26/10/2026
π LEVEL UP QC: CHAMPIONS OF WELL-BEING ππ
Sama-samang kumilos, sama-samang umunlad, sama-samang nag-level up!
Matapos ang Flag Ceremony nitong Oktubre 26, 2026, kinilala ang 27 departamento ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon na nakiisa sa walong-linggong programang LEVEL UP QC: Champions of Well-Being. isang inisyatibong nagtataguyod ng kalusugan, husay, at pagkakaisa ng mga kawani sa pamamagitan ng mga gawaing may elemento ng laro (gamification).
Sa bawat linggong pagsasakatuparan ng mga quest, isinabuhay ng mga kalahok ang pitong Core Values ng Lungsod at ang mga pagpapahalagang mahalaga sa isang malusog, masigla, at produktibong kapaligiran sa trabaho. Bawat Wellness Stamp na kanilang nakamit ay sumisimbolo sa sama-samang pagsisikap na palakasin ang samahan sa lugar ng trabaho at higit pang paghusayin ang serbisyong ipinagkakaloob sa mga taga-Lungsod Quezon.
π PAGBATI SA ATING TOP 3 CHAMPIONS!
π₯ BRONZE CHAMPION: Quezon City Public Employment Service Office (PESO)
π₯ SILVER CHAMPION: Quezon City Public Library (QCPL)
π₯ GOLD CHAMPION: QC Small Business and Cooperatives Development Promotions Office (SBCDPO)
π Mabuhay ang lahat ng 27 kalahok na departamento! Ang bawat isa ay bahagi ng isang makabuluhang paglalakbay tungo sa mas malusog na pangangatawan at kaisipan, mas matibay na ugnayan, at mas mahusay na paglilingkod sa publiko.
Dahil sa LEVEL UP QC, hindi lamang mga hamon ang ating nalampasanβmas pinatatag din natin ang diwa ng pagtutulungan, malasakit, at pagkakaisa.
We all grow. We all win. We all LEVEL UP QC! ππ