06/05/2026
๐๐๐ซ๐ ๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ข๐ฅ๐๐ง, ๐๐๐ก๐๐ง๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ ๐ฆ๐๐ฆ๐๐ฅ๐๐ค๐ข๐ง๐ ๐๐ง๐๐๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐๐๐จ ๐
๐๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐๐ฅ! ๐๐พ
Narito po ang opisyal na talaan ng mga gawain para sa pagdiriwang ng ating taunang kapistahan bilang pagpupugay sa ating pintakasi na si San Isidro Labrador. Inihanda ng Pamahalaang Bayan ang ibaโt ibang programa na sumasalamin sa ating mayamang kultura, tradisyon, at matibay na pananampalataya.
Inaanyayahan po ang lahat ng ating mga kababayan at mga bisita na makiisa at makibahagi sa pagdiriwang ng Kneeling Carabao Festival 2026. Sama-sama nating ipagdiwang ang diwa ng pagkakaisa at kasipagan na patuloy na nagbibigay-buhay sa ating bayan.
Halinaโt makisaya at maging bahagi ng pagdiriwang. Magkita-kita po tayo sa Pulilan! ๐
06/05/2026
๐๐ฅ๐๐ก๐ ๐ข๐ฃ๐๐ก๐๐ก๐ ๐ก๐ ๐๐๐ก๐๐๐๐ง๐ง๐ข ๐๐ ๐ฃ๐จ๐๐๐๐๐ก! ๐โจ
Mga minamahal kong Pulilenyo, inaanyayahan ko po kayong makiisa ngayong araw sa grand opening ng Banchetto de Pulilan, bahagi ng nalalapit na pagdiriwang ng Kneeling Carabao Festival 2026.
Mas pagandahin pa ang inyong pagbisita dahil ang bawat stall ay ginayakan at pinaganda ng dekorasyong inihanda ng ating mga lokal na negosyante, na tunay na nagpapakita ng kanilang suporta at malikhaing pakikiisa sa pagdiriwang na ito.
Sama-sama nating damhin ang isang gabi ng masasarap na pagkain, masayang samahan, at makukulay na pagtatanghal para sa buong pamilya.
Abangan ang mga tampok:
๐ถ Live performance ng Patrizio Band
๐ฅ Kapana-panabik na Fire Dancing
๐ Cultural presentation mula sa Hiraya Indak Pulilan
Dalhin ang inyong pamilya at mga kaibigan at sama-sama nating ipagdiwang ang galing, kultura, at pagkakaisa ng mga Pulilenyo. ๐
06/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐: Isang karangalan para sa ating Pamahalaang Bayan ang tagumpay ng ating mga kawani na nakapasa sa March 2026 Civil Service Examinations!
Ang pagsusumikap at dedikasyon ninyo sa inyong tungkulin ay tunay na kapuri-puri at nagpapakita ng mataas na antas ng paglilingkod para sa ating mga kababayan.
โจ Ram Cablinda โ CSE Professional
Municipal Nutrition Office
โจ John Marwin Evangelista โ CSE Professional
Municipal Accounting Office
โจ Jose Joel Sayo โ CSE Professional
MENRO
โจ Jeanalyn Tayao โ CSE Professional
Municipal Accounting Office
Mabuhay ang ating mga bagong Civil Service passers na patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa serbisyo publiko. ๐
~ Mayor RJ Peralta
06/05/2026
๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ซ๐๐ฐ๐๐ง, ๐๐จ๐ง๐ฌ๐๐ก๐๐ฅ ๐๐ฅ๐ฒ๐จ๐ ๐. ๐๐๐ฅ๐๐ง๐ณ๐ฎ๐๐ฅ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐๐ข๐ง๐๐ฃ๐๐ซ๐จ! ๐
Nawaโy patuloy kayong pagpalain ng lakas, tagumpay, at karunungan sa inyong paglilingkod para sa bayan. ๐
05/05/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐! ๐
Bilang bahagi ng ating patuloy na pagsisikap na maihatid ang serbisyong pangkalusugan na abot ng bawat PuliIenyo, muli po nating inilalapit ang isang programang makatutulong sa ating mga kabataan.
Inaanyayahan ko po ang mga magulang at kabataang kwalipikado na makiisa sa ating Libreng Tuli Program
๐ Oras: 8:00 ng umaga
๐๏ธ Mayo 6,2026
๐Inaon Integrated School
TANDAAN:
โข First come, first serve sa 150 na pasyente
โข Bawal po ang palistahan
โข Kailangang may kasamang guardian para sa pagpirma sa consent ng batang tutuliin
โข Magdala ng valid ID ng magulang na may address ng Pulilan
Patuloy po tayong magsasama-sama upang matiyak na ang bawat serbisyong ating inilulunsad ay tunay na napapakinabangan ng ating mamamayan.
Kita-kita po tayo bukas, at sama-sama nating ipagpatuloy ang serbisyong may malasakit para sa bawat PuliIenyo.
05/05/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐! ๐ง๐ง
Lubos kong ikinagagalak na ibahagi na kinilala ang ating bayan bilang awardee ng ๐๐๐๐ก ๐ค๐ ๐พ๐๐๐ก๐-๐๐ง๐๐๐ฃ๐๐ก๐ฎ ๐๐ค๐๐๐ก ๐๐ค๐ซ๐๐ง๐ฃ๐๐ฃ๐๐ 2025 mula sa DILG, CWC at DSWD.
Ang pagkilalang ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng ating Pamahalaang Bayan at mga katuwang na tanggapan para tiyakin ang kapakanan at proteksyon ng bawat batang Pulilenyo.
Taos-puso akong nagpapasalamat sa ating MSWDO sa pangunguna ni Mam Joliza Tayao, gayundin sa lahat ng naging bahagi ng tagumpay na ito.
Patuloy tayong magsusulong ng mga programang magbibigay ng mas maliwanag na kinabukasan para sa ating kabataan. ๐
05/05/2026
๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ซ๐๐ฐ๐๐ง, ๐๐จ๐ง๐ฌ๐๐ก๐๐ฅ ๐๐ซ๐ข๐ง๐๐จ ๐๐๐ง๐ญ๐จ๐ฌ ๐๐๐ซ๐๐ข๐ ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐๐จ๐๐ฅ๐๐๐ข๐จ๐ง! ๐
Hangad namin ang inyong patuloy na mabuting kalusugan, tagumpay, at marami pang biyaya habang patuloy na naglilingkod sa ating bayan. ๐