Aksyon Opis Distrito Sais

Aksyon Opis Distrito Sais

Share

Bulwagang Panlungsod sa Distrito Sais, Quezon City.

Inilapit at mas pinabilis ang pagbibigay ng serbisyo at tulong sa mga QCitizens ng Distrito Sais, Quezon City.

Photos from Aksyon Opis Distrito Sais's post 03/06/2026

🚐✨ Serbisyo na mismo ang lalapit sa inyo, mga Ka-Distrito Sais!
Inaanyayahan namin ang lahat na dumalo sa ating Una Ka sa Serbisyo Caravan na gaganapin sa:

📍 Loboc Covered Court, Brgy. Tandang Sora
📅 June 06, 2026
🕘 9:00 AM hanggang 4:00 PM

Iba’t ibang programa at serbisyong makakatulong sa ating mga kababayan ang inyong maaabutan sa araw na ito. 💙

Huwag palampasin ang pagkakataong makapag-avail ng mga serbisyong inilaan para sa komunidad. Isama ang inyong pamilya at mga kaibigan para sama-sama nating maranasan ang serbisyong tunay na may malasakit! 🙌

Kita-kits, Distrito Sais! 😉

Photos from Quezon City Government's post 03/06/2026
Photos from QC Mayor Joy Belmonte's post 02/06/2026
01/06/2026

𝐐𝐔𝐄𝐙𝐎𝐍 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐓𝐇𝐔𝐍𝐃𝐄𝐑𝐒𝐓𝐎𝐑𝐌 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘 # 6
𝐃𝐀𝐓𝐄 𝐈𝐒𝐒𝐔𝐄𝐃: June 01, 2026
𝐓𝐈𝐌𝐄 𝐈𝐒𝐒𝐔𝐄𝐃: 12:02 PM

Sa kasalukuyan, nakararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang ilang distrito ng Quezon City na maaaring magpatuloy sa loob ng 2 oras.

𝐏𝐎𝐒𝐈𝐁𝐋𝐄𝐍𝐆 𝐄𝐏𝐄𝐊𝐓𝐎:
- Banta ng pagbaha sa mga mabababang lugar at malapit sa mga ilog.
- Pagiging madulas ang mga kalsada at bangketa, delikado sa aksidente.

Lahat ay pinapayuhang magpatuloy na magbantay para sa pinakabagong mga update sa panahon mula sa PAGASA at Quezon City DRRMO.

Para sa anumang emergency, mangyaring tumawag sa 122. Maaari rin kaming sundan sa aming opisyal na page, Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council.

Photos from Aksyon Opis Distrito Sais's post 30/05/2026

📸 HAPPENING TODAY SA DISTRITO SAIS!

Ngayong May 30, 2026, sama-sama nating dinadala ang iba't ibang serbisyo at programa para sa mga residente sa:

📍 Leland Covered Court, Brgy. Balon-Bato, Quezon City

Maraming salamat sa mga Ka-Distrito Sais na nakiisa at patuloy na sumusuporta sa ating aktibidad para sa komunidad! 🤝

Narito ang iba’t ibang serbisyong makatutulong sa kalusugan, dokumentasyon, at iba pang pangangailangan ng ating mga kababayan.

📢 HUMABOL NA!
🕘 9:00 AM – 4:00 PM

Sulitin ang pagkakataong mapakinabangan ang mga serbisyong hatid ngayong araw para sa ating komunidad.

Kita-kits, mga Ka-Distrito Sais! 🙌

29/05/2026

Nagbabala ang QCDRRMO kaugnay sa iba't ibang antas ng heat index at ang maaaring epekto nito sa kalusugan.

Layunin ng impormasyon na gabayan ang publiko sa tamang pag-iingat lalo na ngayong tag-init, kung kailan mas mataas ang panganib ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.

Ayon sa QCDRRMO, normal pa ang kondisyon kapag nasa 27°C–32°C ang heat index, ngunit nagiging mapanganib ito kapag pumalo na sa 42°C pataas.

Pinaaalalahanan ang lahat na uminom ng sapat na tubig, iwasan ang labis na exposure sa araw, at agad humingi ng tulong kung makaranas ng sintomas ng heat-related illnesses.

Para sa mga emergencies, tumawag sa QC Helpline 122.

29/05/2026

Base sa datos ng iRISE-UP, umabot na sa 45°C ang average heat index as of 10:15AM ngayong araw, May 29, 2026.

Ayon sa QCDRRMO, nagiging mapanganib ang heat index sa ating katawan kapag pumalo na sa 42°C pataas. Mas tumataas din ang panganib ng pagkakaroon ng heat-related illnesses gaya ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.

Pinakaapektado sa heat-related illnesses ang mga sanggol, bata, senior citizens, mga taong may iniindang sakit (heart disease, diabetes, obesity), mga nagtatrabaho sa labas (street vendors, construction workers, delivery riders), at mga nasa lugar na kulang sa bentilasyon.

Kaya QCitizens, huwag kalimutang uminom ng sapat na tubig, iwasan ang labis na exposure sa araw, at agad humingi ng tulong sakaling makaranas ng sintomas ng heat-related illnesses.

Para sa anumang emergency o agarang aksyon, agad tumawag sa Helpline 122.

Photos from Aksyon Opis Distrito Sais's post 28/05/2026

🚐✨ Serbisyo na mismo ang lalapit sa inyo, mga Ka-Distrito Sais!

Inaanyayahan namin ang lahat na dumalo sa ating Una Ka sa Serbisyo Caravan na gaganapin sa:

📍 Leland Covered Court, Brgy. Balon Bato
📅 May 30, 2026
🕘 9:00 AM hanggang 4:00 PM

Iba’t ibang programa at serbisyong makakatulong sa ating mga kababayan ang inyong maaabutan sa araw na ito. 💙

Huwag palampasin ang pagkakataong makapag-avail ng mga serbisyong inilaan para sa komunidad. Isama ang inyong pamilya at mga kaibigan para sama-sama nating maranasan ang serbisyong tunay na may malasakit! 🙌

Kita-kits, Distrito Sais! 😉

Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Address


SB Park, Neptune Street, Brgy. Tandang Sora
Quezon City
1128

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm