17/10/2025
Magandang gabi po mga ka-barangay! 🥰
Sa pag-usad ng panahon, marami ang nagbabago at ang ating mga kabataan ay mas nagiging matalino sa kanilang mga kahiligan habang tumatanda. 💡✨
Kaya ang ating pamunuan ng barangay, ang BCPC, ay magsasagawa ng data collection para sa mga kabataang nakatira sa Barangay Silangan, upang masmatugunan ang pangangailangan ng ating mga kabataan lalo na sa kanilang kapakanan, kalusugan, at pagbibigay importansya sa karapatang pambata. 👧🧒
Ito ay magiging malaking tulong sa pagbalangkas ng bawat proyekto at programa para sa mga kabataan ng Barangay Silangan. 📝
Amin pong hinihiling ang inyong kooperasyon para sa masprogresibong barangay!
Maraming salamat po! 🥰💕
***
𝙏𝙝𝙞𝙨 𝙙𝙖𝙩𝙖𝙗𝙖𝙨𝙚 𝙬𝙞𝙡𝙡 𝙘𝙤𝙡𝙡𝙚𝙘𝙩 𝙗𝙖𝙨𝙞𝙘 𝙞𝙣𝙛𝙤𝙧𝙢𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙖𝙣𝙙 𝙩𝙝𝙚 𝙘𝙪𝙧𝙧𝙚𝙣𝙩 𝙨𝙩𝙖𝙩𝙪𝙨 𝙤𝙛 𝙘𝙝𝙞𝙡𝙙𝙧𝙚𝙣 𝙖𝙜𝙚𝙙 0 𝙩𝙤 15 𝙮𝙚𝙖𝙧𝙨 𝙤𝙡𝙙. 𝘼𝙡𝙡 𝙞𝙣𝙛𝙤𝙧𝙢𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙥𝙧𝙤𝙫𝙞𝙙𝙚𝙙 𝙬𝙞𝙡𝙡 𝙗𝙚 𝙠𝙚𝙥𝙩 𝙘𝙤𝙣𝙛𝙞𝙙𝙚𝙣𝙩𝙞𝙖𝙡 𝙖𝙣𝙙 𝙪𝙨𝙚𝙙 𝙨𝙤𝙡𝙚𝙡𝙮 𝙛𝙤𝙧 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝘾𝙤𝙪𝙣𝙘𝙞𝙡 𝙛𝙤𝙧 𝙩𝙝𝙚 𝙋𝙧𝙤𝙩𝙚𝙘𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙤𝙛 𝘾𝙝𝙞𝙡𝙙𝙧𝙚𝙣 (𝘽𝘾𝙋𝘾) 𝙥𝙪𝙧𝙥𝙤𝙨𝙚𝙨 𝙤𝙣𝙡𝙮.
BARANGAY SILANGAN CHILDREN'S DATA BASE
This database is essential for developing and implementing plans and programs for the children in our barangay. Your responses will play a vital role in helping us improve the quality and effectiveness of our services. We greatly appreciate your participation and honest answers.
08/10/2025
🦟𝐒𝐢𝐠𝐮𝐫𝐚𝐝𝐮𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐚𝐭𝐚 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐝𝐞𝐧𝐠𝐮𝐞🦟
Sa pinakabagong datos ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division, mga batang edad 10 taon pababa ang pinakaapektado ng dengue sa lungsod. Katumbas ito ng 49% ng 8,625 na total dengue case sa buong lungsod.
✅ Panatilihing malinis ang loob at labas ng bahay
✅ Panatilihing may takip ang mga timba, drum, water tanks, at iba pang lalagyan ng tubig.
✅ Magsuot ng mga mahahabang manggas na damit at gumamit ng insect repellent at kulambo, lalo na sa gabi
✅ Siguraduhing may screen ang mga bintana at pintuan
Kung may nararamdamang sintomas ng dengue, kaagad na magtungo sa pinakamalapit na Health Center para sa libreng Check-up at Dengue Test.
📍 Bukas ang ating mga Health Center LUNES hanggang BIYERNES ( 8:00am to 5:00pm )
Kapag ligtas sila sa dengue, kampante ang buong pamilya! 💪
Manatiling updated tungkol sa banta ng dengue sa ating komunidad. I-like, i-follow, at magmessage sa aming page.
8703-2759
09622747107
8988-4242 loc 1609
07/10/2025
MAGING ALERTO SA SINTOMAS NG INFLUENZA.
Ang influenza ay isang nakakahawang sakit na maaaring makaaepekto sa respiratory system ng maaaring maghatid ng mild o severe illness sa isang tao. Kaya naman, narito ang ilang mga sintomas ng INFLUENZA:
🤒 Fever
😷 Cough
💪 Muscle & Joint Pain
🤕 Headache
😴 Lack of Energy
😖 Sore Throat
🤧 Runny Nose
Kung sakaling nakararanas ng sintomas ng influenza, magsuot ng facemask at magtungo sa pinaka malapit na health center sa inyong lugar para sa libreng konsultasyon at gamot para sa mabilis na paggaling.
Para sa iba pang health information, i-like at i-follow ang Quezon City Health Department Official page.
19/09/2025
PABATID SA PUBLIKO
Ipinapaalam po namin na pansamantalang walang supply ng anti-rabies vaccine sa anim na Animal Bite and Treatment Centers (ABTC) ng lungsod.
Mahigpit pong nakikipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan sa Department of Health at kasalukuyan na ring isinasagawa ang procurement ng karagdagang bakuna upang matiyak na magkakaroon ng sapat na stock para sa ating mga residente.
Makakaasa po kayo na sa sandaling dumating ang mga bakuna, agad naming ipapamahagi at ibabalik ang serbisyo sa lahat ng ABTC. Patuloy din ang pagsisikap na magkaroon ng mas maayos at tuluy-tuloy na supply sa hinaharap.
Para sa inyong mga katanungan, maaaring icontact ang mga ABTC sa QC:
District 1 - Project 6 Animal Bite Treatment Center: 0929-7150-762
District 2 - Batasan Hills Animal Bite Treatment Center: 09478101464 or 09085473257
District 3 - Socorro Animal Bite Treatment Center: 711-77234
District 4 - Tatalon Animal Bite Treatment Center: 7393-1912
District 5 - Kaligayahan Animal Bite Center: 09631541440
District 6 - Melchora Aquino Animal Bite Treatment Center: 700-10895
Kung sakaling makagat ng hayop, huwag pong ipagpaliban ang pagpapatingin. Maaaring pumunta sa mga DOH-accredited Animal Bite Centers
Paalala: Maging responsable sa pag-aalaga ng alagang hayop. Sundin ang mga payo upang maiwasan ang insidente ng pagkakagat ng mga pagala-galang hayop.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at pagtitiwala. Asahan po ninyo ang aming patuloy na pagkilos para mapangalagaan ang kaligtasan at kalusugan ng bawat QCitizen.
16/09/2025
HFMD SURVEILLANCE UPDATE
Umakyat na sa 640 ang kaso ng Hand, Foot and Mouth Disease (HFMD) sa Quezon City ngayong 2025 simula January 1 - September 15, 2025. Ito ay walong beses na mas mataas kumpara sa kaso noong 2024 sa parehong panahon.
Ang pagiging maingat at malinis sa pang-araw-araw na gawain ay makakatulong upang maprotektahan ang sarili at ang pamilya laban sa HFMD.
Mahalaga ang pagpapanatili ng kalinisan at tamang hygiene gaya ng paghuhugas ng kamay:
✅ Pagkatapos gumamit ng palikuran o banyo
✅ Bago at pagkatapos kumain
✅ Pagkatpos umubo, bumahing at suminga
✅ Pagkagaling sa labas o pagkatapos maglaro.
Alamin ang iba pang impormasyon para makaiwas sa sakit na HFMD sa link ng post na ito:
https://www.facebook.com/QCEpidemiologyDiseaseSurveillance/posts/1020790213411585
Video: https://www.facebook.com/share/v/1DNzd4DRYQ/
Manatiling updated tungkol sa banta ng HFMD sa ating komunidad. I-like, i-follow, o kaya ay magmessage sa aming page.
8703-2759
09622747107
8988-4242 loc 1609