28/02/2023
Walang sunog🔥 ang pwedeng mong hulaan🔮 kung kailan mangyayari 📅.
Ito ang tanging ‘surprise’ na hindi kaaya-aya at katuwa-tuwa
Gayunpaman, may pagkakataon pa rin upang maagapan ang mga sunog na ito.
Para sa aming pang-apat na rekomendasyon, nais namin na magkaroon ng sariling fire extinguisher ang bawat household.
Hindi naman natin ipagkakait na may kamahalan ang mga fire extinguisher. Umaabot ito ng mahigit Php 159,500.00
Kaya naman, nais sana namin humingi ng tulong sa inyo.
Kinakailangan namin ang iyong mga pirma at donasyon nang sa gayon ay maiwasan ang mga malalaking sunog.
Maaari kayong mag-sign sa petition at magbigay ng donasyon sa link na ito:
https://chng.it/xwP5Mx8f
Caption by: Athena Astucia
Content & Pubmat by: Alex Lauricio
28/02/2023
Mahulog💨 ka lang sa lahat, wag lang sa canal🕳
Sa kasamaang palad, iilan sa mga canal system ng Villa Verde ay walang mga railings. Dahil dito, mataas ang tyansa na mayroong mahulog, lalong-lalo na ang mga taong naglalakad malapit rito, o ang mga batang naglalaro.
Mula rito, nabuo ang aming pangatlong rekomendasyon na mag-install ng mga railings sa canal system ng subdivision.
Ang pagpapatayo ng mga railings na ito ay aabot ng Php 40,000.00
Kung kaya’t, kinakailangan namin ang inyong mga pirma at donasyon para maisagawa ang proyektong ito.
Maaari kayong mag-sign sa petition at magbigay ng donasyon sa link na ito:
https://chng.it/pz6trn64
Caption by: Athena Astucia
Content & Pubmat by: Alex Lauricio
28/02/2023
Madalas daanan🚶♀️, madalas matapakan🚶♂️, ngunit katagalan⏳, ang pagpapaayos ay kaniyang kailangan🩹. Ano ito?
Sirit na ba😌? Ito ay ang mga Manholes.
Para sa aming pangalawang rekomendasyon, aming nais hingilin na mapaayos at mapa-maintenance ang mga manholes ng Valle Verde.
Ang mga Manholes ay mga simpleng butas na tinakpan sa mga sidewalk, kung saan ito ay ginagamit sa tuwing may kailangan ayusin sa drainage system ng subdivision.
Nangangailangan din ng maintenance ang mga manhole sapagkat maapektuhan din at pinoprotektahan nito ang mga tubo at sewage system.
Umaabot sa Php 20,000.00 ang pagpapaayos ng ating manhole.
Kinakailangan namin ang iyong mga pirma at donasyon upang mapaayos ang ating mga manhole at drainage system at kahit papano ay maiwasan natin ang pagbaha.
Maaari kayong mag-sign sa petition at magbigay ng donasyon sa link na ito:
https://chng.it/zvL29FY4
Caption by: Athena Astucia
Content & Pubmat by: Alex Lauricio
28/02/2023
Sabi nga nila, “Everyone deserves a place to call home🏠💓”
Ang tahanan ay hindi lamang para sa mga tao👨👩👧👦, kundi pati na rin sa ating mga stray dogs o aspin🐶.
Kung kaya’t para sa aming unang rekomendasyon, ay sana makapagpatayo at magkaroon ng isang animal shelter ang Villa Verde.
Sa mga animal shelter na ito, ay maalagaan at mabibigyan sila ng maayos na tirahan. Maaaring umampon ng panibagong miyembro ng pamilya ang mga residente ng subdivision upang mabigyan ng bagong tahanan ang ating minamahal na aspin. Hindi lamang maliligtas ang mga stray dogs, kundi pati na rin ang mga residente laban sa mga biological hazards at sakit gaya na lamang ng rabies.
Ang pagpapatayo ng isang animal shelter ay aabot sa Php 25,000,000.00
Kinakailangan namin ang iyong mga pirma at donasyon upang makapagpatayo ng tahanan para sa ating mga stray dogs.
Maaari kayong mag-sign sa petition at magbigay ng donasyon sa link na ito:
https://chng.it/WTJgSh7s
Caption by: Athena Astucia
Content & Pubmat by: Alex Lauricio
28/02/2023
Teka, teka, teka! ✋ Hindi pa tayo tapos!
Kailangan nating gawin ang lahat 🤲 para makapaghanda ng maayos 😁 para sa mga posibleng disasters. 🌎 Isang magandang paraan ay maghanda ng mga gamit 🎒na maaaring makakatulong na gawing mas madali ang pagharap sa iba't ibang emergencies. 🚨 Makikita rito ang mga items na pwede mong lagyan sa iyong emergency supply kits,🥫go-bags, 🔦 at med-kits. 🩹
Caption by: Alison Centino
Pubmat by: Alison Centino
28/02/2023
We can never do it alone 🥺... kaya narito ang isang listahan 📝 ng mahalagang detalye na makakatulong sa inyo sa panahon ng emerhensiya! 🚨 Mula sa Novaliches PS-4 hanggang sa Red Cross, makikita rito ang isang listahan ng emergency contact numbers 📞 at anong sitwasyon na maaari mong gamitin. Mayroon ding listahan ng importanteng loksayon 🏥🚒🚓 at evacuation center. Maaari kang bumalik dito sa tuwing kailangan mo ng tulong 🤲 mula sa trusted departments and offices!
28/02/2023
Octopus Wiring? Ano yun? 🧐
Ang Octopus Wiring ay ang karaniwang makikita mo sa mga electrical posts ng Valle Verde. Bagaman medyo nakakaiba at nakaka-aliw 😵💫 ang pangalan ng hazard na ito dahil sa salitang "octopus", 🐙 ay mayroon itong malubhang epekto sa komunidad sapagkat ito ang maaaring sanhi ng apoy. 🔥
Alamin ang iba pang mga impormasyon tungkol sa Octopus Wiring, upang ang apoy ay hindi natin makapiling!
Sources: https://alouisocdscommunity.wordpress.com/2018/07/31/octopus-wiring-2/
https://www.google.com/maps/@14.715151,121.0449762,15z
Written by/Caption by: Athena Astucia
Pubmat by: Athena Astucia