10/04/2026
π£ BUKAS NA! RAMDAM NA SERBISYO BARANGAY CARAVAN π
Handa na ang Pamahalaang Bayan ng Pulilan para sa isa na namang hatid-serbisyong puno ng malasakit.
Sa ABRIL 11, 2026 (SABADO) mula 8:00 AM hanggang 12:00 NN, gaganapin ang Ramdam na Serbisyo Caravan sa Dampol B Elementary School. Layunin ng programang ito na mailapit ang ibaβt ibang serbisyo publiko sa mismong komunidad β upang maging mas mabilis, magaan, at abot-kamay ang tulong sa ating mga kababayan.
π Serbisyong Hatid ng Caravan:
β
Medikal
β
Kagalingang Panlipunan
β
Pang-Nutrisyon
β
Legal
β
Pang-Agrikultura
β
Pagtatalang-Sibil
Patuloy nating isinusulong ang βRamdam na Serbisyoβ β serbisyong may puso, malasakit, at tunay na pagkalinga sa bawat Pulilenyo.
Kita-kits bukas, mga taga-Brgy. Dampol 2nd B!π
13/03/2026
π’ PUBLIC ADVISORY
Ipapatupad sa Pamahalaang Bayan ng Pulilan ang Temporary Compressed 4-Day Workweek alinsunod sa Memorandum Circular No. 114 ng Office of the President.
π Monday β Thursday
β° 7:00 AM β 6:00 PM
π Simula: March 16, 2026
Layunin ng hakbang na ito na makatulong sa pagtitipid sa enerhiya at iba pang resources sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
πΉ Mananatiling tuloy ang serbisyo ng mga tanggapan na may kinalaman sa kalusugan, kaligtasan, emergency response at social services upang patuloy na mapagsilbihan ang ating mga kababayan.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa at pakikiisa.
27/02/2026
Congratulations sa bumubuo ng ating Municipal Civil Registry Office, sa pamumuno ni Ma'am Lilian Sacasas, sa pagkilalang iginawad ng Philippine Statistics Authority PSO-Bulacan bilang Exemplary Performance for CY 2025.
Ipinagmamalaki namin ang inyong husay at dedikasyon sa paglilingkod sa Pulilenyo!
Nagsisilbing-inspirasyon ang mga pagkilala at parangal na natatanggap ng ating bayan upang lalo pa nating iangat ang kalidad ng serbisyo na ating ibinibigay.
27/02/2026
PAGBATI : Isang taos-pusong pagbati sa ating Municipal Civil Registry Office sa pangunguna ni Mam Lilian Sacasas sa pagkakamit ng Exemplary Performance for CY 2025 na iginawad ng Philippine Statistics Authority PSO-Bulacan noong Pebrero 26, 2026. π
Ipinagmamalaki ko ang dedikasyon at mahusay na paglilingkod ng ating mga kawani. Patunay ito na sa maayos, mabilis, at tapat na serbisyo para sa ating mga kababayan.
Patuloy tayong magsilbi nang may puso at integridad para sa bawat Pulilenyo.π
-Mayor RJ Peralta
06/02/2026
βπΈππ»πΈπ βπΈ ππΌβπΉππππ πΉπΈβπΈβπΎπΈπ βπΈβπΈππΈβ @ πΉπΈβπΈβπΎπΈπ PALTAO
February 07, 2026