20/07/2024
𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔, 𝗺𝗴𝗮 𝗞𝗮-𝗕𝗿𝗶𝗴𝗮𝗱𝗮!
Dahil sa nakatakdang State of the Nation Address (SONA) ng ating mahal na Pambansang Pangulo, ang ating butihing mayora, Mayor Joy G. Belmonte, ay naglabas ng Kautusang Tagapagpaganap (Executive Order) patungkol sa pagsususpinde ng klase sa mga pampribado at pampublikong paaralan. Kasabay nito ay ang pagbubukas ng Brigada Eskwela 2024.
Ang ating Brigada Eskwela 2024 Kick-off Ceremony ay gaganapin sa ika-23 ng Hulyo, 2024 (Martes). Ang programa ay magsisimula eksaktong ika-7 ng umaga sa School Covered Court.
Muli, iniimbitahan namin ang mga mahal naming Bagbagueños, mga magulang, alumni, iba't ibang organisasyon, at lahat ng stakeholders ng ating paaralan!
Aasahan namin ang inyong suporta at partisipasyon, ka-Brigada!
Tayo na at magsama-sama para sa paghahanda sa pagbubukas ng klase!
Maraming salamat.
10/07/2024
𝐁𝐫𝐢𝐠𝐚𝐝𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟒 𝐧𝐚!
𝐌𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐊𝐚-𝐁𝐫𝐢𝐠𝐚𝐝𝐚 𝐦𝐮𝐥𝐢 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐠𝐛𝐚𝐠 𝐄𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐫𝐲 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥!
Ang Brigada Eskwela 2024 ay magsisimula sa July 22 hanggang 27, 2024. Ito ay may temang "𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏𝒊𝒉𝒂𝒏 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝑴𝒂𝒕𝒂𝒕𝒂𝒈 𝒏𝒂 𝑷𝒂𝒂𝒓𝒂𝒍𝒂𝒏".
Kung kaya, inaanyayahan po namin ang LAHAT na makibahagi sa taunang 𝐁𝐫𝐢𝐠𝐚𝐝𝐚 𝐄𝐬𝐤𝐰𝐞𝐥𝐚 upang maihanda ang ating paaralan sa nalalapit na pagbubukas ng panibagong taong panuruan, 2024-2025.
Anumang tulong at suporta ay malaking bagay para sa ating paaralan. Sama-sama at sabay-sabay nating bigyan ng isang 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐓𝐀𝐆 na bukas ang bawat batang Bagbagueño!
Para sa inyong mga katanungan, maaring makipag-ugnayan sa alinmang BES Official page o bumisita sa ating paaralan at hanapin sina:
Ma'am Maria Cristina Cornelio- Reyes
Sir Loweljay Bananie
Kita-kits, 𝐤𝐚-𝐁𝐫𝐢𝐠𝐚𝐝𝐚!
22/08/2023
Isang mapagpalang araw po sa lahat!
Isang paanyaya po muli para sa mga mahal naming magulang para sa ating Oplan Balik Eskwela General Parent Orientation na gaganapin bukas 8:00 ng umaga sa ating paaralan lahat po ng mga magulang simula kinder hanggang grade 6 ay inaanyayahang dumalo.