13/05/2026
Patuloy po nating inihahatid ang serbisyo para sa ating mga kababayan.
Sa abot po ng ating makakaya, mananatili po kaming kakampi at handang tumugon sa inyong mga pangangailangan.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na tiwala at suporta. 💙❤️💛
12/05/2026
Ipinagdiriwang natin ang International Nurses Day bilang pagpupugay sa sipag, sakripisyo, at walang sawang dedikasyon ng ating mga nurse na patuloy na nagsisilbi sa bawat sulok ng mundo. 🩺
Maraming salamat po sa inyong malasakit at tapat na serbisyo sa pag-aalaga at pagbibigay pag-asa sa bawat pasyente. Kayo po ay tunay na mga bayani na nagbibigay lakas at ginhawa sa ating komunidad.
Mabuhay po ang lahat ng ating mga nurse! 💙
10/05/2026
I was surprised with the biggest bouquet today 😱. Thank you my sweetheart for always making me feel so loved, especially on Mother’s Day 🩷
10/05/2026
Happy Mother’s Day po sa lahat ng nanay sa buong mundo, lalo na sa mga solo parent na buong tapang at pagmamahal na itinataguyod ang kanilang pamilya. 💖
Kayo po ang tunay na ilaw, lakas, at inspirasyon ng bawat tahanan. Saludo po kami sa inyong sakripisyo at walang sawang pagmamahal. 🌷
01/05/2026
HAPPY LABOR DAY! 💪🇵🇭
Isang taos-pusong pagpupugay sa lahat ng manggagawang Pilipino na patuloy na nagsisikap at nag-aalay ng kanilang lakas, oras, at talento para sa pag-unlad ng ating bansa.
Ang inyong sipag at dedikasyon ay nagbibigay inspirasyon sa marami. Kakampi ninyo kami sa pagsusulong ng dignidad, karapatan, at kapakanan ng bawat manggagawa.
Mabuhay po ang manggagawang Pilipino!
22/04/2026
Bawat punong itinatanim ay hakbang tungo sa mas maayos na kinabukasan. 🌏🌱
Sa pagdiriwang ng Earth Day, sama-sama po tayong kumikilos para sa kalikasan sa pamamagitan ng tree planting at iba pang makakalikasang gawain. Sa bawat punlang naitatanim, may pag-asang inaalagaan para sa susunod na henerasyon.
Kakampi ninyo po kami sa pangangalaga ng ating kalikasan at sa pagtataguyod ng mas magandang bukas para sa lahat.
15/04/2026
MAS MAHIGPIT NA BATAS VS. ONLINE SCAM! 💻📱
Sa ilalim ng House Bill No. 8709, pinatitibay ang batas laban sa online fraud at voice phishing. Layunin nitong maprotektahan ang pinaghirapang pera ng bawat Pilipino at mapanagot ang mga mapagsamantalang tao.
Sisiguraduhin ng inyong Kakampi sa Kongreso ang proteksyon sa karapatan ng inosenteng mamamayan sa pamamagitan ng tamang proseso at sapat na safeguards.
Hindi tayo titigil hangga’t hindi ligtas ang bawat Pilipino sa panloloko — online man o offline.
Maraming Salamat po sa tiwala at suporta. ❤️
14/04/2026
Tuloy-tuloy po ang aming paglilingkod para sa mamamayan sa District Office ng ACT-CIS Partylist sa Cauayan, Isabela. Bukas po ang aming opisina mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 AM hanggang 5:00 PM, upang kayo ay matulungan sa inyong mga pangangailangan.
Narito po ang ilan sa mga serbisyong aming handog:
✅ Libreng Legal na Payo
✅ OFW Repatriation
✅ Medical Assistance
✅ Libreng Gamot (paalala: magdala ng reseta at valid ID)
Ang inyong kaligtasan at kalusugan ang aming pangunahing prayoridad kaya patuloy po kaming narito upang maglingkod nang tapat at buong puso.
Maraming salamat po sa inyong tiwala at suporta, mga Kakampi ❤️
09/04/2026
Ginugunita natin ngayon ang Araw ng Kagitingan—isang makasaysayang pagkilala sa katapangan at sakripisyo ng ating mga bayaning buong tapang at walang pag-aatubiling ipinaglaban ang ating kalayaan.
Magsilbi po itong paalala na ang tunay na kagitingan ay makikita sa patuloy na paninindigan at pagmamahal sa ating bayan. 🇵🇭