09/09/2026
BASAHIN: Bilang pag-iingat sa inaasahang patuloy na malalakas na pag-ulan dulot ng pinalakas na Habagat, ipatutupad ang alternative work arrangements sa mga tanggapan ng pamahalaan sa NCR at 14 pang lalawigan ngayong Setyembre 10, 2026.
Magpapatupad din ng alternative learning modes sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa mga nasabing lugar, maliban kung may ibang direktiba mula sa kani-kanilang lokal na pamahalaan.
Patuloy namang maglilingkod ang mga ahensyang nagbibigay ng serbisyong pangkalusugan, disaster response, at iba pang mahahalagang serbisyo.
Manatiling alerto at unahin ang kaligtasan.