District 4 Action Center

District 4 Action Center

Share

Zandy A. Zacate

A Quezon City Hall Extension for the 4th District of the Quezon City which has a several departments of the Quezon City Government, including the Office of the City Mayor aims to provide basic services, under Action Officer Atty.

Photos from Quezon City Government's post 18/05/2026

Pormal nang nanumpa bilang Acting Chairperson ng Barangay Mariana si Letty Tejido ngayong Lunes.
Nagsilbing inducting officer sa kanyang oath-taking ceremony si Mayor Joy Belmonte, na sinaksihan nina District 4 Action Officer Atty. Zandy Zacate at Barangay and Community Relations Department Head Ricky Corpuz

Photos from Quezon City Government's post 17/05/2026

Nasa 63 katao ang natulungan ng joint reach-out operation na pinangunahan ng Task Force Sampaguita at Oplan Pag-Abot Program sa mga pamilyang nasa lansangan nitong Biyernes ng gabi.

Sa tulong ng rights-based approach ng operasyon ng Lokal na Pamahalaan at Department of Social Welfare and Development, tiniyak na maayos ang pagtrato sa mga nasagip na pamilya sa Timog at Tomas Morato Avenue.

Nakatanggap sila ng hot meals kasabay ng pag-asikaso ng profiling, referral, medical care, at iba pang kinailangang suporta.

Photos from QC Mayor Joy Belmonte's post 07/05/2026

SKATE AT TENNIS SA QMC, ANO TARA? πŸ˜‰
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, at mga kawani ng ating lokal na pamahalaan ang opisyal na pagbubukas at blessing ng Skate Park at Lawn Tennis Courts sa Quezon Memorial Circle ngayong umaga.
Ang ating Skate Park ay may laki na 3,758sqm, at hindi ito basta-basta Skate Park, competition-standard ang design nito kaya naman maaari ring makapagtraining ang mga atleta rito, at makapagdaos ng mga skateboarding events.
Para naman sa ating Lawn (outdoor) Tennis Courts, ito'y may 2 court na may kabuuang laki na 1,198sqm.
QCitizens, tuloy-tuloy po ang pagpapaganda at pagaayos natin sa Quezon Memorial Circle alinsunod sa pangarap ni Mayor Joy na makapagbigay ng mas maraming open spaces at recreational area para sa bawat QCitizen.
Tara let's! Unleash your inner Margielyn & Alex! πŸ˜‰ 'Wag din kalimutan magdala ng extra shirt at water, ok? Stay hydrated, QCitizens!
--
Para sa mga kabataang nais sumali sa skateboarding clinic, i-check ang post na ito: https://www.facebook.com/share/p/14auxrkTh4Z/

Photos from QC Mayor Joy Belmonte's post 07/05/2026

Personal na bumisita sa Mayor Joy Belmonte sa evacuation area na pansamantalang tinutuluyan ng mga pamilyang naapektuhan ng sunog kamakailan sa NIA Road, Barangay Pinyahan. Gayundin, namahagi po tayo ng tulong pinansyal para sa kanila upang makatulong sa kanilang mga gastusin kahit papaano.
Bago pa man po ang ating pinansyal na ayuda, namahagi na rin po tayo ng mga mahahalagang gamit tulad ng banig, hygiene kit, mga plato't kubyertos. Mayroon din po tayong mga vitamins at food packs para sa mga apektadong pamilya.
Stay safe, QCitizens!

Photos from QC Mayor Joy Belmonte's post 07/05/2026

Sa kabila ng nararanasan nating krisis, at pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin, isang programa ang ibinaba ni President Ferdinand Marcos sa mga LGU na lubos na ikinagagalak ni Mayor Joy Belmonte β€” "Sa Bagong Pilipinas, Bawat Bayan Makikinabang."
Alinsunod dito, inatasan ang ating alkalde na tukuyin ang mga pamilyang nasa vulnerable sector na lubos na nangangailangan ng tulong. Masusi ang naging pagsusuri natin sa ating mga benepisyaryo β€” sa tulong ng Community-Based Monitoring System (CBMS) ng Philippine Statistics Authority, ay ating natunton ang mga pamilyang mula sa vulnerable sector, at mga pamilyang hindi benepisyaryo ng anumang programa ng ating lungsod.
Gayundin, sa ilalim ng programang ito, makakatanggap ng 40 kilos na bigas ang bawat pamilya (sa isang taon) na kanilang matatanggap kada-2 buwan mula ngayon.
At ikinagagalak din naming ibahagi sa inyo na ang bigas na ipinamamahagi sa QC ay mga bigas na ani mismo ng mga local farmer natin sa tulong naman ng Sagip Saka Act. Kaya naman sa bawat subo ninyo asahan niyong kayo ri'y nakatulong sa ating mga local farmer sa kabila ng krisis at pagtaas ng mga bilihin.
Muli, maraming salamat po, PBBM!

Photos from Quezon City Government's post 07/05/2026

Nag-abot ng tulong-pinansyal ang Quezon City Government sa 51 pamilyang nasunugan sa NIA road, Barangay Pinyahan.
P10,000 ang natanggap ng mga may-ari ng bahay, habang P5,000 naman ang ibinigay sa mga renter o sharer.
Bago ang pagbibigay ng financial assistance, nakatanggap na ng food packs at material assistance ang mga biktima.
Patuloy din silang inaasikaso ng Social Services Development Department (SSDD), katuwang ang Quezon City Police District (QCPD), habang pansamantalang nanunuluyan sa Camp Karingal.

07/05/2026

QCitizens, dito sa Quezon City, kayo ang una at laging bida! 🫡🏻⭐️
Tutok na sa Year 5, ang online infotalk show ng Quezon City Government, para sa mga mahahalagang update tungkol sa iba-ibang serbisyo at programa ng lungsod.
πŸ—“ Bi-monthly | Every other Friday | 1:00 PM
πŸ“² Mapapanood sa Quezon City Government page at YouTube Channel

24/04/2026

Para sa anumang reklamo, tanong, saklolo... o kung gusto ninyo ng makakausap at mapapaglabasan ng sama ng loob β€” just dial 122. πŸ“ž

24/7 po ang serbisyo ng ating QC Helpline. At kahit wala kayong load, maaari ninyo itong matawagan.

24/04/2026

QCitizens, bukas na ang ika-42 library natin sa QC! Ito ay matatagpuan sa πŸ“Barangay Roxas.

Kakaiba itong bagong tambayan natin dahil siguradong magiging productive ka β€” mula sa pagbabasa ng mga libro, pag-enroll sa online courses, o pagta-trabaho remotely, maaari niyo 'yang gawin dito.

See you here? πŸ˜‰

Para sa kumpletong listahan ng mga library sa ating lungsod, maaaring i-check ang link na ito: https://quezoncity.gov.ph/departments/quezon-city-public-library/

21/04/2026

On your special day, we want you to know how much we appreciate your leadership. Here’s to a birthday filled with happiness and a year filled with success.

Happy birthday AO Atty. Zandy Zacate πŸ₯³πŸŽ‰

Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

https://quezoncity.gov.ph/district-action-offices/

Address


65-B Scout. Reyes Street
Quezon City
1103

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm