Barangay Doña Imelda

Directions

Barangay Doña Imelda The only OFFICIAL page of Brgy. Doña Imelda under Kapitana Ganda Yap ❤️

📣 JOB ALERT📣Kayo po ay malugod naming inaanyayahan sa Job Fair na magbibigay ng pagkakataong makahanap ng trabaho, magan...
10/11/2026

📣 JOB ALERT📣

Kayo po ay malugod naming inaanyayahan sa Job Fair na magbibigay ng pagkakataong makahanap ng trabaho, magandang kinabukasan o iba pang oportunidad. Tara na at makiisa!

📅 November 12, 2026 (Thursday)
⏰ 8:00am - 12:00nn
📍 2nd Floor (near Sportsline & Sarabia Optical) Robinson's Magnolia, Aurora Blvd. cor. Dona Hemady, Barangay Kaunlaran, Quezon City

Para sa mga UNCLAIMED Birthday Gift Package, maaari itong i-claim sa: 🗓️November 12, 2026 (Thursday)⏰ Simula 10AM-3PM📍 B...
10/11/2026

Para sa mga UNCLAIMED Birthday Gift Package, maaari itong i-claim sa:

🗓️November 12, 2026 (Thursday)
⏰ Simula 10AM-3PM
📍 Brgy. Function Hall

Paalala: Kinakailangan na dala ang actual Senior Citizen QCID.

3rd State of the Barangay Address | "Tayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama-sama...
09/11/2026

3rd State of the Barangay Address | "Tayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama-samang Pagkilos para sa Ating Komunidad"

Sa ika-3rd State of the Barangay Address sa pamumuno ni Kapitana Ganda Yap, kasama ang buong Barangay Council, matagumpay na naipresenta ng bawat isa ang kanilang mga nagawa, accomplishments at mga programang naisakatuparan sa kani-kanilang committee.

Naging pagkakataon ito upang mailahad sa ating mga ka-barangay ang mga serbisyong naihatid, mga proyektong naisakatuparan at mga patuloy na hakbangin para sa ikauunlad ng Barangay Doña Imelda.

Bahagi ng programang ito ang pagsusulong ng malinaw, bukas at may pananagutang pamamahala, kung saan binibigyang-halaga ang transparency at accountability sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga nagawa at pagsasapubliko ng mga programang ipinatupad para sa barangay.

Sa sama-samang pagkilos, bukas na pamamahala at patuloy na paglilingkod, maisasakatuparan natin ang mas maayos, ligtas at progresibong Barangay Doña Imelda para sa lahat.

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa, sa ating mga guest speakers lalong-lalo na kay Coun. Nanette-Castelo Daza na personal na nagpunta.

🔔 WATER SERVICE ADVISORY 🔔Kasalukuyang makararanas ng LOW TO NO WATER PRESSURE ang 85 Kapiligan Street ngayong gabi Nov....
07/11/2026

🔔 WATER SERVICE ADVISORY 🔔

Kasalukuyang makararanas ng LOW TO NO WATER PRESSURE ang 85 Kapiligan Street ngayong gabi Nov. 7, (Saturday) simula 8:00 PM hanggang bukas, November 8, (Sunday) @ 4:00 AM, dahil magsasagawa ng network maintenance activity ang Maynilad.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

Bukas na po!🇵🇭 BRGY. ASSEMBLY DAY 🎙️ | 2nd Semester - CY 2026 “Tayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabul...
07/11/2026

Bukas na po!

🇵🇭 BRGY. ASSEMBLY DAY 🎙️ | 2nd Semester - CY 2026 “Tayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama-samang Pagkilos para sa Ating Komunidad.”

Inaanyayahan ang lahat ng ating mga ka-barangay na makiisa sa darating na Barangay Assembly Day na gaganapin sa November 8, 2026 (Sunday) @ 8:30 AM sa📍Doña Imelda Function Hall.

Sabay-sabay nating tunghayan at pakinggan ang State of the Barangay Address ni Kapitana Ganda Yap kasama ang BDI Council. Alamin at pakinggan ang kanilang mga ulat, proyekto at mga nakamit na tagumpay para sa ating barangay sa mga nakalipas na Buwan.

Ito na ang inyong pagkakataon na direktang makaharap at makapagtanong sa ating Barangay Council sa pamamagitan ng Open Forum. Malaya po kayong maglahad ng inyong mga katanungan, inquiries at suggestions upang mabigyan ng maayos at malinaw na kasagutan at agarang aksyon ng ating Konseho. Kaya huwag palagpasin ang pagkakataon na ito.

Dumalo sina Kapitana Ganda Yap, BADAC Focal Jing at Sec. Rose sa 3-day Capacity Building on Barangay Drug Clearing, Advo...
06/11/2026

Dumalo sina Kapitana Ganda Yap, BADAC Focal Jing at Sec. Rose sa 3-day Capacity Building on Barangay Drug Clearing, Advocacy and Drug Free Workplace na inihanda ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), katuwang ang Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC) sa pangunguna ni District 4 PP Mr. Mothie Tandoc, gayundin ang ating mga Kapulisan.

Sa Day 1 tinalakay ang mga Barangay Drug Clearing Program (BDCP), na ipinagpatuloy sa Day 2, kung saan isinagawa rin ang workshop at nagkaroon ng demo and discussion, habang sa Day 3 naman nakatuon sa talakayan ang mga Advocacy Campaign and Drug Free Workplace bilang bahagi ng pagsusulong ng isang ligtas, maayos at malaya sa ipinagbabawal na gamot na komunidad at lugar ng trabaho.

Patuloy ang Barangay Doña Imelda sa pagpapalawak ng kaalaman at pagpapatibay ng mga programa laban sa ilegal na droga dahil nilalayon natin ang isang ligtas at drug-cleared na barangay.

05/11/2026

BUKAS NA ANG SUPER JOB FAIR! 💚

Mga ka-distrito, baka bukas na ang simula ng bagong trabaho ninyo! Ihanda ang inyong résumé at samahan kami sa:

🗓️ Nobyembre 6, 2026 | Biyernes
⏰ 8:00 AM onwards
📍 Bahay Serbisyo, 50 Panay Avenue, Brgy. Paligsahan, Quezon City

📝 Mag-prelist na dito:
https://forms.gle/Cu2kE7GBZsis6GKp7

May on-site registration din para sa PhilHealth, SSS, Pag-IBIG, National ID at QC ID!

I-tag ang mga naghahanap ng trabaho. Kita-kita tayo bukas! 🙌

🇵🇭 BRGY. ASSEMBLY DAY 🎙️ | 2nd Semester - CY 2026 “Tayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan...
05/11/2026

🇵🇭 BRGY. ASSEMBLY DAY 🎙️ | 2nd Semester - CY 2026 “Tayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama-samang Pagkilos para sa Ating Komunidad.”

Inaanyayahan ang lahat ng ating mga ka-barangay na makiisa sa darating na Barangay Assembly Day na gaganapin sa November 8, 2026 (Sunday) @ 8:30 AM sa📍Doña Imelda Function Hall.

Sabay-sabay nating tunghayan at pakinggan ang State of the Barangay Address ni Kapitana Ganda Yap kasama ang BDI Council. Alamin at pakinggan ang kanilang mga ulat, proyekto at mga nakamit na tagumpay para sa ating barangay sa mga nakalipas na Buwan.

Ito na ang inyong pagkakataon na direktang makaharap at makapagtanong sa ating Barangay Council sa pamamagitan ng Open Forum. Malaya po kayong maglahad ng inyong mga katanungan, inquiries at suggestions upang mabigyan ng maayos at malinaw na kasagutan at agarang aksyon ng ating Konseho. Kaya huwag palagpasin ang pagkakataon na ito.

Trash to Cashback ♻️🍃Ngayong araw, Nov. 5, 2026 (Thursday) simula 8 ng umaga, muling magkakaroon ng Trash to Cashback Po...
05/11/2026

Trash to Cashback ♻️🍃

Ngayong araw, Nov. 5, 2026 (Thursday) simula 8 ng umaga, muling magkakaroon ng Trash to Cashback Pop-up and Exchange Booth sa ating Barangay sa Doña Imelda.

Bilang eco-warriors, inaanyayahan natin ang lahat ng residente na makibahagi sa programang ito. Dalhin na ang inyong mga recyclables at single-use plastics (SUP) kapalit ng environmental points o cashback.

🔔 WATER SERVICE ADVISORY 🔔Kasalukuyang makararanas ng LOW TO NO WATER PRESSURE ang buong Doña Imelda Bukas, Nov. 5, (Thu...
04/11/2026

🔔 WATER SERVICE ADVISORY 🔔

Kasalukuyang makararanas ng LOW TO NO WATER PRESSURE ang buong Doña Imelda Bukas, Nov. 5, (Thursday) simula 10:00 PM hanggang November 6, (Friday) @ 6:00 AM, dahil magsasagawa ng network maintenance activity ang Maynilad sa E. Rodriguez at Plaridel, Quezon City.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

Address

Doña Imelda
Quezon City
1113

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Doña Imelda posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category

Nearby government services