21/05/2026
Saludo sa lahat ng fire units na rumesponde at tumulong sa pag aapula ng sunog sa aming barangay higit lalo sa ating Almighty Fire And Rescue Volunteer BATANG TATALON FIRE AND RESCUE VOLUNTEERS 🫡
💙
21/05/2026
Saludo sa lahat ng fire units na rumesponde at tumulong sa pag aapula ng sunog sa aming barangay higit lalo sa ating Almighty Fire And Rescue Volunteer BATANG TATALON FIRE AND RESCUE VOLUNTEERS 🫡
17/05/2026
Maraming maraming salamat po sa pag-imbita sa inyong mga lingkod KAGAWAD Jonathan Del Rosario, KAGAWAD Jalyn F. Tabas at KAGAWAD Marciana Dimaano Manalo, salamat po sa pamunuan ng TEAM AYOS sa TAGALOG AREA sa pangunguna ng ating kaibigang si Kharl Mina.
Isang malaking karangalan po para sa amin ang maging bahagi ng inyong pagdiriwang at makadagdag ng saya, pagkakaisa, at magandang alaala sa inyong lugar ngayong Kapistahan ni San Isidro Labrador. 🙏✨
Nawa’y patuloy na maging matagumpay, ligtas, at puno ng biyaya ang inyong selebrasyon. Viva San Isidro Labrador! 🌾💙
17/05/2026
Maligayang Kapistahan ni San Isidro Labrador! (Barangay Tatalon, Quezon City) 🌾🙏
Nawa’y gawin po nating ligtas, maayos, at puno ng pagkakaisa ang ating pagdiriwang upang maging ganap at mapuno ng saya, biyaya, at pagmamahalan ang kapistahan ngayong araw.
Patuloy nawa tayong gabayan at pagpalain ni San Isidro Labrador, ang ating patron ng mga magsasaka at manggagawa, patungo sa masagana at mapayapang pamayanan.
Munting paalala at pagbati mula sa ating butihing Punong Barangay KIKO DEL MUNDO, mula din sa aking mga kasamahan sa konseho KAGAWAD Jalyn F. Tabas, KAGAWAD Marciana Dimaano Manalo at ang inyong lingkod KAGAWAD Jonathan Del Rosario 🫡
HAPPY FIESTA! Viva San Isidro Labrador! 💙✨
14/05/2026
Almighty Fire And Rescue Volunteer 🫡
10/05/2026
Patuloy po tayong mag ingat mga kabarangay 🙏
09/05/2026
Sa lahat ng ilaw ng tahanan, isang taos-pusong pagpupugay at pagbati sa inyong walang kapantay na pagmamahal, sakripisyo, at paggabay. Kayo ang nagsisilbing lakas at inspirasyon ng bawat pamilya—mapag-aruga, matatag, at laging handang magsakripisyo para sa kapakanan ng inyong mga mahal sa buhay.
Maraming salamat sa init ng inyong pagmamahal na siyang nagbibigay liwanag at pag-asa sa bawat tahanan.
Maligayang Araw ng mga Ina sa lahat ng ilaw ng tahanan! 💐
Isang solidong pasasalamat po sa aking mga kapatid at iniidolo sa kapatirang TAU GAMMA PHI/ TAU GAMMA SIGMA sa kanilang mainit na pagbati at walang sawang suporta noong aking nakaraang kaarawan. Tunay pong nakakataba ng puso ang inyong pagmamahal at pag-alala. 🫡🖐️
Maraming maraming salamat po kina:
🖐️ VICE SEC. GEN. INTERNAL MMRC TOL WENCY
🖐️ CHAIRMAN OF TRISKELION COUNCIL OF QC TOL UNA
🖐️ SINGER / SONG WRITER ng awiting “Kapatirang Triskelion” TOL BRIAN ALFIE
🖐️ EXO OF TAU GAMMA SIGMA QC COUNCIL SIS LIGAYA
🖐️ POLICE CAPT. at Founder ng Unang Hakbang Galas 11 TOL GLENN GONZALES
Ang inyong pagbati at suporta ay lalo pong nagbibigay inspirasyon at lakas ng loob sa inyong lingkod. Nawa’y patuloy po nating panatilihin ang pagkakaisa, respeto at tunay na diwa ng kapatiran. 🤝
Mabuhay po kayong lahat mga kapatid! Salute! 🫡🖐️
09/05/2026
🫡
09/05/2026
💃 MAGANDANG ARAW MGA KABARANGAY! 💃
Bilang pagdiriwang sa nalalapit na Mother’s Day, malugod po naming inaanyayahan ang lahat na makiisa sa ating LIBRENG PA-ZUMBA ngayong darating na Linggo (MAY 10, 2026) — isang masayang aktibidad handog para sa ating mga minamahal na ina sa ating komunidad! ❤️
Ang programang ito ay hatid ng ating masipag at mapagmalasakit na Punong Barangay KAP KIKO DEL MUNDO kasama ang buong Sangguniang Barangay, ang inyong lingkod KAGAWAD Jonathan Del Rosario, KAGAWAD Jalyn F. Tabas, KAGAWAD Marciana Dimaano Manalo, KAGAWAD Noel Estrella, sa ating kaibigan Admin RJ BITUIN at BENJO LOBO bilang pasasalamat at pagpupugay sa walang sawang pagmamahal at sakripisyo ng bawat ina. 🌷
⏰ 6:30 am hanggang 8:30 am
📍 LIMESTONE CAR ACCESSORIES (tabi ng eastwest bank) banawe st. Tatalon Quezon City malapit da Jollibee Cardiz)
Tara na at sabay-sabay tayong magsaya, sumayaw at maging healthy kasama ang pamilya, kaibigan at mga kapwa natin residente! 💪😊
✨ LIBRE ito para sa lahat! At may nag aabang na mga papremyo sa mga pinakamagaling umindak 💃🪩”
Inaanyayahan po namin ang lahat ng nanay, kababaihan, kabataan at maging ang buong pamilya na makiisa at makisaya sa espesyal na okasyong ito.
Sama-sama nating ipagdiwang ang Mother’s Day na puno ng saya, sigla at pagmamahalan! 💖
Kita-kits po tayo mga ka-barangay! 💃🌸
ALAY SA MGA DAKILANG ILAW NG TAHANAN ✨