Kgd. Agnes Tabora

Kgd. Agnes Tabora

Share

Barangay Kagawad

Co-Chairman for Health Committee
Co-Chairman for Senior Citizen Affairs Committee

01/10/2024

Babala:
Sa lahat ng aking friends sa FB, kung meron po sa inyo na mag add friend request ng ganito, wag nio po i-confirm dahil maari po gamitin sa masamang hangarin.
Maraming Salamat at mag-ingat sa mga nakakausap natin sa ating Facebook.

Photos from Kgd. Agnes Tabora's post 15/09/2024

SEPTEMBER 14, 2024
COMMUNITY FUMIGATION

Kasama ang ilan sa ating Barangay Staff tayo po ay nagsagawa ng Community Fumigation sa ilang lugar ng ating Barangay na may naitalang kaso ng Dengue.
Ito ay isa sa mga aksyon ng barangay upang masugpo ang sakit na dengue sa ating komunidad.

Isang pasasalamat sa pamahalaan ng Lungsod Quezon sa Pangunguna ng ating butihing Mayor Joy Belmonte upang magkaroon ng gamot pamuksa sa mga lamok na may dalang Dengue.

Maraming salamat din sa ating butihing Kapitan Ric Villalfor sa suporta sa mga proyektong pangkalusugan at iba pa.

Sa mga residente na gustong magkaroon ng community fumigation sa kanilang lugar magbigay lamang po ng request letter upang mabigyan ng schedule ang inyong lugar para sa fumigation, ipinababatid din na ang schedule ay binibigyan prayoridad ang mga lugar kung saan may mga kaso ng dengue.

Photos from Kgd. Agnes Tabora's post 10/06/2024

Isang matagumpay na proyekto katuwang ang Pinyahan Health Center sa ginanap na Free Lecture on LEPTOSPIROSIS maraming salamat po sa mga doctor na mula sa NATIONAL KIDNEY AND TRANSPLANT INSTITUTE (NKTI) na nagsilbing tagapagsalita at nagbigay kaalaman para maiwasan at mapuksa ang sakit na dulot ng ihi ng daga.

Sa mga dumalo nawa'y ating gawin ang mga hakbang upang maiwasan ang dalang sakit ng leptospirosis. Mula sa pamunuan ng Barangay Pinyahan sa pangunguna ni Kap. Ric Villaflor at ng buong konseho Maraming salamat sa inyo.

Patuloy po tayong makikiisa sa mga programa ng ating pamahalaan upang makapagbigay ng mas kapakipakinabang na programa at serbisyo para sa lahat.

God bless us all at lagi po tayong mag iingat.

09/06/2024

Mga minamahal kong mga ka-barangay, ang pamunuan ng Pinyahan Health Center sa pangunguna ni Doc. Biboy Molano ay magsasagawa ng FREE LECTURE para sa usaping LEPTOSPIROSIS o sakit na nagmumula sa IHI NG DAGA.

June 10, 2024 | Monday
Brgy. Pinyahan Health Center
9:00AM - 11:00AM

Katuwang ang Doctor mula sa National Kidney Transplant and Institute (NKTI) na magsisilbing taga-pagturo sa nasabing talakayan.

Mula po sa Barangay Pinyahan Council amin po kayong iniimbitahan upang dumalo at makinig sa nasabing talakayan upang maiwasan ang sakit na LEPTOSPIROSIS sa mga dadalo mayroon po itong libremg snacks upang habang nakikinig busog ang ating isip pati na rin ang ating tiyan.

Maraming salamat po at asahan ko po ang inyong pagdalo.

Photos from Kgd. Agnes Tabora's post 25/05/2024

COURTESY VISIT WITH MAYOR JOY BELMONTE

Ang buong konseho ng Barangay Pinyahan sa pangunguna ni Capt. Ric Villaflor ay nagpapasalamat sa ating Mayor Joy Belmonte sa ibinigay na oras at suporta para sa mga proyekto ng ating Barangay.



Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Pinyahan
Quezon City
1100