24/08/2022
DSWD 3RD Tranche Update
Local News Update
DSWD (AICS) REQUIREMENTS
Anu-ano ang mga dokumentong kinakailangan para sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) sa ilalim ng probisyon ng pagkain❔
Maghanda lamang ng VALID ID kasama ang ALINMAN sa mga sumusunod:
📃 Anumang dokumento o record na nagpapatunay na ang benepisyaryo ay nangangailangan ng tulong
📃 REFERRAL LETTER mula sa lokal na pamahalaan
📃 CERTIFICATE OF INDIGENCY
📃 Anumang dokumento o record na nagpapatunay na stranded o hindi makaalis sa isang lugar
📃 Para sa mga pasyente at kanilang kinatawan, anumang dokumento o record na nagpapatunay na ang benepisyaryo ay naka-admit sa isang ospital, tulad ng MEDICAL ABSTRACT/CERTIFICATE
Maagap at Mapagkalingang Serbisyo! ❤️
23/08/2022
DSWD 3RD Tranche Update
DSWD (AICS) News Update
Sinu-sino ang mga maaaring humingi ng tulong sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS)❔
👩👩👦👦 Indibidwal o pamilyang nakararanas ng krisis
👩👩👦👦 Mga indibidwal na walang kakayahan sa pananalapi o financially incapacitated (RA 11463)
Para malaman ang iba pang mga impormasyon tungkol sa programa ng DSWD, bisitahin ang opisyal na website sa https://www.dswd.gov.ph/ ℹ️
Maagap at Mapagkalingang Serbisyo! ❤️
22/08/2022
DSWD 3RD Tranche Update
Local News Update
EDUCATIONAL CASH ASSISTANCE (DSWD)
Higit 53,000 students-in-crisis ang nakatanggap ng tulong sa unang araw ng Educational Assistance Payout ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan nitong Sabado, August 20.
Base sa datos ngayong araw, ika-22 ng Agosto 2022, 8:48 AM, higit Php 154 million ang halaga ng naipamahaging assistance ng DSWD sa mga mag-aaral na nangangailangan ng agarang tulong para may pandagdag sa pambili ng school supplies at iba pang kagamitan sa pagsisimula ng pasukan ngayong araw.
Ang Educational Assistance na nasa ilalim ng programa ng DSWD na Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ay layong tulungan ang mga student-in-crisis o mga mag-aaral na nasa krisis o emergency situations.
Nagsasagawa ngayon ang DSWD ng payout sa mga kwalipikadong mag-aaral hanggang September 24.
Maagap at Mapagkalingang Serbisyo!
❤️
20/08/2022
DSWD 3RD Tranche Update
Local News Update
EDUCATIONAL ASSISTANCE AID (DSWD)
Senior highschool si Jeric ngayong pasukan. Batid niya ang hirap na walang ibang kamag-anak na pwedeng umalalay sa kanyang mga kakailanganin sa darating na pasukan.
Siya ay taga-Tacloban City at nasawi sa Super Typhoon Yolanda ang kanyang mga magulang taong 2013. Ang lola niyang senior citizen na lamang ang nag-aalaga sa kanya. Dahil sa katandaan nito, hindi na din kayang matustusan ang pangangailangan ni Jeric.
Kung kaya’t malaki ang pasasalamat ni Jeric sa DSWD sa natanggap na AICS-Educational Assistance at para sa pag-alalay sa katulad niyang walang wala rin sa buhay.
♥️
20/08/2022
DSWD 3RD Tranche Update
Local News Update
EDUCATIONAL CASH ASSISTANCE UPDATE
(DSWD)
A total of 3,620 students-in-crisis who are residents of the CALABARZON Region received educational assistance from the DSWD as of 05:00 PM today. These students were assessed by DSWD social workers in seven payout / assessment centers regionwide and its regional office in Alabang, Muntinlupa City.
For today’s distribution, a total of PhP 10.9 million were provided to the said number of students. Each student received PhP 1,000 to PhP 4,000 depending on their grade level.
Under the agency’s Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), the educational assistance is an aid to students to help them pay for their school needs such as school supplies and projects.
The DSWD Field Office IV-A will continue processing educational assistance in the next five (5) Saturdays in various locations to reach more students-in-need across the region.
20/08/2022
DSWD 3RD Tranche Update
Local News Update
EDUCATIONAL CASH ASSISTANCE UPDATE
WE ARE VERY SORRY…
Sa mga galit po sa amin ngayon dahil hindi po namin natulungan today…ang amin pong taos pusong paumanhin.
WE WILL DO BETTER NEXT SATURDAY AT SA DARATING NA LIMANG SABADO.
Ang amin pong nakikitang solusyon…ILALAPIT na po namin sa inyo ang educational assistance sa tulong po ng mga taga-city hall at munisipyo na malapit sa inyong tirahan.
WAG po kayong mag-alala dahil ang DSWD pa rin po ang mamimili ng mga benepisyaryo para maiwasan ang palakasan, kapit, at padrino. Katuwang na rin po namin ang DILG sa proyektong ito.
At sa mga nabigyan na po ng stub at pina-fill up na ng form today, tatawag o magtext po kami para sa skedyul kung kailan ibibigay namin ang inyong educational assistance mula Lunes hanggang Biyernes next week sa mga DSWD offices namin.
SO SORRY PO ULI….
20/08/2022
DSWD 3RD Tranche Update
Local News Update
(DSWD) EDUCATIONAL CASH ASSISTANCE!.
Apat na 4th year college students mula sa Rizal, nakatanggap na ng educational assistance mula sa programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagsimula ngayong Sabado, Agosto 20.
Ayon sa mga estudyante, malaking tulong ito sa kanilang pambaon sa pagbubukas ng klase.
DSWD Cash assistance.
20/08/2022
DSWD 3RD Tranche Update
Local News Update
DSWD SEC. Erwin Tulfo
EDUCATIONAL ASSISTANCE
Pinapayuhan ang mga nais mag-apply ng Educational Assistance dito sa DSWD Central Office sa Quezon City na magpa-register muna gamit ang QR code na nasa ibaba.
‘Yan ay para maiwasan ang siksikan sa nakapila ng mga aplikante.
Antayin naman ang text confirmation mula sa DSWD para sa petsa at oras kung kailan papapuntahin dito sa Central Office.
DSWD Sec, Erwin Tulfo ❣️
19/08/2022
DSWD 3RD Tranche Update
Local News Update
DSWD EDUCATIONAL ASSISTANCE PAYOUT
Simula bukas, August 20, at sa susunod na lima (5) pang Sabado hanggang September 24, magsasagawa ang DSWD ng Educational Assistance Payout sa mga STUDENT-IN-CRISIS para makatulong sa pagbili nila ng school supplies at iba pang kagamitan at pangangailangan sa pag-aaral.
Dito sa Central Office, magbubukas ang gate ng 7:00 ng umaga.
Ang mga DSWD Field Offices at SWAD/satellite offices ng ahensya sa iba't ibang rehiyon ay magsisimulang tumanggap ng mga aplikante at mag-payout ng 8:00 ng umaga.
Ano nga ba ang Educational Assistance na programa ng DSWD sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS)?
At sino-sino ang mga itinuturing na STUDENTS-IN-CRISIS?
Basahin ang infographics sa ibaba para sa buong impormasyon tungkol sa AICS Educational Assistance
Maagap at Mapagkalingang Serbisyo! ❤️
12/08/2022
DSWD 3RD Tranche Update
Lokal na Balita Update
DSWD SEC, Erwin Tulfo
Mas maraming indibidwal na nasa krisis ang makikinabang sa karagdagang P2B na badyet para sa AICS Nagpasalamat ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) kay Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. at sa Department of Budget and Management (DBM) sa pag-apruba sa pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga ng sa P2 bilyon para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
Sinabi ng DSWD na ang karagdagang pondong ito ay umuulit sa benepisyo ng mga kliyente, lalo na ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo. Makakatulong din ito sa mas maraming indibidwal na nasa krisis sa pag-avail ng iba't ibang pakete ng mga serbisyo sa ilalim ng AICS.
DSWD ❤️
06/08/2022
DSWD 3RD Tranche Update
Local News Update
DSWD SEC, Erwin Tulfo
Umaasa ang DSWD na magdulot ng epekto sa mga mahihirap na matatanda na may tumaas na social pension Umaasa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magdudulot ng malaking epekto sa buhay ng mga benepisyaryo ang batas na nagtataas ng social pension para sa mga mahihirap na senior citizen. Alinsunod sa Republic Act No. 11916, na naging batas noong Hulyo 30, ang buwanang pensiyon ng mga kwalipikadong senior citizen sa ilalim ng Social Pension for Indigent Senior Citizens program ng gobyerno ay magiging Php1,000 mula Php500.
DSWD ❤️