26/10/2026
BALANGAW: IKAAANIM NA PWESTO BILANG PINAKAMAHUSAY NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS SA LUNGSOD QUEZON!
Isang makabuluhang tagumpay ang muling ipinamalas ng Balangaw, ang pahayagang pangkampus ng Bagumbayan Elementary School, sa pagkamit ng ikaanim na puwesto bilang Pinakamahusay na Pahayagang Pangkampus sa Lungsod Quezon. Patunay ito ng dedikasyon, pagkamalikhain, at sama-samang pagsisikap ng mga batang mamamahayag at ng kanilang mga tagapayo sa paghahatid ng makabuluhan, napapanahon, at mapagkakatiwalaang impormasyon sa komunidad ng paaralan.
Bukod sa pangkalahatang pagkilala, nakamit din ng Balangaw ang mga sumusunod na parangal: ikaapat na puwesto sa Pag-aanyo at Paglalapat ng Disenyo at Pahina at Pahinang Isports; ikalimang puwesto sa Pahinang Balita; ikaanim na puwesto sa Pahinang Agham at Teknolohiya at Pahinang Lathalain; at ikawalong puwesto sa Pahinang Editoryal. Ang mga pagkilalang ito ay sumasalamin sa husay ng ating mga mamamahayag sa pagsusulat, pag-uulat, pagdidisenyo, at paglalahad ng mga kuwentong nagbibigay-kaalaman at inspirasyon.
Taos-pusong pagbati kina Audrey Monique G. Cabero, Punong Patnugot; Cherrie Tan, Tagapayo; at Rand Dela Cruz, Punongg**o, gayundin sa lahat ng batang mamamahayag, g**o, magulang, at tagasuportang naging bahagi ng makabuluhang tagumpay na ito. Nawa'y patuloy na magsilbing tinig ng katotohanan, tanglaw ng kaalaman, at inspirasyon ng bawat mag-aaral ang Balangaw.
Patuloy na lilipad nang mataas ang Balangaw, dala ang paninindigan sa katotohanan, husay sa pamamahayag, at pagmamalaki sa paaralang Bagumbayan Elementary School!
BES ngayon, Best Bukas!