulilan
Binibigyan pagkilala ang dating Mayor Maritz Ochoa-Montejo at dating Vice Mayor at sa kasalukyang nakaupo bilang Mayor Rj Peralta kasama ang 11th Sangguniang Bayan na nangarap at nag bigay ng unang inisyatibo upang magkaroon ng Dialysis Center sa Bayan ng Pulilan.
11th Sangguniang Bayan
-Konsehal Guilbert Muñoz
-Konsehal Zandro Hipolito
-Konsehal Peter Dionisio
-Konsehal Ogie Cruz
-Konsehal Rudy Arceo
-Konsehal Rolly Payumo
-Konsehal John Nethercott
-Konsehal JR Clemente
-ABC President Dennis Cruz
-SK President Julz Tayao
Sa kasalukuyan ito po ay pinagpatuloy ng ating kasalukuyang Mayor Rj Peralta at Vice Mayor Atty. Imee Cruz kasama ang 12th Sangguniang Bayan upang ito ay gumana at makapag bigay Serbisyo sa ating may mga sakit na Pulileño.
12th Sangguniang Bayan
-Konsehal Maro Domingo
-Konsehal Lito Borlongan
-Konsehal June Buquid
-Konsehal Puray Valenzuela
-Konsehal Zandro Hipolito
-Konsehal Peter Dionisio
-Konsehal John Nethercott
-Konsehal Ryan Espiritu
-ABC President Dennis Cruz
-SK President Paolo Agno
21/01/2026
Ribbon Cutting of Pulilan Marker
Sa Pangunguna ng ating Mayor Rj Peralta Jr. at Vice Mayor Atty. Imee Cruz at ang 12th Sangguniang Bayan Ang Ribbon cutting pulilan marker na matatagpuan sa tibag pulilan, ito ay paanyaya sa lahat ng dumadaan na huminto, tumuklas at maranasan ang sigla at ganda ng Bayan ng Pulilan.
20/01/2026
Pagpapamigay ng mga lambat sa ating mga mangingisda.
Mula po sa pangunguna ng ating Mayor Rj Peralta at Vice Mayor Atty. Imee Cruz at sa inyong Lingkod na Committee on Agriculture Kon. Zandro Cuevo Hipolito at sa lahat ng 12th Sangguniang Bayan at Pambayan Departamento Ng Pang Agricultura Maraming salamat po.
Patuloy po nating palakasin ang pang agrikultura sa ating Bayan ❤️
15/01/2026
Isang ordinansang napagtibay sa buwan ng december 2025 . Municipal Ordinance No. 12-05 2025 Elderly Assisstance Program na naglalayon na matulungan ang mga senior citizen na higit na ngangailangan sa pangunguna ni Mayor Rj Peralta at Vice Mayor Atty Imee Cruz at inyong May Akda Konsehal Zandro Cuevo Hipolito at ng 12th Sangguniang Bayan ng Pulilan. Mababasa po ito sa Ang Panitik ng Sangguniang Bayan ng Pulilan.
14/01/2026
Pre - Marriage Orientation and Counseling
Tayo po ay naimbita para po makapag salita at makapag bigay inspiration sa ating mga bagong ikakasal at maipaliwanag ang ating ginawang batas na Kasal, Kasali, Kalinisan, Kalikasan sa mga bagong ikakasal.
Kasama naten at nag bigay inspiration din bilang representative ng ating Mayor Rj Peralta ay si Konsehal Rolly Payumo
05/11/2025
Maraming salamat po sa ating butihing Mayor RJ Peralta sa agarang pagtugon sa aking Privilege speech noong november 03, 2025 . Salamat din sa ating Municipal Engineer- Engr. Rose at Municipal Planning and Development Office sa pangunguna ni Mam Tin Pineda at sa lahat ng mga taong tumutulong para maayos ang problema sa brookside dampol 1st.
Paalala lamang po sa lahat Isa po itong hakbangin ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan sa paglilinis at pagsasaayos ng mga problema sa ating mga Barangay sa patubig at paglilinis ng mga dumi o kalat. Nawa po mamulat ang ating mga kababayan Pulileño sa pagtulong at pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng ating nasasakupang lugar. Maraming salamat po ulit at pagpalain po nawa tayo ng Panginoong Diyos.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the business
Website
Address
Pulilan
