ICYMI: PBBM: TINAWAG NA PEKE ANG PUTUKAN SA SENADO
Tinawag ni Pres. B**g B**g Marcos na peke ang sinasabing insidente ng putukan sa loob ng Senado noong Mayo 13.
Ayon sa Pangulo, hindi niya inaasahan na aabot sa ganoong sitwasyon ang Senado at pinuna ang mga pangyayaring naganap kasunod ng tangkang pag-aresto kay Sen. Bato dela Rosa.
Inakusahan din ni Pres. B**g B**g Marcos ang ilang nasa Senado na umano’y nagkakanlong ng mga pugante.
Matatandaang nagkaroon ng kaguluhan sa Senado matapos tangkain ng National Bureau of Investigation na arestuhin si Sen. Bato dela Rosa kaugnay ng warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court.
**gB**gMarcos
South Luzon Today
Ganap, balita, at chika sa South Luzon—real-time, legit, diretsahan
Follow us: https://www.facebook.com/southluzontoday/
'LAHAT NA LANG MALI, WALANG TAMA'
Pinuna ni Pres. B**g B**g Marcos ang mga aniya’y “obstructionists” sa gobyerno na umano’y tutol sa halos lahat ng ginagawa ng administrasyon.
**gB**gMarcos
'I HAVE NEVER DECLARED WAR VS. ANY POLITICAL GROUP'
Iginiit ni Pres. B**g B**g Marcos na hindi siya kailanman nagdeklara ng digmaan o umatake laban sa anumang political group, at ang pokus niya ay nananatili sa pamamahala ng bansa.
Sa pakikipag-usap sa mga mamamahayag sa Japan, sinabi ng Pangulo na ang kanyang pangunahing layunin ay ang maayos na pagpapatakbo ng gobyerno at paghahatid ng resulta para sa mga Pilipino.
Ayon pa kay Pres. B**g B**g Marco's, mas mahalaga ang pagtutok sa serbisyo publiko kaysa sa pulitika.
**gB**gMarcos
‘HINDI BA KAMI MGA MATURE NA TAO, NA PAG-USAPAN NAMIN ITO… BAKIT KA MAGWA-WALK OUT?’
Kinuwestiyon ni Sen. Rodante Marcoleta ang naging pag-walk out ng minority bloc sa gitna ng debate kaugnay ng kanyang mosyon para payagan ang online participation ng mga senador sa mga sesyon ng Senado.
“Hindi ba kami mga mature na tao, na pag-usapan namin ito… bakit ka magwa-walk out?” pahayag ni Marcoleta matapos ang tensyonadong talakayan sa plenaryo.
Samantala, tumanggi namang magbigay ng komento ang senador kaugnay ng precautionary hold departure order na inilabas laban sa kanya ng Sandiganbayan kaugnay ng reklamong plunder at indirect bribery na may kinalaman umano sa P75-milyong campaign donation.
KIKO NASITA NA NAMAN DAHIL NAGTAAS NG BOSES
Pinuna ni Sen. Alan Peter Cayetano si Sen. Kiko Pangilinan dahil umano sa pagtataas nito ng boses habang nagpapatuloy ang sesyon ng Senado.
Nangyari ito sa gitna ng mainit na talakayan kaugnay ng mosyon ni Sen. Rodante Marcoleta na payagan ang isang senador na makadalo at makaboto sa sesyon sa pamamagitan ng video conference.
Kinuwestiyon ng ilang miyembro ng minority bloc kung bakit hindi naipadaan sa Committee on Rules ang naturang mosyon bago ito iniharap sa plenaryo ng Senado.
𝐋𝐈𝐓𝐎 𝐋𝐀𝐏𝐈𝐃 𝐍𝐀𝐆𝐒𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀 𝐍𝐀!
Nagsalita na si Sen. Lito Lapid kaugnay ng kumakalat na usap-usapan sa social media na lilipat umano siya sa Majority bloc ng Senado.
Nilinaw ng senador na mananatili siya sa Minority bloc at wala siyang planong baguhin ang kanyang paninindigan sa loob ng kapulungan.
Iginiit din ni Lapid na sinusuportahan niya ang resolusyon ni Sen. Migz Zubiri kaugnay ng ipinakitang video ni Sen. Imee Marcos sa Senado.
PARA KAY BATO?
Uminit ang palitan ng mga senador sa Senado matapos tutulan ng minority bloc ang umano’y minamadaling pag-amyenda sa Senate rules na magpapahintulot sa isang senador na dumalo at makilahok sa sesyon sa pamamagitan ng teleconference o video conference.
Inihain ni Sen. Rodante Marcoleta ang mosyon para sa remote participation ng mga senador na may makatwirang dahilan sa hindi pagdalo nang personal sa plenaryo.
Sa gitna ng debate, kinuwestiyon ng ilang minority senators kung ang panukalang pagbabago ay para kay Sen. Bato dela Rosa na hindi kasalukuyang dumadalo sa sesyon ng Senado.
LITO KAY PIA: “GUSTO KO PO KASING MALAMAN MO NA MAHAL KITA”
Nagpasalamat si Sen. Pia Cayetano kay Sen. Lito Lapid matapos nitong ipagpatuloy ang buwanang pagpapadala ng maja blanca at suman sa kabila ng kanilang magkaibang bloc sa Senado.
Sa plenary session nitong Martes, binigyang-diin ni Cayetano ang pasasalamat sa simpleng galak na hatid ng tuloy-tuloy na pagpapadala ng pagkain mula kay Lapid.
Bilang tugon, pabirong sinabi ni Lapid na mahal niya si Cayetano, na ikinatawa ng ilang kasamahan sa loob ng sesyon.
Nauna rito, nilinaw rin ni Lapid na mananatili siya sa minority bloc at sumuporta sa mosyon ni Sen. Migz Zubiri na alisin sa rekord ang ipinakitang charter change video ni Sen. Imee Marcos.
PBBM NAPANGISI NA LANG SA PAHAYAG NI IMEE SA UMANO'Y 'NO ELECTION SA 2028'
Napangisj si Pres. B**g B**g Marcos matapos tanungin kaugnay sa pahayag ng kanyang kapatid na si Sen. Imee Marcos tungkol sa umano’y usapin ng posibleng walang halalan pagsapit ng 2028.
Sa gitna ng panayam, kapansin-pansin ang naging reaksiyon ng pangulo ngunit wala itong direktang sagot hinggil sa naturang alegasyon tungkol sa no-election scenario.
Nauna nang nagpahayag si Sen. Imee Marcos ng pangamba kaugnay sa umano’y mga usapan tungkol sa posibilidad ng hindi pagsasagawa ng eleksyon sa susunod na mga taon.
**gB**gMarcos
26/05/2026
❗️MISSING PERSON❗️
Patuloy na hinahanap ng pamilya si Terso S. Holgado, 87-anyos, na huling nakitang noong Abril 2017 sa Balisong, Taal, Batangas.
Nakikiusap ang kanyang mga kaanak sa publiko na agad magbigay ng impormasyon kung may nakakakita o nakakaalam sa kanyang kinaroroonan upang makatulong sa muling pag-uwi niya sa pamilya.
Maaaring makipag-ugnayan kay Aileen H. Cartalla sa numerong 0905-826-4197 para sa anumang impormasyon kaugnay kay Terso S. Holgado. Malaking tulong din ang pagbabahagi ng anunsyong ito upang mas marami ang makaratingan ng impormasyon.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Address
Quezon City
