28/05/2026
NCIP, Katuwang sa Ika-290th Medical Mission ng Tzu Chi Foundation Philippines sa Victoria, Oriental Mindoro
VICTORIA, ORIENTAL MINDORO — Buong puwersang sinuportahan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), sa ilalim ng pamumuno ni Secretary/Chairperson Nancy A. Catamco, ang matagumpay na pagsasagawa ng ika-290th Medical Mission ng Buddhist Compassion Relief Tzu Chi Foundation Philippines sa Bayan ng Victoria noong Mayo 23–24, 2026.
Sa pangunguna nina Dr. Josefino Qua, Head ng Tzu Chi International Medical Association (TIMA), at Ms. Rosa So, Head ng Tzu Chi Medical Function Team, kabilang ang 45 TIMA doctors at iba pang volunteers, naihatid ang libreng serbisyong medikal sa mahigit 2,000 benepisyaryo mula sa mga bayan ng Victoria, Socorro, at Naujan, kabilang ang mga Mangyan ICCs/IPs.
Pinangunahan naman ng NCIP Office on Socio-Economic Services and Special Concerns (OSESSC) ang matibay na ugnayan sa Tzu Chi Foundation at ang pangkalahatang koordinasyon, kasama ang buong suporta ng NCIP Regional Office MIMAROPA sa pangunguna ni Regional Director Joemer M. Samong at ng Office on Education, Culture and Health (OECH), na kinatawan ni Dr. Jacob Ross Rosales, Chief of the Health and Development Division. Katuwang din sa koordinasyon sina Joseph Ian P. Manlulu at Maribel G. Dato ng OSESSC, na nagsilbing focal persons upang matiyak ang aktibong pakikiisa ng ahensya sa programang pangkalusugan na ginanap sa Victoria Plaza Hotel.
Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob ay medical consultations, dental services, minor surgical procedures, pediatric at OB-Gyne services, at libreng gamot na tunay na nagbigay-ginhawa sa mga komunidad, lalo na sa mga katutubong Mangyan.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Tzu Chi Foundation Philippines, NCIP, LGU Victoria sa pamumuno ni Mayor Richard V. Inciong, Municipal Health Office (MHO), at iba’t ibang partner organizations at volunteers, naging matagumpay ang misyong ito na naglalayong ilapit ang serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad na may limitadong akses dito.
Lubos naman ang naging pasasalamat ng mga benepisyaryo, partikular ang mga katutubong Mangyan, sa pagkakataong makatanggap ng libreng gamutan at konsultasyon na malaking tulong sa kanilang kalusugan at kabuhayan.
Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng NCIP sa Buddhist Compassion Relief Tzu Chi Foundation Philippines, sa lahat ng mga doktor, volunteers, Victoria LGU, Municipal Health Office, Barangay Health Workers (BHWs), at lahat ng indibidwal na naging bahagi ng matagumpay na misyong ito. Ang kanilang malasakit, pagkakaisa, at dedikasyon ay nagsisilbing inspirasyon upang patuloy na maihatid ang serbisyong may puso at malasakit sa mga komunidad na higit na nangangailangan.
Patuloy na magsisilbing tulay ang NCIP sa paghahatid ng serbisyong may malasakit para sa kapakanan ng ating mga katutubo.
Gan En (Thank you), Tzu Chi Foundation Philippines and Master Cheng Yen
Gan En, Tzu Chi Volunteers
[Ang Buddhist Compassion Relief Tzu Chi Foundation Philippines ay isa sa mga partner organizations ng NCIP at matagal nang katuwang ng ahensya sa pagbibigay ng medical services, scholarships, relief operations para sa mga biktima ng kalamidad, at pagsusulong ng environmental protection initiatives.]

15/05/2026
12/05/2026
12/05/2026
12/05/2026
12/05/2026
12/05/2026
12/05/2026
12/05/2026