Filipino Police Hero

Filipino Police Hero

Share

Filipino Police Heroes - shares an information's, news and etc. Please Like and Follow my Official FB Page : www.facebook.com/filipinopolicehero

Photos from Filipino Police Hero's post 04/03/2022

FILIPINO POLICE HERO :
www.facebook.com/filipinopolicehero

PILAR, Sorsogon, Philippines, from (PILIPINO STAR NGAYON March 2, 2022) Isang Pulis ang pinagbabaril ng mga kasapi ng NPA habang nasa harap ng isang tindahan nang salakayin at pagbabarilin ng mga kumunista ang kampo ng Police Regional Mobile Force - Battalion (PRMFB) 5 sa Brgy. Esperanza ng bayang ito.
- kamakalawa ng gabi.

Napuruhan ng punglo sa iba't ibang bahagi ng biktimang si P/Cpl. Ryan Mejillano Atos, kasapi ng PRMFB at resdente ng Brgy. Kiwalo sa bayan ng Daraga, Albay.

Nabatid na si Atos ay nakatakda na sanang ikasal ngayong taon sa kanyang nobya.

Sa ulat, dakong alas-7 ng gabi, nagulantang ang mga residente nang umalingawngaw ang magkakasunod na Putok ng baril nang biglang umatake ang mga komunista sa kampo ng mga pulis sa kahabaan ng Maharlika National Highway ng naturang lugar. Nabigla man ay agad na gumanti ng putok ang mga Pulis loob ng kampo sanhi ng engkuwentro.

Gayunman, naispatan ng mga rebelde si Cpl. Atos na nagpaload lang sana ng kanyang GCash sa tindahan sa kabilang kalsada kaya agad siyang pinagbabaril habang patakbo sana ang biktima pabalik sa loob ng kanilang kampo.

Nang tumakas ang mga bandido, mabilis na isinugod ang biktima sa Cumadcad District Hospital pero hindi na umabot nang buhay.

Hustisya ang sigaw ngayon ng naiwang kasintahan at mga kaanak ng biktimang pulis na itinuturing na bayani ng kanyang kasamahan at kababayan.

Ang buong hanay ng kapulisan ng pambansang pulisya ay nakikiramay sa pamilya ni PCpl Ryan Mejillano Atos na namatay sa pag-atake ng mga teroristang NPA sa sorsogon noong February 28, 2022.

Para sa pamilya ni P/Cpl Ryan Mejillano Atos. Salamat po sa KABAYANIHAN ng inyong pamilya.




Photos from Filipino Police Hero's post 17/02/2022

Isang "Magiting na Pulis" ang nagbuwis ng buhay. Magsasagawa lang sana ang kapulisan natin ng "Operation Tulong" para sa mga kababayan natin pero binulabog ng mga "Terorista" sa naturang lugar.

Isang Saludo sa ating bayani na si PLT KENNETH TAD-AWAN. Ang bayani ng Pilipinas. Maraming Salamat sa iyong tunay na sakripisyo at Kabayanihan para sa bayan.


Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Address


Quezon City