Municipality of Pulilan- Person with Disability Affairs Office

Municipality of Pulilan- Person with Disability Affairs Office

Share

Since 2013

Photos from RJ Peralta's post 17/07/2026

sa PULILAN walang NAIIWAN. =)

17/07/2026

MABUHAY ANG PWD SECTOR NG PULILAN! ♿✨

Ngayong araw ay pormal nang nag-uumpisa ang pagdiriwang ng 48th National Disability Rights Week! Sa bayang may malasakit, nakahanda ang hanay ng mga aktibidad para sa ating mga kababayan:

📅 MGA AKTIBIDAD NGAYONG LINGGO:

Hulyo 20 (Lunes): Tayo ang magsisilbing Host sa Lingguhang Flag Raising Ceremony sa Pamahalaang Bayan.

Hulyo 22 (Miyerkules): Dadalo ang ating PWD Federation President sa Provincial Celebration na gaganapin sa Lungsod ng Malolos.

Hulyo 23-24 (Huwebes at Biyernes): Gaganapin ang "LIGTAS at HANDANG PWD" — isang Basic First Aid at Disaster Preparedness Training na dadaluhan ng 150 PWDs upang mas mapalawak ang kaalaman sa kaligtasan sa panahon ng sakuna.

Hulyo 25 (Sabado): Dadalo naman ang ating PDAO at Federation President sa Regional Celebration ng NDR Week sa Balanga City, Bataan.

Sama-sama nating itaguyod ang karapatan, kakayahan, at inklusibong komunidad para sa lahat!


Sa Pulilan, Walang Naiiwan! 🌾❤️

Photos from Municipality of Pulilan- Person with Disability Affairs Office's post 06/07/2026

PWD MONTHLY MEETING & PAGHAHANDA PARA SA 38TH NATIONAL DISABILITY RIGHTS WEEK!

Isang produktibong hapon ang naganap kanina sa ating regular na PWD Monthly Meeting! Masaya at punong-puno ng pag-asa ang naging talakayan ng ating mga lider para sa patuloy na ikabubuti ng ating sektor.

🎂 HAPPY BIRTHDAY, PRESIDENTS!
Hindi natin pinalampas ang pagkakataon na batiin at bigyang-pugay ang ating mga masisipag at mapagmahal na PWD Presidents na nagdiwang/nagdidiriwang ng kanilang kaarawan ngayong buwan. Maligayang Kaarawan po sa inyo:

Pres. Ana Maria San Pedro
Pres. Alex Santos
Pres. Rosaly Balancio
Pres. Marina Santos

Salamat po sa inyong walang sawang paggabay at dedikasyon sa inyong mga nasasakupan! Mabuhay po kayo! 🎉✨

PARA SA ISANG INKLUSIBONG KOMUNIDAD: PAGPAPLANO PARA SA 38TH NDRW!

Pangunahing agenda rin sa ating pagpupulong ang paghahanda para sa darating na 38th National Disability Rights Week ngayong Hulyo 17–23, 2026.
Masinsinang tinalakay at pinagplanuhan ng bawat isa ang mga kapana-panabik na aktibidad, programa, at serbisyong ilulunsad para sa ating mga ka-PWD. Layunin nitong mas mapalakas pa ang adbokasiya para sa karapatan, kakayahan, at ganap na inklusyon ng bawat miyembro ng ating sektor sa lipunan.
Sama-sama at magkakapit-bisig tayo sa pagsulong ng isang lipunang walang naiwan. 🤝💙

10/05/2026

Today we celebrate every mother, including the resilient and beautiful mothers with disabilities, whose strength knows no bounds.

Happy mother’s day everyone!

Photos from Municipality of Pulilan- Person with Disability Affairs Office's post 14/04/2026

Yesterday was a day filled with hope as we successfully conducted the payout for 40 of our dear PWD beneficiaries under the "MALASAKIT sa PWD" program.

We know that therapy is a long road, but you don't have to walk it alone. This financial assistance is our way of saying: We believe in your progress, and we are rooting for your recovery. To our warriors undergoing therapy—your perseverance inspires us all every single day.

Patuloy tayong magtulungan para sa mas inklusibo at mapagkalingang Pulilan!


Photos from Municipality of Pulilan- Person with Disability Affairs Office's post 14/04/2026

April 11,kaisa ang Person with Disability Affairs Office (PDAO) sa ilalim ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), matagumpay nating naibaba ang serbisyo sa ating mga kabarangay sa pamamagitan ng ating Barangay Caravan.

Masaya naming ibinabalita na 10 sa ating mga kababayang may kapansanan ang naabutan ng serbisyo para sa pagpapalit at pag-update ng kanilang PWD ID.

Maraming salamat po sa lahat ng bumubuo at namumuno sa ating lokal na pamahalaan sa walang sawang pagsuporta upang mas mapadali ang pagkuha ng serbisyo para sa ating mga kababayan.

Patuloy po ang ating paglilingkod!


Want your business to be the top-listed Government Service in Pulilan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Old PUP Building National Road Brgy. Poblacion, Bulacan
Pulilan
3005