22/09/2026
Isang malusog na kaisipan at katawan para sa kabataang Pulilenyo! 🧠✨
Matagumpay na nagtapos ngayong araw ang Youth Reproductive & Mental Well-being Program sa Bajet Castillo High School na nilahukan ng 180 Grade 10 students!
Ang programang ito ay naging posible sa suporta ng ating Pamahalaang Bayan ng Pulilan sa pamumuno nina Mayor Rolando Peralta Jr., Vice Mayor Atty. Imee Cruz, at ng Ika-12 Sangguniang Bayan. Ito ay sa pangangasiwa ng Municipal Population Office sa pangunguna ni Ms. Donna Sampan, katuwang ang ating masipag na SK Chairperson ng Barangay Longos, Joshua "Smith" Mercado.
Maraming salamat din kina Local Youth Development Consultant Rolly Payumo at Local Youth Development Officer Ms. Maureen De Guzman sa kanilang pagbabahagi ng inspirasyon at mahahalagang mensahe para sa ating mga mag-aaral.
Sama-sama nating itaguyod ang isang ligtas at malusog na komunidad para sa ating kabataan!