21/09/2026
๐จ MAHIGPIT NA PAUNAWA, BARANGAY MANRESA! ๐จ
HINDI LANG BASURA ANG BAWALโRESPONSIBILIDAD DIN NATIN ANG ATING MGA ALAGANG A*O! ๐๐พ
๐ A*O MO, TALI MO!
Huwag hayaang gumala ang inyong alaga sa kalsada o pampublikong lugar nang walang sapat na pangangalaga.
๐ฉ DUMI NG A*O MO, DAKUTIN MO!
Kung dumumi ang inyong alaga sa kalsada, sidewalk o pampublikong lugar, AGAD ITAPON SA TAMANG BASURAHAN. Huwag iwanan ang dumi ng inyong a*o na maaaring maging sanhi ng maruming kapaligiran at panganib sa kalusugan.
๐๏ธ BAWAL MAGLABAS NG BASURA NG WALANG KOLEKSYON!
Ilabas lamang ang basura sa tamang oras at tamang lugar ayon sa schedule ng koleksyon.
Huwag iwanan ang basura sa kalsada, sidewalk o pampublikong lugar.
โ ๏ธ PABATID:
Ang mga mahuhuling lumalabag ay maaaring ma-ticketan at patawan ng kaukulang parusa alinsunod sa umiiral na mga ordinansa ng Quezon City.
๐ธ MAKIISA SA PAGPAPANATILI NG KAAYUSAN
Kung makakita ng aktuwal na paglabag, maaari itong kuhanan ng larawan o video bilang dokumentasyon at i-report sa Barangay Manresa upang maayos na maaksyunan.
๐ Huwag makipagtalo o komprontahin ang lumalabag.
๐ Unahin ang inyong kaligtasan.
๐ Ibigay sa barangay ang impormasyon, larawan o video na makatutulong sa pag-aksyon sa reklamo.
๐ค ANG MALINIS AT MAAYOS NA BARANGAY AY HINDI LANG TRABAHO NG BARANGAYโRESPONSIBILIDAD NATIN LAHAT
๐ฟ MALINIS NA BARANGAY, RESPONSIBILIDAD NG LAHAT
๐ A*O MO, TALI MO! DUMI NG A*O MO, DAKUTIN MO!
๐๏ธ TAMANG ORAS. TAMANG LUGAR. TAMANG PAGTATAPON.
Maraming Salamat po sa inyong pakikiisa at pang unawa. โค๏ธ