Atty. Jing Liban

Atty. Jing Liban

Share

The official page of candidate for City Councilor Atty. Jing Liban for her Lingkod Bayan projects and events in District 2, Quezon City.

22/08/2022

Ikinalulungkot ko pong sabihin na namayapa na ang ating kaibigan at kasamahan na si Michelle Carranza Sanchez. Nakikiramay po kami sa kanyang pamilya at sa kanyang mga naulilang anak na si Martin, Angela, at si Rayfel.

Maraming salamat sa lahat, Michelle. Rest in peace. 🙏

31/07/2022

Dahil kay FVR, nanatili sa Quezon City ang karangalan na mag-host ng SONA ng ating Pangulo. Maraming salamat sa ating dating Pangulong Fidel V. Ramos! 🇵🇭

Dante Ventura Liban

31/07/2022

Malungkot namin ni Cong. Dante Ventura Liban tinanggap ang balita ng pagpanaw ng ating dating Pangulong Fidel V. Ramos kani-kanina lamang. Lubos kaming nakikiramay sa kanyang pamilya na humingi ng pribasiya sa panahong eto.

Maraming naitulong sa Quezon City si FVR nuong sya'y ating Pangulo. Ani ng ating dating Kongresista Dante V. Liban at ang aking ama sa pagpanaw ni FVR:

"The people of Quezon City must always remember it was Pres. FVR who helped me single-handedly stop the transfer of the House of Representatives to Pasay City. The entire membership led Congress led by Speaker JDV & supported by 3 other QC Representatives agreed to remove Congress and bring it to Pasay City beside the Senate. I was the only one who opposed the move. It was Pres FVR , who after our one-on-one 40-minute talk in his study room in Malacanang at 3:00 am, very early morning, called Speaker JDV NOT to proceed the planned transfer. If not for our PFVR, Congress would no longer be in QC.

Maraming Salamat Pangulong Fidel Valdez Ramos!"

Maraming Salamat, FVR, mula sa amin at mga tiga-Quezon City! Isama po natin ang kapanatagan ng kanyang kaluluwa sa ating mga dasal. 🙏

27/07/2022

Naramdaman nyo po ba ang lindol? Sa Abra nagsimula pero ramdam duto sa QC at sa ibang syudad sa Metro Manila. Mag-ingat po tayo at maging mapagmasid sa mga aftershocks. Ipagdasal rin po natin ang ating mfa kababayab na na-apektuhan ng lindol 🙏

19/06/2022

Happy Father's Day sa lahat ng mga Tatay! 🥳😎🤩

11/05/2022

Tapos na po ang halalan. Base po sa unang bilangan, hinde po natin nakamit ang tagumpay. Nakakalungkot man eto, ay tuloy pa rin po ang hangarin natin na itaas ang antas ng mga lider na nagsisilbi sa syudad para sa ikabubuti ng nakararami.

Kami ni Cong. Dante Liban ay lubos na nagpapasalamat sa walang patid na suporta, pagmamahal, at sakripisyo na ibinigay ninyo sa kampanyang eto. Isa pong karangalan na makasama kayo sa laban na eto para sa marangal na pagsisilbi at pagiging tunay na Lingkod Bayan.

Sa lahat ng mga kaibigan, pamilya at mga grupo na sumuporta, tumulong, nagdasal, nagbilad sa araw, at nagpuyat para sa kandidatura ko --

Sa mga seniors at mga dati nang tiga-suporta ni Cong. Dante Liban na naniwala na "kung anong puno, sya'ng bunga" --

Sa mga batang kumakanta at sumasayaw sa aking jingle at sinisigaw ang pangalan ko habang dumadaan kami sa lansangan na sinasabi pang iboboto daw nila ako --

Sa mga nagbahagi ng kanilang pagpapala para lang lubusan akong makilala ng nakararami at mailuklok sa harap ng limitadong kaban sa kampanya --

Sa mga lola at kababaihan na ubod ang higpit ng yakap sa akin dahil naaalala nila ang yumaong nanay ko sa akin --

Kay Mayor Mike, VM Winnie, Cong. Precious at sa buong Team Malayang QC at Team Pusong Castelo na kasabayang kong sumabak sa labanang eto --

Kay Rolly na siniguradong bantay ang mga a*o ko habang hinde nila ako kasama. Kay Val na halos mag-tumbling araw araw para maiangat ako. Kay Chard na siniguradong ligtas kaming makakarating sa paruruonan. Kay Jonar, ang aking tagapagsalita at top networker. Kay Pabs na siniguradong walang mintis at maayos ang aming mga events. Kay Father James na patuloy na nagbibigay ng payo at patnubay. Kay Ric na walang humpay na umiikot sa Dos para lahat ayos kasama si Kuya Felix --

Kay Michelle at Lyn, mga kasama ko araw at gabi, na hinde mapapantayan ang sipag at dedikasyon sa akin at sa aming pamilya --

Maraming salamat sa inyong lahat! Marami pang kailangan pasalamatan na hinde ko na iisa-isahin.

Higit sa lahat, bukod lamang sa Diyos kung saan lahat nanggagaling, nagpapasalamat ako sa aking ama at Campaign Manager na si Cong. Dante Ventura Liban Salamat sa pag-asika*o, pagbida, at pag-aruga sa akin sa kampanyang eto. Salamat sa oportunidad na mas makilala ko po kayong maigi bilang isang public servant at bilang isang ama nitong mga nakaraang araw at buwan. Salamat at hindi nyo ako iniwanan. Salamat sa inyong walang sawang pagtugon sa mga aberya sa kampanya. Salamat sa gabay at mga leksyon na naibigay ninyo sa akin na isang baguhan sa pulitika. Salamat sa pagmamahal.

Sa inyo pong lahat na sumuporta sa akin, ipagdarasal ko po na kayo at ang inyong mga pamilya ay mabiyayaan ng lubos lubos pa kaysa sa binigay ninyong oras, pagmamahal, at pagsisikap sa kampanya. Itaas po ninyo ang nuo niyo dahil isa po tayo sa mga kandidatong lumaban ng patas.

Sa mga darating na araw, ay magka-kanya na tayong landas. Hangad ko po na dumating ang araw na tayo ay magkasama-samang muli. Hanggang dumating ang araw na iyon, tuloy tuloy po nating mahalin ang Quezon City lalong lalo na ang Distrito Dos.

Muli, maraming salamat sa inyong lahat!

Lubos na nagmamahal 💕 -- Atty. Jing Liban

08/05/2022

💜💜💜❤️❤️❤️

05/05/2022

Supportahan niyo po Ako sa Darating Na
MAYO 9,2022
Councilor Atty.Jing Liban




Photos from Atty. Jing Liban's post 22/04/2022

KUNG SWERTEHIN KA NGA NAMAN! 🥰 Nagulat at mas ikinatuwa ng mga beneficiaries natin ang biglaang bonggang pa-raffle ni Senator B**g Go. Ang mga winners ay nakatanggap ng Mountain Bike, mga bagong Phablet, at mga bagong sneakers. Congratulations sa lahat ng nanalo!

🟣 10 - Atty. Jing Liban
Konsehal, District 2, QC




Photos from Atty. Jing Liban's post 22/04/2022

Matagumpay ang DSWD-AICS financial assistance program na ginanap nung nakaraang araw at marami ring nagparating ng pasasalamat na sila'y diumano'y natulungan at gumaan ng kaunti ang kanilang mga pasanin sa buhay. Maraming salamat, unang una, kay President Rodrigo Roa Duterte at kay Senator B**g Go sa kanilang pagtugon sa mga daing ng mga nangangailangan sa ating Distrito!

Salamat rin kay Cong. Dante Liban, sa DSWD staff at ang Team Konsijing Batasan sa pag-alalay at pag-asika*o ng mga beneficiaries. Wagi kayong lahat! 😍

Sa mga naghahangad na makasali na hinde umabot sa cut-off, magdasal lang po tayo na sana biyayaan pa po tayo ulit ng tulong na idadaan muli sa inyong abang Lingkod Bayan. Sabi nga ng aking ama, DON'T EVER GIVE UP. PRAY. IT WORKS! 🙏

Nagmamahal - Konsi Jing ❤

🟣 10 - Atty. Jing Liban




Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Quezon City