07/10/2026
𝐖𝐇𝐄𝐄𝐋𝐂𝐇𝐀𝐈𝐑 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐁𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐁𝐑𝐆𝐘. 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐎𝐍𝐖𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇, 𝐈𝐊𝐈𝐍𝐀𝐓𝐔𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏𝐈𝐍 𝐍𝐆 𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀-𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐓𝐎
Mainit na tinanggap ng ating mga ka-Distrito ang pagbisita ng ating tanggapan sa Brgy. Commonwealth upang ihatid ang handog nating mga wheelchair sa mga higit na nangangailangan, kabilang na sina Lola Edna Fajardo, 66 y/o, na isang Stroke patient; Lola Liberato Escalona, 74 y/o, na may iniindang Prostate Cancer; Nanay Janice Baluya, 42 y/o, na may Breast Cancer; Tatay Antonio Sumayud, Jr., 49 y/o, na may Diabetes; Jhonniel Jacinto, 16 y/o, na hirap sa paglalakad; at sina Lola Lanie Talon, 65 y/o, at Nanay Sandra Gavarra, 44 y/o, na parehong bedridden.
Lubos din nating pinasasalamatan ang suporta ng mga lokal na opisyal ng Brgy. Commonwealth na sina Kagawad Rowena Lucas at Kagawad Grace Baquiring-Esmundo, na katuwang natin sa paghahatid ng tulong at serbisyo sa ating mga ka-Distrito.
Patuloy po ninyong maaasahan ang ating Responsable at Tapat na paglilingkod upang maihatid ang tulong sa mamamayan ng Distrito Dos.
Maraming salamat po!