Team TÁYO - Holy Spirit

Team TÁYO - Holy Spirit

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Team TÁYO - Holy Spirit, Public Service, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Photos from Congressman Ralph Tulfo's post 12/09/2024
01/05/2024

𝐕𝐈𝐕𝐀! 𝐕𝐈𝐕𝐈𝐀! 𝐕𝐈𝐕𝐀 𝐒𝐀𝐍 𝐉𝐎𝐒𝐄!

Pagbati ng Maligayang kapistahan sa ating banal na San Jose Tagapagtangol at sa ating mga Ka-Barangay sa Doña Juana A at Controlled Zone Cluster ng Barangay Holy Spirit!

Nawa'y pagkakaisa at pagmamahal ang mamutawi sa ating mga puso at maging masaya ang pagdiriwang ng ating kapistahan!

Happy Fiesta!



27/10/2023

Dahil isang Team Táyo, kita kaya tayo?

𝗣𝗔𝗣𝗨𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗔 𝗧𝗔𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗘𝗫𝗖𝗜𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗥𝗧!!!

Para sa huling araw ng kampanya, sana'y kasama pa rin namin kayong tumindig para iangat ang buong hanay ng mga kabataan ng ating Barangay.

Sama ka? Tara!

Kita-kits tayo sa ating 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗖𝗔𝗗𝗘 na gaganapin bukas, Oktubre 28. Magsisimula tayo sa ganap na 𝟮:𝟬𝟬 𝗻.𝗵. sa 𝗛𝗢𝗟𝗬 𝗦𝗣𝗜𝗥𝗜𝗧 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘 (Unioil near Puregold)

Para sa mga nais sumama, mangyari lamang na magpatala sa kanino mang Team Táyo SK Aspirants.

Pinaaalalahanan na dapat ay magpaabiso kung sasama man sa motorcade sa mas maayos at payapang pagsasagawa ng programa.

Para sa mga katanungan, magpadala lamang ng direktang mensahe.




Photos from Team TÁYO - Holy Spirit's post 26/10/2023

𝗣𝗟𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗥𝗠𝗔 𝗥𝗘𝗩𝗘𝗔𝗟!!!

𝙈𝘼𝙔 𝙋𝙐𝙎𝙊.
𝙈𝘼𝙔 𝙋𝙇𝘼𝙉𝙊.
𝙈𝘼𝙔 𝙆𝙍𝙀𝘿𝙀𝙉𝙎𝙔𝘼𝙇.

Mga kabataan ng 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗛𝗼𝗹𝘆 𝗦𝗽𝗶𝗿𝗶𝘁, lakip ng post na ito ang 𝗣𝗟𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗥𝗠𝗔 ng Team Táyo.

Bukod sa mandato ng Sangguniang Kabataan, naging tuntungan din ng buong konseho na 𝗶𝗹𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗹𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝗿𝗺𝗮 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗼 𝘀𝗮 𝘁𝘂𝗻𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 ng mga kabataan sa ating komunidad.

Sandig ito sa 𝗸𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮'𝘁 𝗸𝗮𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝗽𝗮𝗴-𝘂𝘀𝗮𝗽 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 sa kanilang personal na karanasan.

Lahad na ang mga platapormang ito ay 𝘁𝘂𝗻𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝘁𝘂𝘁𝘂𝗴𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 ng bawat isang kabataang nasasakupan ng ating Barangay.




22/10/2023

𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗛𝗢𝗟𝗬 𝗦𝗣𝗜𝗥𝗜𝗧, 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗧𝗔𝗬𝗢'𝗬 𝗧𝗨𝗠𝗜𝗡𝗗𝗜𝗚! ✊

Ako si 𝗥𝗔𝗟𝗣𝗛 𝗗𝗜𝗭𝗢𝗡, Aspiring 𝗦𝗞 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻,
mula sa hanay ng mga kabataan ng VETERANS CLUSTER.

Nagtapos ng pag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP Sta. Mesa, Manila) at nagpakadalubhasa sa larangan ng Broadcast Communication at dating mag-aaral ng Judge Feliciano Belmonte Sr. High School. At sa pagpupursige na mag-aral, nagkamit ng pagkilala bilang 𝗖𝗨𝗠 𝗟𝗔𝗨𝗗𝗘.

Ako ay may malawak na karanasan sa pamumuno bilang dating SSG President ng Judge Feliciano Belmonte Sr. High School (taong 2015) at Student Council President ng Eugenio Lopez Jr. Center for Media Arts SHS, Quezon City Division Federation of Supreme Student Government, at isa rin sa dating Little Mayor at Quezon City Child Representative sa parehong taon, 2019.

Nagkamit din ng parangal bilang Gerry Roxas Leadership Awardee at Junior Chamber International Leadership Awardee noong taong 2019.

Isa sa aking adhikain ay ang pagtataguyod ng kultura at sining, at bilang Multimedia Department Coordinator sa EL's Place at iba pang mga organisasyon tulad ng DZMC-Young Communicators Guild, English Club, Theatre group at iba't ibang dance troupe, patunay na ang angking husay at dedikasyon sa larangan ng sining at kultura.

Bilang tagapagtatag ng Adlaw Youth Organization, layunin ko rin na manguna sa pagtatayô ng Youth Organization sa iba't ibang lugar sa Barangay Holy Spirit; bigyang SUPORTA at PALALAKASIN ang mga ito, at magiging kasangga ng Brotherhood, Sisterhood at lahat ng Gang sa Barangay.

Naglalayon din akong maipakilala at maipagmamalaki ang galing ng Kabataan ng Barangay Holy Spirit sa lokal o nasyonal mang antas ng patimpalak.

AKO ay TITINDIG upang maitaguyod at mapagyabong ang KULTURA AT SINING sa ating Barangay. Gayundin ang pagsulong ng mga 𝗥𝗘𝗦𝗢𝗟𝗨𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗮𝘁 𝗢𝗥𝗗𝗜𝗡𝗔𝗡𝗦𝗔 para sa ikaaayos at ikabubuti ng mga KABATAAN SA HOLY SPIRIT.

Sama-sama nating muling ibalik ang GANDA at KULAY ng ating Barangay.

Samahan ninyo nawa ako sa aking pagtindig kasama ang buong kagawaran ng dahil isang Team TÁYO!

𝗠𝗮𝘆 𝗽𝘂𝘀𝗼.
𝗠𝗮𝘆 𝗽𝗹𝗮𝗻𝗼.
𝗠𝗮𝘆 𝗸𝗿𝗲𝗱𝗲𝗻𝘀𝘆𝗮𝗹.

- - -

SK Chairman: 𝗥𝗔𝗟𝗣𝗛 𝗗𝗜𝗭𝗢𝗡

SK Kagawad Aspirants:
𝗠𝗔𝗥𝗞 𝗔𝗖𝗔𝗗𝗘𝗠𝗜𝗔
𝗔𝗥𝗚𝗘𝗡𝗘 "𝗙𝗥𝗔𝗡𝗖𝗜𝗦" 𝗔𝗥𝗘𝗟𝗟𝗔𝗡𝗢
𝗖𝗢𝗥𝗜𝗡𝗡𝗘 𝗕𝗔𝗗𝗜𝗡𝗔𝗦
𝗞𝗟𝗜𝗧𝗭𝗖𝗛 𝗗𝗜𝗢𝗡𝗜𝗦𝗜𝗢
𝗪𝗜𝗡𝗦𝗧𝗢𝗡 𝗜𝗕𝗔Ñ𝗘𝗭
𝗠𝗔𝗥𝗖𝗘𝗟 "𝗕𝗨𝗕𝗢𝗬" 𝗡𝗘𝗣𝗢𝗠𝗨𝗖𝗘𝗡𝗢
𝗥𝗜𝗖𝗔 𝗩𝗘𝗚𝗔




Photos from Team TÁYO - Holy Spirit's post 22/10/2023

“Sa ating pagtindig, isang Team TÁYO!”

Nagnanais ang buong konseho ng Team TÁYO - SK Holy Spirit na ITAYÔ, ITINDIG AT IANGAT ang mga kabataan. May dalisay na intensyon ang Team TÁYO na bigyan at kalooban ng malinis at tapat na Sangguniang Kabataan ang ating Barangay.

SAMA-SAMA NATING ITAYÔ ang lakas ng mga kabataan gamit ang natatanging talino at talento na naglilingkod para sa Bayan at kapwa kabataan.

BUONG PUSO NATING ITINDIG ang hangarin ng mga kabataang mapakinggan at mabigyang suporta ang kanilang pangangailagan at karapatan.

PATULOY NATING IANGAT ang nararapat para sa mga kabataan nang sa gayon ay mabigyang katuparan ang kanilang pangarap at kinabukasan.

_______________________________________________

“Táyo ang Holy Spirit, Tayô Holy Spirit”

𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗜𝗡𝗗𝗜𝗚.

Narito na ang Team Táyo, ang nag-iisang independenteng SK Slate.

𝗠𝗮𝘆 𝗽𝘂𝘀𝗼.
𝗠𝗮𝘆 𝗽𝗹𝗮𝗻𝗼.
𝗠𝗮𝘆 𝗸𝗿𝗲𝗱𝗲𝗻𝘀𝘆𝗮𝗹.

- - -

SK Chairman: 𝗥𝗔𝗟𝗣𝗛 𝗗𝗜𝗭𝗢𝗡

SK Kagawad Aspirants:
𝗠𝗔𝗥𝗞 𝗔𝗖𝗔𝗗𝗘𝗠𝗜𝗔
𝗔𝗥𝗚𝗘𝗡𝗘 "𝗙𝗥𝗔𝗡𝗖𝗜𝗦" 𝗔𝗥𝗘𝗟𝗟𝗔𝗡𝗢
𝗖𝗢𝗥𝗜𝗡𝗡𝗘 𝗕𝗔𝗗𝗜𝗡𝗔𝗦
𝗞𝗟𝗜𝗧𝗭𝗖𝗛 𝗗𝗜𝗢𝗡𝗜𝗦𝗜𝗢
𝗪𝗜𝗡𝗦𝗧𝗢𝗡 𝗜𝗕𝗔Ñ𝗘𝗭
𝗠𝗔𝗥𝗖𝗘𝗟 "𝗕𝗨𝗕𝗢𝗬" 𝗡𝗘𝗣𝗢𝗠𝗨𝗖𝗘𝗡𝗢
𝗥𝗜𝗖𝗔 𝗩𝗘𝗚𝗔




Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Brgy. Holy Spirit
Quezon City
1127