Migrante Philippines

Migrante Philippines

Share

A national formation of community-based organizations of returned migrants, families, and advocates.

Photos from Migrante Philippines's post 31/05/2026

POOREST DE MAYO 2026 | Nakiisa ang Migrante Caloocan sa Poorest de Mayo sa North Caloocan ngayong araw, Mayo 31. Imbis na nag-gagandahang palamuti at bulaklak, bitbit natin ang mga isyu at panawagan ng migrante at iba't ibang sektor na lumahok sa parada sa komunidad.

Ilan sa mga tinampok nating panawagan ay ang pagpapalaya kay Mary Jane Veloso at pagkakaroon ng trabaho sa Pinas, hindi sa labas. Dagdag dito ang pagbaba ng presyo ng bilihin, pagtaas ng sahod sa nakabubuhay na antas, pag-rollback ng presyo ng gasolina, pagbasura sa oil deregulation law, pagpatupad ng P1200 minimum wage nationwide, at iba pang mga isyu ng taumbayan.




Photos from Asia Pacific Mission for Migrants (APMM)'s post 26/05/2026
Photos from Mayday Multimedia's post 26/05/2026
Photos from Migrante Philippines's post 22/05/2026

NAGANAP: Nagsagawa ng isang pagkilos ang Migrante kasama ang ibat ibang alyadong pangmasang organisasyon sa harapan ng NICA upang kondenahin ang patuloy na terror-tagging na isinasagawa ng mga puwersa ng militar, gamit ang isang samahan diumano ng mga OFW na nakabase sa probinsiya ng Isabela laban kay Criselda Fiel, pambansang tagapagpangulo ng Migrante.

Ang mga posters na ipinapakalat ay bahagi ng planadong operasyong saywar ng estado sa pangunguna ng NTF-ELCAC. Sa ilalim ng tinaguriang whole-of-nation approach (NAP-UPD) upang takutin ang mga lumalapit na distressed upang ilihis ang atensyon ng mamamayan at patahimikin ang diskurso sa ugat ng krisis panlipunan. Hindi terorismo ang maglingkod sa sambayanan.

Sa ganitong kalakaran, ang pangunahing biktima ng red-tagging, pananakot, at karahasan ay ang mga lider-aktibista at iba pang nagsusulong ng karapatang pantao, katulad ng nangyari sa masaker sa Taboso 19 sa Negros.

Tahasang nilalabag ang karapatang pantao, maging ang International Humanitarian Law. Ginagamit ng rehimeng US-Marcos Jr. ang NTF-ELCAC at AFP-PNP sa pamamagitan ng paglaan ng 10 bilyong pisong pondo upang supilin ang pakikibaka ng mamamayan.

Itigil ang pasistang atake sa lider masa at lahat ng nagsusulong sa karapatan at kagalingan ng mamamayan. Marcos Jr. Panagutin!

Panagutin ang militar at NTF-ELCAC sa terror-tagging!

Itigil ang pasistang panunupil!

Hands off Criselda Fiel!





Photos from Kodao Productions's post 22/05/2026

Buwagin ang NTF-ELCAC! BBM, panagutin!

Photos from GMA News's post 08/05/2026

06/05/2026
Photos from Migrante Philippines's post 01/05/2026

BUHAY AT KABUHAYAN, IPAGLABAN! GERA NG US, WAKASAN!

Nitong araw, ginunita natin ang ika-124 na anibersaryo ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa bitbit ang hinaing ng sambayanan na dumaranas ng masidhing krisis pang-ekonomiya, mababang sahod, kawalan ng oportunidad, hindi makataong kondisyon sa paggawa, at panunupil. Dagdag dagok din sa atin, mapa ordinaryong mamamayan o migranteng manggagawa, ang pagsalakay ng US at Israel sa Iran na siyang sanhi ng pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo at pagkalagay sa panganib ng mga kababayan natin sa Kanlurang Asya.

Mula Mendiola hanggang kahabaan ng Kalaw, bitbit nating OFWs at pamilya ang mga panawagan para sa:
✓ Pagtanggal ng VAT at excise tax sa langis
✓ Pagbaba ng presyo ng langis at iba pang bilihin
✓ Pagwakas sa gerang agresyon ng US-Israel sa Kanlurang Asya
✓ Pagtaas ang sahod sa nakabubuhay na antas na PHP1200 nationwide
✓ Paglikha ng pambansang industriya at upang matuldukan ang sapilitang migrasyon

Ang tao, ang bayan, tuloy-tuloy ang laban!



Photos from Migrante Philippines's post 21/04/2026

Nagsagawa ng kilos protesta ngayon umaga sa harapan ng Department of Migrant Workers ang MigrantePh kasama ang Samahan ng mga DH sa Gitnang Silangan, Concerned Seafarers of the Philippines, Jerome Adonis ng Kilusang Mayo Uno, at si Congresswoman Renee Co ng Kabataan Partylist.

Bitbit ang panawagan ng mga migranteng manggagawa, pamilya at mamamayan. Itigil ang gerang agresyon ng US,protektahan at ligtas na pauwiin ang mga OFWs na naapektuhan ng gera sa Gitnang Silangan. Itigil ang lahat ng porma ng pribatisasyon-Prime water, NAIA. Gayundin ang isyu ng pag taas ng sahod, P1,200 ng mga manggagawa, ibaba ang presyo ng mga pangunahin bilihin, trabaho sa Pilipinas, at iba pang mga panawagan na nakakaapekto sa mamamayang Pilipino.

Ibasura ang Labor Export program!
Trabaho sa Pinas, hindi sa labas!
Isulong ang pambansang industriyalisasyon at reporma sa lupa!

Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


No. 57 P. Burgos Street Brgy. Marilag, Project 4
Quezon City
1100