Pasada CC Partylist

Pasada CC Partylist

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Pasada CC Partylist, Political organisation, 31 Mayor Ignacio Santos Diaz, Kaunlaran, Quezon City.

05/12/2025

๐–๐€๐‹๐€ ๐Œ๐”๐๐€๐๐† ๐ƒ๐€๐†๐ƒ๐€๐† ๐๐€๐’๐€๐‡๐„ ๐’๐€ ๐“๐‘๐€๐ƒ๐ˆ๐“๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹, ๐Œ๐Ž๐ƒ๐„๐‘๐ ๐‰๐„๐„๐
๐˜‹๐˜–๐˜›๐˜ณ, ๐˜“๐˜›๐˜๐˜™๐˜‰, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช-๐˜ค๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ถ๐˜ฎ ๐˜›๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ ๐˜๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ค๐˜ฆ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ต๐˜ถ๐˜จ๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ฌ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ณ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ถ๐˜ฎ ๐˜ฐ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ด

Hindi muna magpapatupad ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng karagdagang P1 hanggang P2 taas pasahe sa mga traditional at modern jeepney matapos ang big time rollback sa presyo ng diesel noong nakaraang araw.

Bukod dito, ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez, hindi rin aniya napapanahon sa ngayon ang pagta-taas sa pamasahe. โ€œMalaki ang magiging epekto ng taas pasahe sa ekonomiya at sa pangkalahatan, lalo naโ€™t bumabangon pa lang ang ilang probinsyang nasalanta mula sa matinding kalamidad tulad ng nakaraang lindol at bagyo.โ€

Ayon kay LTFRB Chairperson Vigor Mendoza, โ€œhindi bababa sa limang rehiyon, kabilang ang tatlong pinakamataong rehiyon, ang mariing tumututol sa panukalang dagdag pasahe. Kabilang dito ang Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region, Central Visayas at Metro Manilaโ€”mga lugar na matinding naapektuhan ng mga kalamidad.โ€

Sa masusing konsultasyon at dayalogo na isinagawa ng LTFRB, lumabas na mismo ang mga transport group ay nagdadalawang-isip na isulong ang pagta-taas sa pamasahe.

Ayon din sa pag-aaral ng Department of Economy, Planning and Development (DepDev), ang pagta-taas ng P1 hanggang P2 base fare ng jeepney ay maaaring magpa-taas ng inflation rate sa susunod na dalawang taon.

Ayon kay Secretary Lopez, hindi lamang ang mga komyuter at ang kanilang pamilya ang apektado, kundi pati na rin ang mga pamilya ng mga tsuper at operator sakaling aprubahan ang fare hike, dahil maaapektuhan nito ang presyo ng basic goods na karaniwang din ginagamit ng mga mamamayan.

Lubos na nauunawaan ng Department of Transportation (DOTr) at LTFRB ang mga hinaing ng transport groups at ilang mga suhestiyon na kanilang nabanggit sa isinagawang consultation meetings.

Sinabi ng kalihim na naghahanap na ang DOTr at LTFRB ng mga alternatibong paraan para matulungan ang mga tsuper at operator.

Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa DOTr at LTFRB na maghanap ng solusyon na makaka-tugon sa pangangailangan ng mga driver, operator at mga commuter.

Isa sa mga nakikitang paraan ay ang pagpapa-igting sa kampanya laban sa kolorum. Magtatatag ang DOTr at LTFRB ng Anti-Colorum Task Force, katuwang ang Department of Justice (DOJ) at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), para tugisin ang mga protektor at sindikato sa likod ng mga ilegal na operasyong ito.

Lumalabas na 30-porsiyento ng arawang kita ng mga lehitimong Public Utility Vehicle (PUV) drivers at operators ay kinukuha o napupunta sa mga colorum operation.

Sinabihan ni Secretary Lopez at Chairman Mendoza ang mga kolorum na maging legal na at samantalahin ang available na 17,000 slots para mapabilang sa Transport Network Vehicle Service o TNVS.

โ€œHahabulin at huhulihin natin ang mga sangkot sa ilegal na operasyong ito. Hindi titigil ang DOTr at LTFRB sa pagtugis sa inyo dahil kapakanan ng mga lehitimong PUV drivers, at maging mga commuter ang nakasalalay dito,โ€ ani Secretary Lopez.

Hinikayat naman ni Chairman Mendoza na mag-apply ang mga kolorum na driver. โ€œMagandang pagkakataon ito para talikuran ang ilegal na gawain. Tinitiyak namin na magiging patas at mabilis ang proseso. Mas mabuti na ito kaysa palaging mabuhay sa takot na mahuli, makulong, at magmulta ng malaki.โ€

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Photos from Department of Transportation - Philippines's post 14/11/2025
Photos from DOST-PAGASA's post 09/11/2025
09/11/2025

PILIPINAS, HINDI NA MAKITA SA SATELLITE IMAGE DAHIL SA SUPER TYPHOON UWAN

TINGNAN: Hindi na makita ang Pilipinas dahil sa laki ni Super Typhoon Uwan, base ito sa true-color satellite image ng Himawari Satellite ngayong araw, Nov. 9

Courtesy: JMA-HIMAWARI

09/11/2025

Dahil sa banta ng matinding ulan at hanging dala ng Bagyong , suspendido ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan sa NCR, CAR, at Regions I, II, III, IV-A, IV-B, V, at VIII bukas, Nobyembre 10, 2025.

Suspendido rin ang klase sa lahat ng antas sa mga nabanggit na rehiyon, pati na rin sa Region VI, Region VII, at Negros Island Region sa Nobyembre 10 at 11, 2025.

Maaaring magdeklara ng suspensyon ang ibang LGU, at mananatiling bukas ang mga ahensyang responsable sa essential services.

Mag-ingat po tayo at sumubaybay sa mga opisyal na anunsyo ng DOST-PAGASA at ng inyong mga lokal na pamahalaan.

Photos from DOST-PAGASA's post 09/11/2025

Maging alerto at handa sa bagyo. Stay safe!

Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


31 Mayor Ignacio Santos Diaz, Kaunlaran
Quezon City
1111