Cong Karl Fernandez Legazpi

Directions

Cong Karl Fernandez Legazpi Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Cong Karl Fernandez Legazpi, Public Service, House of Representatives, Quezon City.

Public Servant | Pinoy Worker | Peace Advocate

Pinoy Workers Partylist Representative
Vice-Chairperson, Committee on Basic Education and Culture
Vice-Chairperson, Committee on Youth and Sports Development
Vice-Chairperson, Committee on Appropriations

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞-𝗧𝗔𝗡𝗔𝗪 | 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗜𝗟𝗕𝗜 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗢Sa muling pagbabalik ng sesyon, dala natin ang panibagong sigla at m...
30/10/2026

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞-𝗧𝗔𝗡𝗔𝗪 | 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗜𝗟𝗕𝗜 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗢

Sa muling pagbabalik ng sesyon, dala natin ang panibagong sigla at mas matibay na paninindigang isulong ang mga adhikain ng ating mga kababayan. Mahalagang matiyak na ang mga desisyon at panukalang ating isinusulong ay maisasalin sa konkretong hakbang at serbisyong mararamdaman ng mamamayang Pilipino

Patuloy tayong magiging bahagi ng mga gawaing nagtataguyod sa kapakanan ng mga manggagawa at ng bawat Pilipino. Sa bagong yugtong ito, mananatili tayong nakatuon sa pagsusulong ng mga makabuluhang pagbabago para sa isang mas maayos at mas makatarungang kinabukasan.

Ang ating tungkulin ay hindi lamang nasusukat sa mga batas at panukalang naipapasa, kundi higit sa lahat, sa positibong pagbabagong naidudulot ng mga ito sa buhay ng ating mga kababayan. Bitbit ang layuning ito, magpapatuloy tayo sa tapat, makabuluhan, at walang-patid na paglilingkod para sa sambayanang Pilipino.


𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞-𝗧𝗔𝗡𝗔𝗪 | 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡Sa mga nagdaang linggo, nakilahok tayo sa mga talakayan at gawaing naglalayon...
30/10/2026

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞-𝗧𝗔𝗡𝗔𝗪 | 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡

Sa mga nagdaang linggo, nakilahok tayo sa mga talakayan at gawaing naglalayong tugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan. Sa bawat pagpupulong at deliberasyon, patuloy nating isinusulong ang mga panukala at adhikaing naglalayong mapabuti ang kalagayan ng ating mga manggagawa at kapwa Pilipino.

Sa pagbabalik-tanaw sa ating nagawa, dala natin ang mga aral at pananagutang higit pang magpapatibay sa ating paglilingkod. Patuloy ang ating hangaring magtrabaho para sa kapakanan ng mamamayan.


𝗟𝗢𝗢𝗞 | 𝗥𝗘𝗣. 𝗞𝗔𝗥𝗟 𝗙𝗘𝗥𝗡𝗔𝗡𝗗𝗘𝗭 𝗟𝗘𝗚𝗔𝗭𝗣𝗜 𝗖𝗢-𝗔𝗨𝗧𝗛𝗢𝗥𝗦 𝗛𝗢𝗨𝗦𝗘 𝗥𝗘𝗦𝗢𝗟𝗨𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗨𝗥𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧 𝗧𝗢 𝗗𝗘𝗖𝗟𝗔𝗥𝗘 𝗔𝗠𝗕. 𝗝𝗜𝗡𝗚 𝗤𝗨𝗔𝗡 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡𝗔 𝗡𝗢...
22/10/2026

𝗟𝗢𝗢𝗞 | 𝗥𝗘𝗣. 𝗞𝗔𝗥𝗟 𝗙𝗘𝗥𝗡𝗔𝗡𝗗𝗘𝗭 𝗟𝗘𝗚𝗔𝗭𝗣𝗜 𝗖𝗢-𝗔𝗨𝗧𝗛𝗢𝗥𝗦 𝗛𝗢𝗨𝗦𝗘 𝗥𝗘𝗦𝗢𝗟𝗨𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗨𝗥𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧 𝗧𝗢 𝗗𝗘𝗖𝗟𝗔𝗥𝗘 𝗔𝗠𝗕. 𝗝𝗜𝗡𝗚 𝗤𝗨𝗔𝗡 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡𝗔 𝗡𝗢𝗡 𝗚𝗥𝗔𝗧𝗔

Sumama tayo sa paghain ng 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗥𝗲𝘀𝗼𝗹𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻 𝟭𝟱𝟲𝟮 na naglalayong himukin ang ating Pangulo upang ideklarang persona non grata si Chinese Ambassador Jing Quan matapos nitong ipahiwatig sa isang pahayag na maswerte ang Pilipinas sapagkat kayang kaya manalo ng Tsina kung nanaisin nitong gumamit ng dahas laban sa atin.

Hindi katanggap-tanggap ang ganitong mga pahayag. Sa kabila nito, patuloy pa rin tayong nakakaranas ng panggigipit at pananakot sa loob ng sarili nating karagatan—ito ang realidad na kinahaharap ng ating mga kababayan sa West Philippine Sea. Ituloy natin ang paninindigan laban sa anumang uri ng kawalang-katarungan at pang-aabuso. Patuloy nating isusulong ang ating soberanya at karapatan sa West Philippine Sea!


𝗥𝗘𝗔𝗗 | 𝗥𝗘𝗦𝗣𝗢𝗡𝗦𝗘 𝗧𝗢 𝗖𝗛𝗜𝗡𝗘𝗦𝗘 𝗘𝗠𝗕𝗔𝗦𝗦𝗬 𝗠𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔'𝗦 𝗣𝗢𝗦𝗧 𝗔𝗚𝗔𝗜𝗡𝗦𝗧 𝗛𝗢𝗨𝗦𝗘 𝗟𝗘𝗚𝗜𝗦𝗟𝗔𝗧𝗢𝗥𝗦' 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧If I don’t speak up for my fellow P...
20/10/2026

𝗥𝗘𝗔𝗗 | 𝗥𝗘𝗦𝗣𝗢𝗡𝗦𝗘 𝗧𝗢 𝗖𝗛𝗜𝗡𝗘𝗦𝗘 𝗘𝗠𝗕𝗔𝗦𝗦𝗬 𝗠𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔'𝗦 𝗣𝗢𝗦𝗧 𝗔𝗚𝗔𝗜𝗡𝗦𝗧 𝗛𝗢𝗨𝗦𝗘 𝗟𝗘𝗚𝗜𝗦𝗟𝗔𝗧𝗢𝗥𝗦' 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧

If I don’t speak up for my fellow Palaweños, who will? I do not want war, nor do I wish for further hostility between our peoples. But somebody has to stand up for our rights.

Rhetoric aside, benign or otherwise, the fact remains that our fishermen continue to be harassed and bullied by PRC vessels in waters where we have every legal right to fish, including our historical and traditional fishing grounds. Kung may kapalit man ang paninindigang ito, so be it.

I have nothing against the Chinese people and their rich history and culture, which I have long admired. But I cannot remain silent in the face of intimidation, whether against our own people or theirs. If speaking up means foregoing the opportunity to visit a country I have always wanted to see, that is a small price to pay.

At the end of the day, I only hope that my future children will look back and say that their father chose to do the honorable thing, even when it was inconvenient, even when silence would have been easier. Some things are worth more than the privilege of being welcome.


𝗟𝗢𝗢𝗞 | 𝗖𝗢𝗡𝗚. 𝗟𝗘𝗚𝗔𝗭𝗣𝗜’𝗦 𝗡𝗘𝗪𝗟𝗬 𝗖𝗢-𝗔𝗨𝗧𝗛𝗢𝗥𝗘𝗗 𝗕𝗜𝗟𝗟𝗦 𝗨𝗡𝗗𝗘𝗥 𝗧𝗛𝗘 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗜𝗧𝗧𝗘𝗘 𝗢𝗡 𝗬𝗢𝗨𝗧𝗛 𝗔𝗡𝗗 𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧𝗦Bilang Vice-Chairperson ng Committ...
19/10/2026

𝗟𝗢𝗢𝗞 | 𝗖𝗢𝗡𝗚. 𝗟𝗘𝗚𝗔𝗭𝗣𝗜’𝗦 𝗡𝗘𝗪𝗟𝗬 𝗖𝗢-𝗔𝗨𝗧𝗛𝗢𝗥𝗘𝗗 𝗕𝗜𝗟𝗟𝗦 𝗨𝗡𝗗𝗘𝗥 𝗧𝗛𝗘 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗜𝗧𝗧𝗘𝗘 𝗢𝗡 𝗬𝗢𝗨𝗧𝗛 𝗔𝗡𝗗 𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧𝗦

Bilang Vice-Chairperson ng Committee on Youth and Sports, nais kong ipahayag ang aking suporta sa angking talento na ipinamalas ng ating mga atleta sa mundo. Kasama ng aking mga kapwa mambabatas sa Kongreso, naghain kami ng 24 House Resolutions na kumikilala sa ating mga atleta at sa kanilang mga tagumpay na nakamit.

Isang mahalagang bahagi ng ating pambansang pagkakakilanlan ang mga tagumpay ng ating mga atleta sa larangan ng kanilang mga laro. Hindi madali maging isang atleta. Nangangailangan ito ng walang humpay na sakripisyo, tatag ng loob, at matinding balanse sa pagitan ng kanilang larangan at araw-araw na buhay.

Sa ating pagkilala, patuloy-tuloy nating suportahan ang pagsisikap ng ating pambansang angking galing. Higit sa pagkilala sa kanilang mga tagumpay, mahalagang matiyak na mayroon silang sapat na oportunidad na maipakita ang kanilang talento, mahasa ang kanilang kakayahan, at makamit ang suportang nararapat upang patuloy na umunlad at magbigay ng karangalan sa ating bansa.


𝗟𝗢𝗢𝗞 | 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗜𝗧𝗧𝗘𝗘 𝗠𝗘𝗘𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗡 𝗧𝗛𝗘 𝗦𝗬𝗦𝗧𝗘𝗠𝗦 𝗟𝗢𝗦𝗦 𝗔𝗖𝗧 𝗔𝗡𝗗 𝗦𝗔𝗥𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗥𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗔𝗖𝗧Nitong Lunes, dumalo tayo sa meeting ng Commit...
16/10/2026

𝗟𝗢𝗢𝗞 | 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗜𝗧𝗧𝗘𝗘 𝗠𝗘𝗘𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗡 𝗧𝗛𝗘 𝗦𝗬𝗦𝗧𝗘𝗠𝗦 𝗟𝗢𝗦𝗦 𝗔𝗖𝗧 𝗔𝗡𝗗 𝗦𝗔𝗥𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗥𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗔𝗖𝗧

Nitong Lunes, dumalo tayo sa meeting ng Committee on Energy kung saan dininig ang mga ulat sa deliberasyon ng Systems Loss Act at Sariling Kuryente Act. Sa ilalim ng dalawang panukalang batas na ito, layunin na bawasan ang binabayarang systems loss fees at gawing mas madali at abot-kaya ang paggamit ng mga solar powered systems ng mga mamamayan.

Sa ating pagtaguyod ng kaunlaran ng ating bansa, kasama rin ang mga panukalang batas na magbibigay ginhawa sa araw-araw na pamumuhay, mahalaga na tayo ay makapaglatag ng mas makatarungan na presyong kuryente para sa ating mga nasasakupan. Ipatuloy natin ang laban patungo sa mas sustainable na kinabukasan!


𝗜𝗡 𝗣𝗛𝗢𝗧𝗢𝗦 | 𝗣𝗔𝗥𝗧𝗜𝗖𝗜𝗣𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗡 𝗧𝗛𝗘 𝗟𝗔𝗦𝗧 𝗦𝗘𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗗𝗔𝗬 𝗙𝗢𝗥 𝗢𝗖𝗧𝗢𝗕𝗘𝗥 𝟮𝟬𝟮𝟲Kahapon, dumalo tayo sa huling araw ng plenary session...
13/10/2026

𝗜𝗡 𝗣𝗛𝗢𝗧𝗢𝗦 | 𝗣𝗔𝗥𝗧𝗜𝗖𝗜𝗣𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗡 𝗧𝗛𝗘 𝗟𝗔𝗦𝗧 𝗦𝗘𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗗𝗔𝗬 𝗙𝗢𝗥 𝗢𝗖𝗧𝗢𝗕𝗘𝗥 𝟮𝟬𝟮𝟲

Kahapon, dumalo tayo sa huling araw ng plenary session para sa buwan ng Oktubre kung saan tayo ay nakiisa sa pagpasa ng iba’t ibang House Bills na makakatulong sa pagpaunlad ng ating bansa.

Kasama rito ang mga priority bills na nakatuon sa pagsasagawa ng national disaster risk framework, performance measurement system sa pamahalaang lokal, proteksyon ng kabataan sa social media at online games, comprehensive infrastructure development masterplan, at FY 2027 national budget.

Bilang representative ng Pinoy Workers, nais kong magpasalamat sa inyong patuloy na pagsuporta sa ating mga programs and measures na isinusulong sa ating araw araw na trabaho dito sa kongreso. Maasahan niyo na ang ating trabaho ay hindi pa nagtatapos sa pagsasara ng session at tuloy pa rin ang pagserbisyo tungo sa pag-asenso ng Pilipinas.


09/10/2026

𝗪𝗔𝗧𝗖𝗛 | 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗜𝗧𝗧𝗘𝗘 𝗠𝗘𝗘𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗡 𝗬𝗢𝗨𝗧𝗛 𝗔𝗡𝗗 𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧𝗦 𝗢𝗣𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗙𝗢𝗥 𝗧𝗛𝗘 𝗥𝗘𝗩𝗜𝗘𝗪 𝗢𝗙 𝗧𝗛𝗘 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗬𝗢𝗨𝗧𝗛 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗖𝗛𝗔𝗥𝗧𝗘𝗥

Nitong Lunes, nagkaroon ng Committee Meeting on Youth and Sports Development, nagkaroon tayo ng pagkakataong maipakilala ang ating ipinasang House Resolution 1097 na naglalayong balikan ang Republic Act 8044 o “Youth in Nation-Building Act” at suriin ang mga iba’t ibang youth participation at development frameworks, tulad ng Sangguniang Kabataan (SK) at National Youth Commission (NYC).

Dahil sa mabilis na pagpasok ng modernong teknolohiya at ng iba’t ibang isyung panlipunan, malaki na ang pagkakaiba ng sistema ng edukasyon, pangkabuhayan, at civic engagement ng kabataan ngayon kumpara sa 1995 noong itinatag ang RA 8044. Bagamat nagkaroon na ng pag-aayos sa SK at pagdaragdag ng ilang tungkulin sa NYC sa paglipas ng mga taon, nararapat lamang na suriin kung ang pangunahing batayang batas ay napapanahon pa rin sa kanilang mga pangangailangan.

Ang hakbang na ito ay hindi nangangahulugan ng direktang pagpapalit sa umiiral na batas, kundi isang proseso ng pakikinig at pag-unawa sa kasalukuyang sitwasyon. Ang tunay na pag-unlad ng sektor ay hindi lamang ginagawa para sa kabataan kundi kailangang kasama rin para sa makipanibagong kinabukasan nating lahat.


𝗟𝗢𝗢𝗞 | 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗜𝗧𝗧𝗘𝗘 𝗠𝗘𝗘𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗡 𝗟𝗘𝗚𝗜𝗦𝗟𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗙𝗥𝗔𝗡𝗖𝗛𝗜𝗦𝗘𝗦 𝗙𝗢𝗥 𝗩𝗔𝗥𝗜𝗢𝗨𝗦 𝗘𝗟𝗘𝗖𝗧𝗥𝗜𝗖 𝗖𝗢𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘𝗦 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗪𝗜𝗗𝗘Kahapon, dumalo tayo sa c...
08/10/2026

𝗟𝗢𝗢𝗞 | 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗜𝗧𝗧𝗘𝗘 𝗠𝗘𝗘𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗡 𝗟𝗘𝗚𝗜𝗦𝗟𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗙𝗥𝗔𝗡𝗖𝗛𝗜𝗦𝗘𝗦 𝗙𝗢𝗥 𝗩𝗔𝗥𝗜𝗢𝗨𝗦 𝗘𝗟𝗘𝗖𝗧𝗥𝗜𝗖 𝗖𝗢𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘𝗦 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗪𝗜𝗗𝗘

Kahapon, dumalo tayo sa committee meeting ng Committee on Legislative Franchises kung saan tinalakay ang iba't ibang house bills na nakatuon sa renewal ng iba't ibang electric cooperatives sa buong bansa.

Kabilang din rito ang House Bill No. 11029 o ang renewal ng prangkisa ng Palawan Electric Cooperative (PALECO). Pero bago ipagkaloob ang renewal ng prangkisa, mahalagang may malinaw at transparent na pananagutan sa mga ipinangakong pagbabago.

Kaya, iginiit natin ang pangangailangang suriin ang kanilang compliance sa aktwal na kalidad ng serbisyong nararanasan ng mga Palaweño. Higit sa pangako, nararapat lamang na matiyak natin na magkakaroon ang mga Palaweño ng maaasahang kuryente mula sa prangkisang ito.


Nais kong batiin ng Maligayang Kaarawan si Negros Occidental 3rd District Representative Javi Benitez!Kinikilala at pina...
08/10/2026

Nais kong batiin ng Maligayang Kaarawan si Negros Occidental 3rd District Representative Javi Benitez!

Kinikilala at pinahahalagahan namin ang inyong walang-sawang paglilingkod at matatag na pamumuno sa pagsusulong ng mga adhikain para sa ikabubuti ng ating bansa.

Mula sa Pinoy Workers Partylist, taos-puso naming ipinapaabot ang aming mga pagbati at hangad para sa inyong mabuting kalusugan, at lakas sa pagtupad ng inyong mga tungkulin.

Muli, isang Maligayang Kaarawan, Cong. Javi!


Address

House Of Representatives
Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cong Karl Fernandez Legazpi posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category

Nearby government services