Sangguniang Barangay Lumbac

Sangguniang Barangay Lumbac

Share

The Official page of Sangguniang Barangay Lumbac, Pulilan Bulacan

02/06/2026

Heavy Rainfall Warning No. 2
Weather System: Southwest Monsoon (Habagat)
Issued at: 5:00 AM, 03 June 2026(Wednesday)

ORANGE WARNING LEVEL: Bataan(Morong, Bagac, Samal, Orani, Hermosa, Dinalupihan, Abucay, Balanga, Pilar, Orion), Zambales(Subic, Olongapo, Castillejos, San Antonio, San Marcelino, San Narciso, San Felipe, Cabangan) and Pampanga(Lubao, Floridablanca, Sasmuan, Masantol, Macabebe).
ASSOCIATED HAZARD: FLOODING is THREATENING.

YELLOW WARNING LEVEL: Bataan(Limay, Mariveles), Zambales(Botolan, Candelaria, Iba, Masinloc, Palauig, Santa Cruz), Pampanga(Apalit, Arayat, Bacolor, San Fernando, Magalang, Mexico, Minalin, San Luis, San Simon, Santa Ana, Santo Tomas, Angeles, Mabalacat, Guagua, Porac, Santa Rita, Candaba), Tarlac(Bamban, Capas) and Bulacan(Hagonoy, Calumpit, Paombong, Pulilan, Malolos, Plaridel, Baliuag).
ASSOCIATED HAZARD: Possible FLOODING in flood-prone areas.

Meanwhile, expect light to moderate with occasional heavy rains over Tarlac(Concepcion, San Clemente, Mayantoc, San Jose, Tarlac City, Santa Ignacia, Gerona, La Paz), Nueva Ecija(Cabiao, San Antonio, San Isidro, Gapan), Laguna(San Pedro, Binan, Santa Rosa, Cabuyao) and Rizal(Rodriguez, San Mateo, Antipolo, Cainta, Taytay, Angono) within the next 3 hours.

Light to moderate with occasional heavy rains affecting Cavite(Cavite City, Noveleta, Kawit, Rosario, Ternate, Maragondon, Magallanes, Alfonso, General Emilio Aguinaldo, Naic, Tanza, Indang, Trece Martires, General Trias, Imus, Bacoor, Dasmarinas), Bulacan(Bulakan, Guiguinto, Santa Maria, Balagtas, Bocaue, Marilao, Meycauayan, Obando, Pandi), Batangas(Nasugbu, Lian, Tuy, Balayan) and Metro Manila(Navotas, Valenzuela, Malabon, Las Pinas) which may persist within 3 hours and may affect nearby areas.

The public and the Disaster Risk Reduction and Management Offices concerned are advised to MONITOR the weather condition and watch for the next warning to be issued at 8:00 AM today.

For more information and queries, please call telephone numbers 8927-1335 and 8927-2877 or log on to www.pagasa.dost.gov.ph.

Photos from Sangguniang Barangay Lumbac's post 02/06/2026

PAGPAPATIBAY NG SEGURIDAD

Matagumpay na naisagawa ang ating BPOC Monthly Meeting ngayong buwan para sa ating mga Barangay Tanod. Ang pagpupulong ay pinangunahan ni Kagawad Marilou Caleon, Chair Committee on Peace and Order, sa ilalim ng masusing gabay at pamumuno ng ating Kap. Leonila Flores, katuwang ang ating mga kagalang-galang na sina Kagawad Nenita Torres at Kagawad Israel De Asis.

Isang mahalagang bahagi ng pagpupulong na ito ang pormal na panunumpa ni Barangay Tanod Edgardo Dela Cruz. Malugod ka naming tinatanggap sa ating hanay ng mga tagapangalaga ng kapayapaan! Ang iyong pagtatalaga ay dagdag-lakas para sa ating layunin na:

✅ Paigtingin ang seguridad at kaayusan sa bawat sulok ng ating barangay.
✅ Talakayin ang mga hakbang para sa mas mabilis na pagresponde sa mga insidente.
✅ Patibayin ang pagkakaisa at kahandaan ng ating mga Barangay Tanod.

Maraming salamat sa lahat ng ating mga Tanod sa inyong walang sawang serbisyo at dedikasyon sa ating mga mamamayan. Patuloy tayong magkakaisa para sa isang ligtas at maayos na komunidad!

June 2, 2026

02/06/2026

📢 ANUNSYO PARA SA MGA MAG-AARAL NG BARANGAY LUMBAC (INCOMING 4TH YEAR COLLEGE)‼️

BAWAT BARANGAY MAKIKINABANG (BBM)

Magandang araw po!
Sa ilalim ng programa ng ating Pangulong Bongbong Marcos para sa bawat barangay. Ang ating Kap. Leonila “Nene” Flores at ang buong Sangguniang Barangay ay naghahanap ng limang (5) estudyante na residente ng Barangay Lumbac para sa scholarship program ng ating Pangulong Bongbong Marcos.

Mga Kwalipikasyon:

✅Dapat ay Incoming 4th Year College.
✅HINDI pa nakakatanggap ng anumang scholarship (Local o Provincial).

Mga Kinakailangang Dokumento:

✅Certificate of Enrollment (Previous semester kung hindi pa enrolled, o Current COE kung enrolled na).
✅Student ID.
✅Proof of Residency (Dapat ay naka-census).

Paano Mag-apply?

Pumunta lamang po sa ating Barangay Hall ng Lumbac at dalhin ang mga nasabing dokumento.

⚠️ PAALAALA: Ang slots ay para lamang sa unang lima (5) na magsusumite ng kumpletong requirements at papasa sa mga kwalipikasyon.

Maraming salamat po at sana ay makatulong ito sa ating mga mag-aaral!

June 02, 2026

02/06/2026

HAPPY BIRTHDAY 🎉

Ngayon ay isang espesyal na araw para sa isa sa ating katuwang sa paglilingkod. Ang pamunuan ng ating barangay sa pangunguna ni Kap. Leonila “Nene” Flores at ng buong Sanggunian ay nag-aanyaya sa lahat na makiisa sa pagbati para sa kaarawan ni:

VIRGINIA BASMAYOR JUGUILON🎂✨

Maraming salamat sa iyong dedikasyon at serbisyo. Hangad namin ang iyong masayang selebrasyon at marami pang kaarawan na darating! Nawa’y mapuno ang iyong puso ng kagalakan at biyaya mula sa Maykapal.

JUNE 02, 2026

Photos from Sangguniang Barangay Lumbac's post 01/06/2026

Matagumpay na naisagawa ang ating buwanang pagpupulong ng Lupon Tagapamayapa ngayong araw! 🤝

Sa pagpapatuloy ng ating serbisyo at dedikasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa ating barangay, labis po kaming nagpapasalamat kay G. Jr Espino sa kanyang napakagandang regalo, bagong mga uniporme ng Lupon Tagapamayapa.

Ang inyong suporta ay malaking inspirasyon para sa amin upang lalong paghusayan ang paglilingkod sa ating mga kabarangay. Maraming salamat po, G. Espino!

June 1, 2026

Photos from Sangguniang Barangay Lumbac's post 01/06/2026

AKSYON AT SERBISYO: Pagkatapos ng 11th Regular Session, Nag-Ocular Inspection ang Sangguniang Barangay

Hindi lamang sa loob ng session hall natatapos ang aming trabaho! Matapos ang aming matagumpay na ika-11 Regular Session ngayong araw, agad na nag-ikot ang ating buong Sangguniang Barangay upang personal na suriin ang kalagayan ng ating mga kasalukuyang proyekto dito sa ating mahal na Barangay Lumbac.

1. Barangay Hall Renovation
2. Riprap Rehabilitation
3. Multi-Purpose Basketball Court
4. Drainage-Canal Felipe-Esg St.
5. Slope Protection Juan-Espino

Layunin ng ating pag-iikot na:

✅ Siguraduhin ang kalidad at bilis ng implementasyon ng mga on-going projects.
✅ Personal na alamin ang status ng mga proyektong naantala at tiyaking tuloy-tuloy na ang paggawa para sa inyong kapakinabangan.
✅ Diretsong makita ang mga pangangailangan ng ating mga kalsada, pasilidad, at iba pang imprastraktura.

Kami sa inyong Sangguniang Barangay ay nananatiling tapat sa pangakong serbisyong ramdam at nakikita. Patuloy po tayong magkaisa para sa ikauunlad at ikagaganda ng ating Barangay Lumbac!
Maraming salamat sa inyong patuloy na tiwala.

June 01, 2026

Photos from Sangguniang Barangay Lumbac's post 01/06/2026

11th Regular Session ng Sangguniang Barangay

Matagumpay nating naisagawa ang ating ika-11 Regular Session ngayong araw. Layunin ng bawat pagpupulong na ito na tiyaking diretsong nakakarating sa inyo ang serbisyo at aksyon.

Sa session na ito, binigyang-diin natin ang status ng ating mga kasalukuyang proyekto sa barangay. Tinalakay din nang masinsinan ang mga proyektong naantala na ngayon ay ipagpapatuloy na, lubos ang pasasalamat ng buong Sanggunian kay Mayor Rj Peralta.

Katuwang ninyo ang inyong Sangguniang Barangay sa pagtiyak na ang bawat pondo at programa ay magiging makabuluhan at kapaki-pakinabang sa ating komunidad. Patuloy po tayong magkaisa para sa ikauunlad ng ating barangay!

Salamat sa inyong patuloy na tiwala at suporta.

June 01, 2026

01/06/2026

Mabuhay ang ating barangay! 🇵🇭

Ngayong umaga, matagumpay nating naisagawa ang ating buwanang Flag Ceremony para sa unang Lunes ng buwan. Isang makabuluhang pagsisimula ng linggo kung saan ating pinagtibay ang ating pagmamahal sa bayan.

Sa seremonya ring ito, pormal nating ipinakilala at pinanumpa sa katungkulan ang ating bagong Barangay Tanod na si G. Fredy Dela Cruz Hipolito. Welcome sa team, Tanod Fredy! Inaasahan namin ang iyong dedikasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa ating komunidad.

Naghatid din ng saya at inspirasyon ang ating Sangguniang Barangay sa pamamagitan ng isang special number na talaga namang nagbigay ng kulay sa ating umaga. Sinundan din ito ng isang makabuluhang mensahe mula sa ating mga miyembro ng Sangguniang Barangay na nagpapaalala sa ating pagkakaisa at serbisyo.

Patuloy tayong magkaisa para sa ikauunlad ng ating barangay!

June 1, 2026

Photos from Sangguniang Barangay Lumbac's post 29/05/2026

Malinis na Kapaligiran, Sama-samang Pinagtutulungan! 🧹🌱

Matagumpay na naisagawa ang ating Weekly Cleanup Drive ngayong araw!
Lubos ang ating pasasalamat na makasama ang ating mga masisipag na Barangay Health Workers (BHWs) na hindi napapagod sa paglilingkod sa ating komunidad at sa patuloy na paggabay at pamumuno ng ating Kapitan, Hon. Leonila Flores, kasama ang buong Sangguniang Barangay.

Layunin nating panatilihing maayos, malinis, at ligtas ang ating barangay para sa kalusugan at kapakanan ng bawat pamilyang Pilipino.

Maraming salamat sa lahat ng nakilahok! Ipagpatuloy natin ang bayanihan para sa isang mas maunlad at malinis na barangay.

May 30, 2026

Photos from Sangguniang Barangay Lumbac's post 29/05/2026

Tuloy-tuloy na ang pag-usad ng ating mga proyekto! 🏗️🚧

Ngayong araw, abala ang ating mga kasamahan mula sa DPWH sa pagbababa ng mga kagamitan para sa pagpapatuloy ng Riprap Project sa M.H. del Pilar Street.

Malaking tulong ito upang masigurong ligtas ang ating mga kalsada at maiwasan ang anumang pagguho o pagbaha sa lugar. Maraming salamat po, Mayor RJ Peralta, sa inyong walang sawang pagsuporta at pagtutok sa mga proyektong pang-imprastraktura para sa ating bayan, gayundin kay District Engineer Kenneth Fernando sa mabilis na aksyon.

Patuloy po tayong mag-ingat sa pagdaan sa nasabing lugar habang ongoing ang konstruksyon.

May 28, 2026

Want your business to be the top-listed Government Service in Pulilan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Sto. Rosario Street Lumbac
Pulilan
3005