QC SSDD SIGA and SIGAP

QC SSDD SIGA and SIGAP

Share

Ordinance No. SP-3287, S-2024. Empowering individuals and families through sustainable livelihood and income-generating support programs.

26/05/2026

πŸ“’ ANNOUNCEMENT

In observance of Eid’l Adha on May 27, 2026, our office will have no office hours for onsite transactions.

However, our online services and communication channels will remain open and accessible for inquiries and concerns. πŸ’»πŸ“©

Regular onsite operations will resume on the next working day.

We extend our warm greetings to our Muslim brothers and sisters as they celebrate this meaningful occasion. May Eid’l Adha bring peace, unity, blessings, and prosperity to everyone. βœ¨πŸŒ™

Photos from QC SSDD SIGA and SIGAP's post 26/05/2026

β€œDay 1 – Social Preparation” successfully gathered four (4) Sikap At Galing Pangkabuhayan (SIGAP) groups with a total of 60 beneficiaries who accessed the Sustainable Livelihood Program (SLP) under the Department of Social Welfare and Development NCR for the possible provision of capital assistance. The participating groups included Let’s Meat of Barangay Old Balara, Greenhouse OFW of Barangay Paltok, Homemade Hustler of Barangay Pasong Putik, and Junks For Hope from Barangay Payatas.

Held at the Social Services Development Department under the supervision of the Vocational Development Department, the activity highlighted the commitment to empowering communities through sustainable livelihood opportunities and capacity-building initiatives. πŸ’™βœ¨

Photos from QC SSDD SIGA and SIGAP's post 25/05/2026

πŸ“£ Update sa Programang Sikap at Galing Pangkabuhayan (SIGAP)

Matagumpay na isinagawa ng SIGAP Program ang Basic Business Management Training at workshop sa pagbuo ng business proposal, na ginanap sa 5th Floor, SSDD Building, Quezon City Hall noong Mayo 22, 2026.

Tatlong (3) grupo ang lumahok sa pagsasanay:
β€’ Ligaia Dough mula Brgy. Kaligayahan – Produksyon ng Tinapay at Pastry
β€’ Bananay mula Brgy. Nagkaisang Nayon – Produksyon ng Banana Chips na may iba’t ibang timpla
β€’ Salam Thread mula Brgy. Culiat – pananahi ng long dress, hijab atbp.

Dinaluhan ang pagsasanay ng dalawampu’t dalawang (22) indibidwal, kabilang ang Salam Thread at Ligaia Dough, na mga nagtapos ng MBBSTP.

Layunin ng inisyatibang ito na palakasin ang kasanayan sa pagnenegosyo at suportahan ang napapanatiling pag-unlad ng kabuhayan ng mga kalahok.

Photos from QC SSDD SIGA and SIGAP's post 14/05/2026

πŸ“’ Alamin ang mga detalye tungkol sa Sikap At Galing Pangkabuhayan (SIGAP) Program!
Narito na ang kompletong impormasyon para sa mga interesadong benepisyaryo. Basahin nang mabuti at sundan ang tamang proseso ng aplikasyon.
πŸ“ Para sa karagdagang detalye, bumisita sa aming tanggapan:
Quezon City Hall Compound, Building E, 4th Floor – Social Services Development Department (SSDD)

Photos from QC SSDD SIGA and SIGAP's post 13/05/2026

πŸ“’ π—¨π—‘π—”π—‘π—š π——π—œπ—šπ—œπ—§π—”π—Ÿ 𝗠𝗔π—₯π—žπ—˜π—§π—œπ—‘π—š 𝗧π—₯π—”π—œπ—‘π—œπ—‘π—š 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π—¦π—œπ—šπ—”π—£ π—•π—˜π—‘π—˜π—£π—œπ—¦π—¬π—”π—₯𝗬𝗒 πŸ“±πŸ’Ό

Noong Mayo 12, 2026, ganap na alas-9:00 ng umaga, matagumpay na naghatid ng kauna-unahang Digital Marketing Training ang Vocational Development Division ng Social Services Development Department para sa mga benepisyaryo ng Sikap At Galing Pangkabuhayan Program (SIGAP).

Layunin ng pagsasanay na mapalawak ang kanilang kaalaman at madagdagan ang kanilang mga estratehiya sa paggamit ng gadgets at social media bilang makabagong paraan sa pagpapalago ng kanilang mga negosyo. Tinalakay dito ang iba’t ibang paraan ng pagpo-promote, pagma-market, at tamang pagpo-post ng kanilang mga produkto at serbisyo online.

Hindi lamang simpleng diskusyon ang isinagawa sapagkat nagkaroon din ng workshop upang higit na mapagtibay at maisabuhay ng mga kalahok ang kanilang mga natutunan sa digital marketing. ✨

May kabuuang 36 na kalahok ang nakiisa sa programa mula sa walong grupo na may iba’t ibang uri ng negosyo.

Narito ang ilan sa mga benepisyaryo ng Sikap At Galing Pangkabuhayan Program (SIGAP) at ang kanilang mga group page:

πŸ”Ή Wander Blade SIGAP Group
https://www.facebook.com/profile.php?id=61570593240234
πŸ”Ή Tingkop De Payatas SIGAP Group
https://www.facebook.com/profile.php?id=61589688298025
πŸ”Ή Junks For Hope SIGAP Group (Palerong Manggagawa ng Payatas)
https://www.facebook.com/profile.php?id=61579313349058
πŸ”Ή Meat Mo SIGAP Group
https://www.facebook.com/profile.php?id=61589668349047
πŸ”Ή Candle Angles SIGAP Group
https://www.facebook.com/profile.php?id=61589342233144
πŸ”Ή Toteful Rug SIGAP Group
https://www.facebook.com/profile.php?id=61589580212700
πŸ”Ή Super Clean SIGAP Group
https://www.facebook.com/profile.php?id=61589348022760
πŸ”Ή Weldworks SIGAP group
https://www.facebook.com/profile.php?id=61589221173481

πŸ’™ Patuloy ang SSDD sa pagbibigay ng mga makabuluhang programa at pagsasanay upang masuportahan ang pag-unlad ng kabuhayan at mapalakas ang kakayahan ng mga mamamayan sa makabagong paraan ng pagnenegosyo.

07/05/2026

Ang bawat maliit na simula ay maaaring maging daan tungo sa malaking tagumpay.

Sa pamamagitan ng Livelihood Training at suporta ng QC-SSDD, nabigyan si Lai ng pagkakataong matuto, magkaroon ng dagdag na kaalaman, at makapagsimula ng sariling negosyo sa paggawa ng kandila. Ang dating simpleng pangarap ay unti-unting naging realidad dahil sa sipag, tiyaga, at tamang oportunidad.

Patunay ang kanyang kwento na kapag binigyan ng pagkakataon ang isang tao na matuto at umangat, mas marami pang buhay ang maaaring mabago at mabigyang pag-asa. πŸ’œπŸ•―οΈ

Suportahan ang kanyang munting negosyo at i-follow ang KandiLai Page:
https://www.facebook.com/share/1HSnpyzub7/?mibextid=wwXIfr

Photos from QC SSDD SIGA and SIGAP's post 04/05/2026

πŸ“’ Naganap ang SIGAP Orientation!

Noong Abril 23, 2026, matagumpay na isinagawa ng Social Services Development Department ang SIGAP Orientation bilang bahagi ng Sikap at Galing Pangkabuhayan Program.

Hindi lamang dagdag puhunan ang layunin ng programang ito. Ito rin ay naglalayong palawakin ang kaalaman ng mga benepisyaryo sa tamang pamamahala ng negosyo, pagpapatibay ng samahan, at maayos na paghawak ng pananalapi.

Isa sa mga lumahok ang Maligaya Vendors Association na binubuo ng 25 masisipag na miyembro. Sila ay may iba’t ibang hanapbuhay tulad ng sari-sari store, cash-in/cash-out services, pagtitinda ng balut at penoy, at online selling ng beauty products.

Sa tulong ng programang ito, inaasahan nilang mapalago ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng proyektong paggawa ng liquid dishwashing soap.

πŸ’ͺ Sama-sama sa pag-asenso!

Photos from QC SSDD SIGA and SIGAP's post 24/04/2026

Hindi lang puhunan ang mahalaga, kaalaman din. Sa isinagawang Financial Literacy Training para sa mga aplikante ng Small Income Generating Assistance (SIGA), mas pinalakas ang kanilang kakayahan sa tamang paghawak ng pera, pagba-budget, at pagpapalago ng kabuhayan.
Dahil ang tunay na tagumpay ay nagsisimula sa tamang kaalaman at disiplina.

Photos from QC SSDD SIGA and SIGAP's post 30/03/2026

Pinalakas pa ang suporta sa maliliit na negosyante sa Quezon City!

Nagbahagi ang Business Permit and Licensing Department (BPLD) ng mahahalagang impormasyon tungkol sa pagkuha ng mga kinakailangang permit upang makapagnegosyo nang legal at maayos ang mga may-ari ng tindahan sa lungsod.

Kasabay nito, nagsagawa ng programa ang Vocational Development Department katuwang ang City Treasurer’s Office upang magbigay ng dagdag puhunan sa mga negosyante. Noong Marso 6, 2026, umabot sa 1,311 benepisyaryo ang nakatanggap ng Small Income Generating Assistance.

Apat na grupo rin ang nabigyan ng karagdagang puhunan sa ilalim ng Sikap at Galing Pangkabuhayan Program para sa kanilang mga negosyo tulad ng salon, paggawa ng basahan, at kandila.

Tatlo sa mga grupong ito ay mga nagtapos sa Livelihood Training sa Hairdressing at Candle Making mula sa Vocational Development Divisionβ€”patunay na patuloy na sumusuporta ang lungsod sa pag-abot ng pangarap ng bawat negosyante.

Photos from QC SSDD SIGA and SIGAP's post 14/07/2025

πŸ“’ Awarding of Small Income Generating Assistance (SIGA)
Batch 1-3 | Kabuuang 557 kwalipikadong benepisyaryo

Ang programang ito ay bahagi ng Quezon City Social Services Development Department na patuloy ang pagsuporta sa mga maliliit na negosyanteng nangangailangan ng tulong pangkabuhayan.

πŸ“Œ Pakitandaan: Sa mga nakapasok sa listahan ng mga kwalipikado, mangyaring maghintay lamang ng opisyal na kumpirmasyon ng petsa ng inyong payout. Hinihimok na maging mapagpasensya habang inaayos ang mga dokumento at schedule.

Photos from QC SSDD SIGA and SIGAP's post 10/07/2025

πŸ“’ Alamin ang mga detalye tungkol sa Small Income Generating Assistance (SIGA) Program!
Narito na ang kompletong impormasyon para sa mga interesadong benepisyaryo. Basahin nang mabuti at sundan ang tamang proseso ng aplikasyon.

πŸ“ Para sa karagdagang detalye, bumisita sa aming tanggapan:
Quezon City Hall Compound, Building E, 4th Floor – Social Services Development Department (SSDD

Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


Quezon City

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm