Angels in Red Vests

Angels in Red Vests

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Angels in Red Vests, Government Organization, DSWD Central Office, Batasan Pambansa Complex, Batasan Road, Quezon City.

Mga bayani sa likod ng "Red Vest" na nagbibigay ng inspirasyon at pag-asa nang may “extra love” at “extra care” para sa bawat Pilipino.

#AngelsInRedVests ❤️
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

28/05/2026

Big thanks to Metro Courier Inc. for the kind recognition of our Angels in Red Vests! ❤️

We truly appreciate your acknowledgement of the hard work, dedication, and smooth assistance our very own Angels in Red Vests extended to our delivery couriers, from preparation all the way to program ex*****on.

This is what service with compassion, integrity, and dignity looks like in action. It is how our Angels in Red Vests do their work; made even more meaningful through strong coordination and partnership between private companies and the DSWD, working hand in hand to deliver timely and efficient assistance.

Taos-puso po kaming nagpapasalamat, our Angels in Red Vests will continue to show up with extra care and extra love for those we serve.

Photo Courtesy of: Metro Courier Inc.


❤️

26/05/2026

Isang Proud Angel in Red Vest si Claud Jan Marquez mula sa DSWD Western Visayas!

Para kay Claud Jan, ang pagiging Angel in Red Vest ay hindi lamang tungkol sa pagtugon sa sakuna kundi ang pagpapaigting ng makabagong sistema na mas nagpapabilis at nagpapalinaw ng paghahatid ng serbisyo sa panahon ng pangangailangan. Sa pamamagitan ng kanyang pamumuno sa Disaster Response Information Management Section (DRIMS), naitatag ang DRMD DATOS, isang digital platform, na nagbibigay-daan sa real-time disaster data, mas mabilis na ulat, at mas matibay na batayang desisyon para sa epektibong pagtugon.

Naniniwala siya na ang bawat datos ay katumbas ng isang buhay na dapat agad na naaabot ng tulong. Sa kanyang dedikasyon, patuloy niyang pinapalakas ang koordinasyon ng ahensya, LGUs, at mga humanitarian partner para masigurong walang maiiwan sa oras ng kalamidad—patunay na ang Red Vest ay simbolo ng malasakit, kahusayan, at makabagong serbisyo.

❤️

19/05/2026

✨❤️ 𝗧𝗼𝗽-𝗽𝗲𝗿𝗳𝗼𝗿𝗺𝗶𝗻𝗴? 𝗗𝗮𝘀𝘂𝗿𝘃 𝗻𝗮 𝗱𝗮𝘀𝘂𝗿𝘃 ❤️✨

Behind every recognition are thousands of stories of serbisyo, malasakit, at sakripisyo mula sa ating mga Angels in Red Vests.

Mula sa payout sites, rescue operations, field work, hanggang sa simpleng pakikinig at pagdamay sa bawat Pilipinong nangangailangan. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa isang lider, kundi para sa buong pamilya ng DSWD.

Sa pangunguna ni Secretary Rex Gatchalian, patuloy na pinapatunayan ng bawat kawani ng DSWD na ang tunay na lakas ng ahensya ay nagmumula sa mga pusong handang maglingkod anumang oras at saan mang panig ng bansa.

Kaya para sa lahat ng ating mga social workers, this recognition is for you too. 🫶✨

Angels in Red Vests, forever serving with extra love at extra care. 🪽


❤️

18/05/2026

𝐃𝐞𝐝𝐢𝐤𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐥𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨𝐝, 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐧𝐠𝐞𝐥 𝐢𝐧 𝐑𝐞𝐝 𝐕𝐞𝐬𝐭!

Sa gitna ng mga hamon sa serbisyong panlipunan, kinikilala ang isang kawani na patuloy na nagpapakita ng hindi matitinag na dedikasyon, malasakit, at kahusayan sa paglilingkod. Sa kanyang tungkulin bilang tagapaglingkod-bayan, naging mahalagang katuwang siya sa paghahatid ng suporta at pag-aaruga sa mga nakatatandang nangangailangan ng tulong at proteksyon. Sa pamamagitan ng maagap na pagkilos, matapat na pagtupad sa tungkulin, at patuloy na presensya sa komunidad, naitaguyod niya ang kapakanan at kapakanan ng mga benepisyaryo sa paraang may puso at malasakit.

Sa bawat responsibilidad na kanyang ginagampanan, malinaw ang kanyang kahandaang tumugon sa pangangailangan ng mga mamamayan nang may pag-unawa, respeto, at malasakit. Higit pa sa kanyang propesyonal na tungkulin, ipinapakita niya ang tunay na diwa ng makabuluhang paglilingkod sa pamamagitan ng pagiging maaasahan, matulungin, at tapat sa kanyang misyong maglingkod. Ang kanyang patuloy na kontribusyon at walang sawang pagseserbisyo ay sumasalamin sa diwa ng pagiging “Angel in Red Vest” — tahimik ngunit makapangyarihan ang epekto, may dagdag na pagmamahal at taos-pusong malasakit para sa komunidad.

❤️
❤️

08/05/2026

OHA, FIT CHECK MUNA!

Sino mas angat, sinong mas sikat 💅🏻

❤️ Gen Z lang sakalam!
😮 Certified Millenial!


❤️

01/05/2026

Ngayong Labor Day, taus-pusong pagpupugay sa lahat ng manggagawang Pilipino, mga tunay na bayani ng ating lipunan. Sa bawat pawis at sakripisyong iniaalay ninyo araw-araw, patuloy ninyong binibigyang-buhay ang pag-asa ng bawat pamilya at komunidad. Kayo ang lakas na hindi natitinag, ang tibay na hindi sumusuko.

Lalong kinikilala ang mga Angels in Red Vests, sandigan ng mga nangangailangan. Sa gitna ng mga hamon at sakuna, dala ninyo ang malasakit, serbisyo, at tunay na diwa ng pagkalinga. Sa bawat tulong na inyong inaabot, kayo ang liwanag sa dilim at pag-asa sa gitna ng unos. Mabuhay kayo, ang mga pusong naglilingkod nang buong tapang at pagmamahal.

❤️

27/04/2026

Dedikasyon sa Serbisyo, Isang Angel in Red Vest!

Sa gitna ng abalang panahon at mabibigat na tungkulin, kinikilala ang isang kawani na patuloy na nagpapakita ng sipag, malasakit, at dedikasyon sa trabaho. Sa kabila ng limitadong bilang ng staff, mahigpit na timeline, at iba pang hamon sa operasyon, nananatili siyang handang tumulong at maghatid ng maayos at napapanahong serbisyo. Ipinapakita niya na ang tunay na paglilingkod ay nasusukat sa pagiging maaasahan, masipag, at bukas sa pagkatuto para sa ikabubuti ng gawain at ng organisasyon.

Sa bawat responsibilidad na kanyang ginagampanan, kapansin-pansin ang kanyang kahandaang maglaan ng oras at lakas upang matiyak na natatapos ang mga tungkulin. Taglay din niya ang pagiging magalang, matulungin, at matatag sa gitna ng mga pagsubok. Ang kanyang patuloy at walang sawang paglilingkod, kasama ang kanyang malasakit sa kapwa at sa bayan, ay isang malinaw na patunay ng diwa ng pagiging Angel in Red Vest, tahimik ngunit makabuluhang serbisyo para sa komunidad.

❤️
❤️

27/04/2026

Be the reason someone smiles this week! 😉

❤️

22/04/2026

Maraming maraming salamat sa inyong taos-pusong malasakit at paglilingkod para sa bawat Pilipino, Angels in Red Vests!

Sa kabila ng mga hamon sa nakalipas na buwan, nananatili kayong nakatindig at nagbibigay ng serbisyong puno ng kalinga para matulungan ang bawat Pilipinong nangangailangan.

Muli, maraming salamat, Angels in Red Vests!

❤️

22/04/2026

POV: FLEX IS BLE ANG IMONG WORK 😂

Instant all-around package man ang pagiging isang social worker, kaakibat din nito ang mahabang pasensya, walang sawang serbisyo, at pusong handang umunawa.

Sa likod ng iba’t ibang tingin at inaakala ng marami, ito ang tunay na realidad ng pagiging isang Angels in Red Vests. ✊🏻

❤️

21/04/2026

The Unsung Heroes

Some heroes don’t stand on stages. They stand quietly beside people in their most difficult moments, offering comfort, listening without judgment, and showing up when it matters most.

To our Angels in Red Vests, the listeners, the responders, the silent fighters, your compassion builds bridges where hope once felt out of reach. In times of uncertainty, you become steady hands. In moments of fear, you become calm voices. In spaces filled with despair, you bring light.

You may not always be recognized, and your names may not always be called. But your impact lives in every life you lift, every family you comfort, and every person you remind that they are not alone.

Today, we honor your service, your sacrifice, and your steadfast commitment to humanity.

You are the unsung.
You are the unseen.
You are the unstoppable.

❤️

Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


DSWD Central Office, Batasan Pambansa Complex, Batasan Road
Quezon City
1126