01/06/2026
๐ ๐๐๐๐ฅ๐ญ๐ก๐ฒ. ๐๐ซ๐จ๐ฎ๐. ๐๐ซ๐จ๐ญ๐๐๐ญ๐๐.
โ๐๐๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐๐ซ๐ข๐๐! โค๏ธ
โ
โNgayong Pride Month, ipagdiwang natin ang lakas ng ating komunidad - anuman ang identidad at kasarian, gayundin ang kahalagahan ng pangangalaga sa ating kalusugan.
โ
โSama-sama nating itaguyod ang isang lipunang puno ng pagmamahal, ligtas, protektado, inklusibo, may paggalang, pagkakapantay-pantay, at pag-asa para sa lahat.
โ
โ๐ Happy Pride!
โ
โ
โ
โ
โ
01/06/2026
Be FREE to know your status.๐โฅ๏ธ
In partnership with the Quezon City Health Department Official and Quezon City Service Delivery Network +, HUE are free to get tested and be aware with your status. โจ
This June 7 at ๐Green Gate, Smart Araneta Coliseum,
get free HIV screening and HIV Self-Testing kits.
๐๏ธ: June 7
โฐ: 5AM to 9AM
Your are Free to be HUE with a safer and healthier community.
29/05/2026
Nakiisa sa HIV and STI Awareness Seminar ang mga kabataan ng Barangay Greater Lagro na inorganisa ng Sangguniang Kabataan ng barangay nito katuwang ang Klinika Novaliches at Sustained Health Initiatives of the Philippines (SHIP) noong May 27.
Layon ng nasabing seminar na palakasin ang kaalaman ng publiko, partikular ang mga kabataan tungkol sa dumadaming kaso ng HIV sa bansa lalo na sa mga edad 15-24 taon. Ipinaliwanag sa mga dumalo ang ibaโt ibang paraan kung paano naipapasa ang HIV, mga maling paniniwala sa HIV at AIDS, at mga paraan upang maiwasan ang pagkakaroon nito.
Boluntaryo ring sumailalim sa libre at confidential na HIV Test, Syphilis Test, at Hepa B Test ang limampuโt dalawang (52) mga kabataan. Mayroon ding libreng Pre-Exposure Prophylaxis o PrEP at condom bilang prevention sa HIV.
Samantala, para sa mga nais mag-avail ng iba pang HIV and STI services, maaaring magtungo sa ating mga Clinic:
โ
Social Hygiene Clinics, bukas mula Lunes hanggang Biyernes, 8AM hanggang 5PM
โ
Sundown Clinics (Klinika), bukas mula Lunes hanggang Biyernes, 3PM hanggang 11PM
โ
Klinika Eastwood, bukas mula Lunes hanggang Biyernes, 12NN hanggang 9PM
Para sa iba pang impormasyon, I-like, i-follow o magmessage sa ating page Quezon City Service Delivery Network + Quezon City Epidemiology & Surveillance Division
Maari ding tumawag sa ating QCESD Hotline
8703-2759
09622747107
8988-4242 loc 1609
26/05/2026
Limampu't isang (51) bagong kaso ng HIV ang naitatala sa Pilipinas araw-araw batay sa ulat ng Department of Health - Epidemiology Bureau sa January-March 2026 HIV and AIDS Surveillance of the Philippines (HASP).
Umabot naman sa 4,633 ang mga bagong kaso ng HIV sa nasabing quarter, kung saan 56% o 2,118 cases ang mga edad 25-34 taon, at sinundan ng mga edad 15-24 taon sa bilang na 1,443 cases (31%).
๐ก๐ผ๐, ๐ถ๐โ๐ ๐๐ถ๐บ๐ฒ ๐๐ผ:
โ
Talk openly about HIV and sexual health.
โ
Get tested regularly to know your status and protect yourself and others.
โ
Support those living with HIVโshame only pushes people away.
โ
Take PrEP (Pre-Exposure Prophylaxis) if you're at higher risk to prevent HIV before exposure.
โ
Never share needles or injection equipment to avoid bloodborne transmission.
โ
Limit your number of sexual partners to lower your overall risk.
โ
Learn the facts about HIV to help fight misinformation and fear.
Mahalagang tandaan:
Ang maagang pagpapatest at gamutan ay nagliligtas ng buhay. Alamin ang iyong HIV Status at magpatest sa ating mga Social Hygiene and Sundown Clinic.
Para sa iba pang impormasyon sa mga HIV and STI services sa lungsod, I-like, i-follow o magmessage sa ating page Quezon City Service Delivery Network + Quezon City Epidemiology & Surveillance Division
Maari ding tumawag sa ating QCESD Hotline
8703-2759
09622747107
8988-4242 loc 1609
25/05/2026
Nagbigay ng libre at confidential na HIV Testing ang Quezon City Health Department sa pangunguna ng mga Social Hygiene at Sundown Clinics ng lungsod katuwang ang mga staff ng Sustained Health Initiatives of the Philippines (SHIP) sa Quezon City Hall Pathwalk noong May 19 hanggang 22.
Maliban sa HIV test, mayroon ding libreng Pre-Exposure Prophylaxis (PrEP) at condoms na ipinamimigay bilang prevention sa HIV.
Sa mga nais malaman ang status, maaaring magtungo sa ating mga Social Hygiene at Sundown Clinic para sa libreng HIV and STI services, bukas mula Lunes hanggang Biyernes.
โ
HIV test
โ
STI test
โ
ART Initiation
โ
PrEP Enrollment and Refill
โ
HIV Counseling
โ
STI consultation and treatment
Para sa iba pang impormasyon sa mga HIV and STI services sa lungsod, I-like, i-follow o magmessage sa ating page Quezon City Service Delivery Network + Quezon City Epidemiology & Surveillance Division
Maari ding tumawag sa ating QCESD Hotline
8703-2759
09622747107
8988-4242 loc 1609
23/05/2026
Ang mainit at maalinsangan na panahon na nararamdaman natin ay maaaring magdala ng panganib sa ating kalusugan gaya ng pagkahapo (exhaustion) heat cramps, at kung hindi maagapan, heat stroke. Upang maiwasan ang panganib na dulot ng matinding init, dalasan ang pag inom ng tubig at kung maaari, iwasan ang matagal na pagbibilad sa araw. Maliban dito, makatutulong kung magsusuot ng presko at light-colored na damit.
Maaaring malaman ang Heat Index ng isang lugar gamit ang IRISE-UP ng QCDRRMO. Makikita sa https://app.IRISEUP.ph ang real-time weather updates at forecasts; mga datos mula sa mga weather models at instrumentong nakalagay sa strategic areas sa ating lungsod.
21/05/2026
HIV & AIDS SURVEILLANCE REPORT (January - March 2026)
Nakapagtala ng 4,633 na bagong kaso ng HIV sa bansa mula January 2026 hanggang March 2026 batay sa pinakabagong HIV and AIDS Surveillance Report ng Department of Health - Epidemiology Bureau.
Mataas pa rin ang bilang ng HIV cases sa mga kalalakihan sa bilang na 4,381 (95%) cases. Batay sa edad ng mga bagong kaso, 56% o 2,118 cases ang mga edad 25-34 taon, at sinundan ng mga edad 15-24 taon sa bilang na 1,443 cases (31%). Nangungunang mode of transmission pa rin ang sexual contact (4,214 cases)
Mula January 1984, umabot na sa 168,079 ang kabuuang kaso ng HIV sa Pilipinas.
Alamin ang iyong status. Magpa-test, at alagaan ang kalusugan.
Para sa iba pang impormasyon sa mga HIV and STI services sa lungsod, I-like, i-follow o magmessage sa ating page. Maari ding tumawag sa ating QCESD Hotline
8703-2759
09622747107
8988-4242 loc 1609
20/05/2026
๐๐ง๐ญ๐๐ซ๐ง๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐๐๐ ๐๐๐ง๐๐ฅ๐๐ฅ๐ข๐ ๐ก๐ญ ๐๐๐ฆ๐จ๐ซ๐ข๐๐ฅ ๐๐ข๐ง๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐๐ณ๐จ๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ
Sama-samang nag-alay ng panalangin at nakiisa sa paggunita ng International AIDS Candlelight Memorial ang mga empleyado ng Quezon City Government at mga indibidwal sa adbokasiya ng HIV at AIDS kahapon, May 19 sa Quezon City Hall M.I.C.E. Center.
Sa mensahe ni Dr. Ramona Abarquez, City Health Officer ng QC Health Department, binigyang-diin nya na ang IACM ay hindi lang usapin ng kalusugan, kundi usapin ng pagkakaisa, dignidad, at pagmamahal sa bawat isa, anuman ang estado ng kalusugan. Bukas aniya ang mga clinic sa lungsod upang maghatid ng mga serbisyo na may kaugnayan sa STI at HIV Prevention.
Nakiisa rin ang UNAIDS Philippines sa aktibidad ng lungsod, sa pamamagitan ng mensahe mula kay Ms. Martha Dela Paz. Sinabi nyang malaki ang gampanin ng bawat isa sa pagkamit ng global goal na 95-95-95 kaya dapat magtulungan ang mga nasa pamahalaan, youth leaders, mga nasa paaralan, barangay, at iba pang miyembro ng komunidad sa pagsusulong ng mga programa sa HIV at AIDS Program.
Nagsilbing inspirasyon ang kwento ni Eros De Vera ng HIV and AIDS Support House (HASH) dahil sa kanyang mga karanasan, natutunan sa mga hamon na kanyang kinakaharap sa kabila ng kanyang status. Hinikayat naman ni Mr. Jessie Cabas, Vice President ng Pinoy Plus Advocacy Inc. ang lahat na ipakita ang malasakit at pagmamahal
sa mga taong apektado ng HIV at AIDS. Panahon na aniya para wakasan ang diskriminasyon.
Ibinahagi naman ni Honorable Kristine Matias, Councilor ng lungsod at Committee Chairperson on Health and Sanitation ang mga programa ng lungsod Quezon sa HIV Program. Patuloy aniya sa pagbuo ng iba pang proyekto ang lokal na pamahalaan para matugunan ang pangangailangan ng mga PLHIV.
Pinamunuan ng Pinoy Plus Advocacy Inc. ang Quilts Ceremony kung saan inalala ang mga pangalan ng mga namayapa dahil sa AIDS.
Sa pagtatapos, nagpaabot ng pasasalamat si Dr. Rolando Cruz, Chief Epidemiologist at Coordinator ng STI, HIV and AIDS Program ng Quezon City sa mga nakiisa sa programa, gayundin ang lahat ng patuloy na tumutulong sa programa ng lungsod sa adbokasiya ng HIV.
Para sa iba pang impormasyon sa mga HIV and STI services sa lungsod, I-like, i-follow o magmessage sa ating page. Maari ding tumawag sa ating QCESD Hotline
8703-2759
09622747107
8988-4242 loc 1609
20/05/2026
๐๐ฎ๐๐ณ๐จ๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ ๐ง๐๐ ๐๐๐จ๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐ข๐ฌ๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ ๐ง๐ ๐๐ง๐ญ๐๐ซ๐ง๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐๐๐ ๐๐๐ง๐๐ฅ๐๐ฅ๐ข๐ ๐ก๐ญ ๐๐๐ฆ๐จ๐ซ๐ข๐๐ฅ ๐๐๐๐
Taimtim na nag-alay ng panalangin ang mga dumalo sa banal na misa sa paggunita ng Quezon City ng International AIDS Candlelight Memorial 2026 sa MICE Center sa Quezon Cityhall kahapon, May 19.
Sa mensahe ni Rev. Fr. Cancino Jr. ng St. Camillus, hinikayat nyang ipagdasal ang mga taong nakararanas ng suliranin, at mga may karamdaman. Dagdag pa nya, "kapag dumadaan ka sa anumang pagsubok, palagi mong tandaan na kasama mo ang Diyos, hindi ka nag-iisa".
Sa kapirasong papel, isinulat ng mga dumalo ang mensahe ng pagmamahal para sa mga yumao dahil sa AIDS at sabay-sabay na ipinagdasal ang kanilang kapayapaan.
Ang banal na misa ay pinamunuan ni Rev. Fr. Rodolfo Vicente-Cancino Jr., Fr. Eli Navarro, at Fr. Almar Roman ng St. Camillan Fathers Inc. Woodwater Center for Healing, na member ng Quezon City Service Delivery Network.
19/05/2026
Sa paggunita ng International AIDS Candlelight Memorial ngayong taon, inaalala natin ang mga buhay na nawala dahil sa AIDS at muling pinagtitibay ang pagkakaisa sa laban kontra HIV at AIDS.
Sa temang โKapit Bisig QC: Sama-Sama sa Pag-alala, Pagkalinga, at Pag-asa,โ nag-aalay tayo ng panalangin, suporta, at pag-asa para sa mga taong nabubuhay na may HIV (PLHIV), kanilang mga mahal sa buhay, at sa buong komunidad.
Hindi pa tapos ang laban. Mayroong pag-asa at pagkalinga na naghihintay para sa mga kasama natin. Sama-sama tayo sa paghahatid ng mga HIV and AIDS services. Mayroong libreng HIV and STI testing sa ating mga Social Hygiene at Sundwon Clinics, libreng Pre-Exposure Prophylaxis bilang prevention sa HIV, at libreng Antiretroviral Therapy (ART) para sa mga People Living with HIV.