Sambayanan

Sambayanan

Share

Para sa Kapayapaan, Kaunlaran, at Kapakanan ng ating bayan laban sa Terorismo ng CPP/NPA/NDF. 🇵🇭

Kami ang mga dating rebelde, kadre, kasama ng aming mga pamilya at tagasuporta ng CPP-NPA-NDF na nagbalik-loob at nagsisisi sa aming mga pagkakasala at bumabangon muli kasama ang pamahalaan upang suportahan ang tuloy-tuloy na pag-angat ng mga baryo na dating at kasalukuyang nasa impluwensya ng CPP-NPA-NDF sa pamamagitan ng pagsusulong ng isang komprehensibong programang pangkaunlaran sa kanayunan

01/05/2026

Tingnan / Pahayag ng Hugpong Obrero para sa Araw ng Paggawa
MABUHAY ANG URING MANGGAGAWA!
HAKAPin ang Kapayapaan, hindi armadong karahasan!

PAHAYAG NG HUGPONG OBRERO INC.
MAYO UNO, 2026

MABUHAY ANG URING MANGGAGAWA!
HAKAPin ang Kapayapaan, hindi armadong karahasan!

Tunay na nagbibigay-pugay ang Hugpong Obrero sa mga manggagawang Pilipino na patuloy na naglilingkod para sa kapakanan ng kapwa manggagawa at ng buong bayan.

Kaugnay ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa, nakikiisa ang Hugpong Obrero sa isang mapayapang pamamaraan ng paggunita, na may layuning itaguyod ang pagkakaisa, katatagan, at kapayapaan sa hanay ng mga manggagawa.

Ang Hugpong Obrero ay isang samahan ng mga manggagawa—dating kasapi ng RCTU-CPP—na nagsusulong ng kapakanan ng mga manggagawa sa loob ng mga pagawaan at kumpanya.

Layunin nitong itaguyod ang industrial peace at pangalagaan ang kabuhayan ng mga manggagawa upang maiwasan ang mga sigalot na maaaring humantong sa welga, pagsasara ng mga kumpanya, at pagkawala ng hanapbuhay, gayundin ang posibleng pagsasamantala ng ilang grupong nagrerekrut tungo sa armadong karahasan.

Patuloy na isinusulong ng Hugpong Obrero ang adhikain ng industrial peace at maayos na ugnayan ng manggagawa at pamunuan upang mapanatili ang trabaho, kabuhayan, at katatagan ng industriya, at maiwasan ang pagsasamantala ng ilang grupong naghihikayat ng armadong karahasan.

Nakikiisa ang Hugpong Obrero, bilang isa sa mga founding member ng Haligi ng Kapayapaan ng Pilipinas (HAKAP) Pederasyon Inc., at ng mga samahang kasapi nito, sa lahat ng manggagawang Pilipino. Kinikilala namin ang mahalagang papel ng bawat manggagawa bilang sandigan ng isang matatag at maunlad na bansa tungo sa Bagong Pilipinas.

Sanggunian:

CRISPIN A. TANDOG JR.
Pangulo, Hugpong Obrero
Tagpagtatag na Pangulo ng
Haligi ng Kapayapaan ng Pilipinas (HAKAP) Pederasyon Inc.












Nasa comment section ang opisyal na pahayag ng Hugpong Obrero Inc.

18/04/2026

HAKAP: BOODLE FIGHT PARA SA KAPAYAPAAN!

03/04/2026

Sa pagkakaisa, may pag-asa. Piliin at HAKAPin ang Kapayapaan!

Mensahe ng Haligi ng Kapayapaan ng Pilipinas (HAKAP)
para sa Good Friday

Sa banal na araw na ito ng paggunita sa sakripisyo ni Hesus Kristo, kami sa Haligi ng Kapayapaan ng Pilipinas (HAKAP)—isang pederasyon sa NCR na binubuo ng mga dating kadre, rebelde, lider, kanilang mga pamilya at tagasuporta, katuwang ang iba’t ibang NGOs, People’s Organizations, sectoral at advocacy groups—ay muling naninindigan para sa kapayapaan, katotohanan, at pagkakaisa ng sambayanang Pilipino.

Bilang mga naging saksi at bahagi ng mga karanasang dulot ng armadong tunggalian, mariin naming tinututulan ang patuloy na karahasan sa kanayunan, gayundin ang mga mapanlinlang na pamamaraan tulad ng deceptive recruitment, spy-tagging, at terror grooming na naglalagay sa panganib, lalo na sa ating mga kabataan.

Sa gitna ng mga hamon na kinakaharap ng ating bansa—kabilang ang pagtaas ng presyo ng langis—hinihikayat namin ang bawat Pilipino na piliin ang pagkakaisa, kapayapaan, at sama-samang pagtutulungan—hindi armadong karahasan, kundi pagkakaisa para sa kabutihang panlahat.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang halimbawa ni Hesus Kristo upang patuloy nating tahakin ang landas ng pagbabago, paghilom, at tunay na kapayapaan para sa ating bayan.

Sa pagkakaisa, may pag-asa.
PILIIN at HAKAPin ang kapayapaan para sa magandang kinabukasan tungo sa kaunlaran. 🇵🇭✊

Sanggunian:
Crispin A. Tandog Jr.
Pangulo



30/03/2026

END CPP-NPA-NDF TERRORISM!

𝟭𝟲,𝟬𝟬𝟯 𝗳𝗼𝗿𝗺𝗲𝗿 𝗿𝗲𝗯𝗲𝗹𝘀, 𝗲𝘅-𝗰𝗼𝗺𝗯𝗮𝘁𝗮𝗻𝘁𝘀 𝗮𝗽𝗽𝗹𝘆 𝗳𝗼𝗿 𝗮𝗺𝗻𝗲𝘀𝘁𝘆, 𝗺𝗮𝗿𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗷𝗼𝗿 𝗺𝗶𝗹𝗲𝘀𝘁𝗼𝗻𝗲 𝗶𝗻 𝗣𝗛 𝗽𝗲𝗮𝗰𝗲 𝗽𝗿𝗼𝗰𝗲𝘀𝘀

PASIG CITY — A total of 16,003 former rebels and ex-combatants have availed of the national government’s Amnesty Program as of March 14, 2026, which is seen as another major milestone under the comprehensive Philippine peace process.

Data from the National Amnesty Commission (NAC) show that the majority of the applicants — 13,633 — are former members of the Communist Party of the Philippines-New People’s Army National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) and their front organizations.

Their applications were received before the March 13, 2026 deadline set for the group.

In the meantime, 1,240 applicants came from the Moro Islamic Liberation Front (M**F), while the Moro National Liberation Front (MNLF) had 646.

Another 484 applications were submitted by members of the Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa–Pilipinas / Revolutionary Proletarian Army–Alex Boncayao Brigade (RPM-P/RPA-ABB) who now call themselves the Kapatiran.

The deadline for M**F, MNLF, and RPM-P/RPA-ABB applicants was set earlier on March 4, 2026.

📌 Full story in comments.

Photos from Haligi ng Kapayapaan ng Pilipinas - HAKAP Pederasyon Inc.'s post 29/03/2026

Walang dapat ipagdiwang ang teroristang NPA sa ika‑57 taon nito dahil sa pinsalang dulot nito sa bansa at mamamayan.

Photos from Haligi ng Kapayapaan ng Pilipinas - HAKAP Pederasyon Inc.'s post 19/02/2026
Photos from Haligi ng Kapayapaan ng Pilipinas - HAKAP Pederasyon Inc.'s post 03/02/2026

Mariing sinusuportahan ng Haligi ng Kapayapaan ng Pilipinas (HAKAP) ang Terror Grooming Prevention Bill na isinusulong ng iba’t ibang panrehiyong pederasyon ng mga Former Rebels sa Pilipinas na binubuo sa ilalim ng Buklod Kapayapaan Federation, Inc., isang pambansang pederasyon, bilang isang mahalagang hakbang upang protektahan ang mamamayang Pilipino—lalo na ang kabataan, kababaihan, at mga manggagawa—laban sa panlilinlang, radicalization, at pagsasamantala ng mga teroristang grupo tulad ng CPP–NPA–NDF.

18/01/2026

👍

Isulong ang agarang pagpasa ng panukalang Anti-Terrorist Grooming Act upang magkaroon ng malinaw na batas na magbibigay-proteksyon laban sa mapanlinlang na recruitment ng CPP-NPA-NDF sa hanay ng kabataan patungo sa armadong pakikibaka.

Kailanman ay hindi sinusuportahan at mariing itinatakwil ng mamamayang Pilipino ang ganitong uri at pamamaraan ng pagkakamit ng pagbabago—reporma at hustisya ang dapat isulong sa loob ng balangkas ng batas at demokratikong proseso.

Protektahan ang kabataan laban sa panlilinlang.
Isulong ang agarang pagpasa ng Anti-Terrorist Grooming Act.
Reporma at hustisya—hindi armadong pakikibaka

HAKAPin ang Kapayapaan, hindi ang Armadong Karahasan!






Sanggunian: https://www.facebook.com/share/p/17thASbuA3/

16/01/2026

Please Follow Haligi ng Kapayapaan ng Pilipinas - HAKAP page. Salamat ng Marami!

𝗜𝗻 𝗰𝗮𝘀𝗲 𝘆𝗼𝘂 𝗺𝗶𝘀𝘀𝗲𝗱 𝗶𝘁 | Pahayag para sa Media |
PATOTOO AT SUPORTA
Mula sa mga dating kasapi ng mga Legal Fronts ng CPP-NPA-NDF sa NCR sa ilalim ng Haligi ng Kapayapaan ng Pilipinas - HAKAP
Bilang suporta sa Hands Off Our Children Movement.

Mariin naming pinatutunayan na ang pagradikal ng kabataan ay nagsisimula sa pamamagitan ng mga front organizations ng CPP-NPA-NDF sa: Paaralan at unibersidad,
Komunidad, Pagawaan at workplaces sa NCR

Ang mga kabataan ay unti-unting hinuhubog ang isip upang tanggapin ang armadong pakikibaka — isang proseso na tinatawag na “terror grooming” — at pagradikal upang pabagsakin ang pamahalaan na itinaguyod ng ating mga bayani.

Kami ay nananatiling nakatuon sa proteksyon ng kabataan, pagtutok sa tamang edukasyon at wastong gabay, at pagtatakwil sa mga front organizations ng CPP-NPA-NDF sa aming mga komunidad at sa anumang organisasyong nais nilang hikayatin.

Kami rin ay nanawagan sa iba't ibang organisasyong pangkabataan at institusyon sa NCR na magkaisa at makipagtulungan sa HAKAP upang matigil ang infiltration, radicalization, at recruitment ng teroristang CPP-NPA-NDF sa NCR at sa iba pang lungsod sa iba't ibang panig ng bansa.

Sa huli, ang layunin natin ay malinaw: kapayapaan at kaunlaran ng mamamayan, hindi digmaang bayan ang dapat manaig sa ating mga Pilipino.

HAKAPin ang Kapayapaan hindi ang Armadong Pakikibaka!
END CPP-NPA-NDF TERRORISM!

Crispin A. Tandog Jr.
Pangulo, HAKAP-NCR Pederasyon.

Sanggunian: HOOCM, Inc..Press Conference via SMNI-Newsblast
Link:
https://www.facebook.com/share/v/1ABwURibK7/


Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Address


Unit 2707 B, Regalia Park Tower B, Cubao
Quezon City
1109