04/05/2026
๐ฃ Magandang Balita, Kabataang-QCitizens!
Ang Quezon City Public Employment Service Office (QC-PESO) ay tumatanggap na ng applicants para sa JobStart Program Batch 2 โ Life Skills Training (LST) 2026.
Ang Batch 2 na ito ay naglalayong gabayan ang mga participants tungo sa potential career paths at employment opportunities sa Business Process Outsourcing (BPO) Industry.
Lubos naming hinihikayat ang mga interested applicants, lalo na ang mga aspiring na makapag-build ng career sa BPO sector, na makilahok sa programang ito.
Kung nais mong magkaroon ng trabaho sa call center o BPO ngunit kulang ka pa sa experience at preparation, ito na ang tamang opportunity para sa iyo!
๐๐ข๐ณ๐ช๐ต๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฅ๐ข๐ฑ๐ข๐ต ๐ต๐ข๐ฏ๐ฅ๐ข๐ข๐ฏ ๐ฃ๐ข๐จ๐ฐ ๐ฎ๐ข๐จ๐ณ๐ฆ๐ฉ๐ช๐ด๐ต๐ณ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ณ๐ฐ๐จ๐ณ๐ข๐ฎ๐ข:
๐ ๐๐ ๐๐ช๐๐๐๐ฃ๐๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก:
๐ Residente ng Quezon City
๐ Edad 18 hanggang 24 taong gulang
๐ Hindi bababa sa High School Graduate ang natapos sa pag-aaral
๐ Marunong magbasa at magsulat
๐ Kasalukuyang hindi nag-aaral, walang trabaho, at hindi sumasailalim sa anumang pagsasanay
๐ Walang karanasan sa trabaho o may karanasan sa trabaho na hindi lalampas ng isang (1) taon
๐ ๐๐ ๐๐๐ก๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐ก๐ ๐๐ข๐๐จ๐ ๐๐ก๐ง๐ข:
๐ Isang kopya ng QCitizen ID
๐ Isang kopya ng latest school credential (e.g., diploma, certificate of enrollment/registration, or transcript of records)
๐ Isang 2x2 ID picture
๐๐ง๐ข ๐๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐ก๐๐ฃ๐๐ฆ๐ฌ๐ข ๐ก๐ ๐๐ฌ๐ข๐ก๐ ๐ ๐๐ง๐๐ง๐๐ก๐๐๐๐ฃ:
โจ Life Skills Training with allowance
โจ Certificate of Completion
โจ Workplace Experience
โจ Career guidance and employment coaching
โจ Labor market information and public employment services
๐๐๐๐ ๐ฆ๐๐๐๐๐ฆ ๐ง๐ฅ๐๐๐ก๐๐ก๐:
โ
Sampung (10) araw na pagsasanay na may layuning paghusayin ang kasanayan (soft skills) ng benepisyaryo at kanilang kahandaan sa kultura at posibleng trabaho
โ
Ang paraan ng pagsasanay sa JobStart program ay sa pamamagitan lamang ng online at self-paced na pag-aaral
Tara naโt magrehistro sa link na ito:
๐ https://forms.gle/Pgr6eN9ktbvtu51M7
๐ Paalala: Limitado lamang ang bilang ng maaaring makapag-register (first come, first served basis). Ang pagrerehistro ay bukas hanggang May 8, 2026 (Friday). Ang mga kwalipikadong aplikante ay makakatanggap ng abiso sa pamamagitan ng email mula sa tanggapan.
Quezon City Government
28/04/2026
๐๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐
๐๐๐.
Sa nalalapit na pagdiriwang ng Labor Day, mas pinadadali ng Quezon City Government ang inyong paglahok sa ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐
๐๐๐ 2026 sa pamamagitan ng ๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐.
forms.gle/N6ZeR4LAqi1sszXg9
forms.gle/N6ZeR4LAqi1sszXg9
forms.gle/N6ZeR4LAqi1sszXg9
I-scan ang QR code at magregister nang maaga upang mas mapabilis ang inyong pagpasok at proseso sa araw ng event. Mas kaunting pila, mas maraming oras para tumuklas ng mga oportunidad na akma sa inyong kakayahan at pangarap.
๐ Quezon City MICE Center
๐
May 1, 2026 | 8:00 AM onwards
Sa tulong ng Quezon City Public Employment Service Office, layunin naming gawing mas maayos, mas mabilis, at mas makabuluhan ang inyong job fair experience.
Huwag palampasin ang pagkakataong makahanap ng trabaho sa isang araw, sa isang lugar.
Mag-pre-register na at simulan ang susunod na yugto ng inyong karera.
๐ฃ Ibahagi ang post na ito at hikayatin ang inyong mga kaibigan at pamilya na magparehistro na rinโdahil ang tagumpay, mas maganda kapag sabay-sabay na inaabot.
Quezon City Government
28/04/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐
๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Narito na ang listahan ng mga Employers at Job Vacancies para sa nalalapit na Labor Day Job Fair 2026 ng Quezon City!
๐
Kailan: May 1, 2026 | 8AM onwards
๐Saan: Quezon City M.I.C.E Center
๐I-scan ang QR Code upang makita ang kumpletong listahan ng mga kumpanyang kalahok at mga trabahong maaari ninyong apply-an.
Maari ring iclick ang link na ito:
https://docs.google.com/spreadsheets/d/1KbjDRnmnhL4n6KvbpEnoxqsAImptSNlFJ0Qd-NlZPEs/edit?usp=sharing
Ihanda na ang inyong updated resume/bio-data, valid IDs, at iba pang credentials para handa sa pag-aapply!
Quezon City Government
28/04/2026
Building stronger communities through opportunity and inclusion. ๐
The Quezon City Comprehensive Assistance, Reintegration, and Empowerment Savings (QC CARES) Project is an initiative of the Quezon City government designed to support overseas and local domestic workers (OFWs and kasambahays) in building more secure and sustainable futures.
Funded by the Mayor's Migration Councilโs Global Cities Fund, through Rockefeller Philanthropy Advisors, QC CARES advances inclusive and sustainable development for domestic workers through:
๐ฐ Build consistent savings and access to credit facilities
๐ TESDA-accredited skills training and upskilling opportunities
๐ผ Employment facilitation through job matching services
๐ก๏ธ Strengthened social protection and support mechanisms
๐ Livelihood development pathways for long-term and sustainable income generation
The project reflects Quezon Cityโs commitment to safe, dignified, and sustainable reintegration, ensuring that migrant workers and their families are supported at every stage of their journey.
โThis project will impact generations, uplifting families, strengthening our workforce, and promoting dignity and equity within and beyond our borders.โ
โ Hon. Mayor Ma. Josefina โJoyโ Belmonte
๐ Learn more: quezoncity.gov.ph/2025-global-cities-fund-for-migrant-and-refugees/
10/04/2026
Dalawang araw ng pagkatuto, pag-uugnayan, at pagpapalalim ng layunin ang naganap sa ginanap na Peopleโs Bayanihan Fund (PBF) Workshop, na dinaluhan ng mga lider mula sa ibaโt ibang Community Savings Groups at Kapitbahayan Savings Groups.
Layunin ng workshop na kilalanin at pagtibayin ang mga umiiral na savings groups, at ipakilala ang Peopleโs Bayanihan Fund bilang isang mekanismo na nagbibigay ng access sa investment opportunities para sa mga samahan sa pamamagitan ng community wealth building. Isang hakbang ito tungo sa mas inklusibo at sama-samang pag-unlad.
Pinangunahan nina Dr. Ben Quiรฑones mula sa Asian Solidarity Economy Council at Prof. Carlo Sagun mula sa Bayan Family of Foundations ang mga talakayan, katuwang ang mga facilitators mula sa ibaโt ibang sektor. Binigyang-diin sa workshop ang kahalagahan ng biblical stewardship principles bilang gabay sa tamang pagpapasya at pamumuhay na may integridad at malasakit para sa kapwa.
Sa mensahe ni Mr. Rogelio Reyes, QC-PESO Manager, mahalaga ang lakas ng sama-samang pagkilos ng komunidad. Ang pagbubuo ng kanilang sariling kwento ay nagsisilbing leverage at oportunidad, at ang kanilang patuloy na pagsisikap sa pag-unlad ay nagiging pondo upang makatugon sa pangangailangan ng kanilang komunidad.
Ang matagumpay na aktibidad na ito ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng QC Public Employment Service Office at Quezon City Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office.
Sama-sama, patuloy nating binubuo ang isang ekonomiyang nakasentro sa tao, kung saan ang pag-iimpok ay nagiging daan tungo sa sama-samang pag-unlad. ๐๐ค
09/04/2026
Ngayong Araw ng Kagitingan, ating ginugunita ang kabayanihan, katatagan, at sakripisyo ng mga Pilipino.
Isang pagpupugay sa tapang ng mga โHeroic Defenders of Bataanโ na buong pusong lumaban para sa ating kalayaan noong World War II. Ang kanilang lakas ng loob at pag-aalay ng sarili ay patuloy na nagbibigay inspirasyon sa bawat henerasyon.
Sa kanilang alaala, ipagpatuloy natin ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahal sa bayan. ๐ต๐ญ