Brgy. Sauyo Disaster Risk Reduction and Management Office

Directions Contact the organization

Brgy. Sauyo Disaster Risk Reduction and Management Office In case of Fire or Emergency, please call:
BARANGAY SAUYO HOTLINE: 7369-91-56
BDRRMC/FIRE DEPT.: 0919-096-6996

BDRRMC EMAIL: [email protected]

19/09/2026
๐Ÿšจ EARTHQUAKE DRILL | CATHOLIC FILIPINO ACADEMY INC. ๐ŸšจNgayon araw, isinagawa ang Earthquake Drill sa Catholic Filipino Ac...
18/09/2026

๐Ÿšจ EARTHQUAKE DRILL | CATHOLIC FILIPINO ACADEMY INC. ๐Ÿšจ

Ngayon araw, isinagawa ang Earthquake Drill sa Catholic Filipino Academy Inc., isang private school, na aktibong nilahukan ng mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 6.

Katuwang sa pagsasagawa ng drill ang Barangay Sauyo BDRRM Response Team at Sauyo Fire Brigade, na gumabay at nagbigay ng suporta upang masanay ang mga mag-aaral at school personnel sa tamang paghahanda at pagtugon sakaling magkaroon ng lindol.

Taos-pusong pasasalamat din kay FO2 Joseph Boco ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa kanyang oras, kaalaman, at suporta na naging bahagi ng matagumpay na pagsasagawa ng nasabing aktibidad. ๐Ÿ™๐Ÿš’








Mas Pinalakas na Kahandaan, Mas Mabilis na Pagtugon! ๐ŸšจNadagdagan ang kagamitan ng Barangay Sauyo para sa disaster respon...
16/09/2026

Mas Pinalakas na Kahandaan, Mas Mabilis na Pagtugon! ๐Ÿšจ

Nadagdagan ang kagamitan ng Barangay Sauyo para sa disaster response sa pamamagitan ng isang bagong service vehicle, na pinondohan mula sa Barangay Disaster Risk Reduction and Management (BDRRM) Fund.

Layunin nitong suportahan ang mas mabilis at episyenteng pagtugon ng barangay sa panahon ng sakuna, kalamidad, at iba pang emergency.

Patuloy nating pinapalakas ang kahandaan at kakayahan ng Barangay Sauyo para sa kaligtasan ng bawat residente na ating nasasakupan.

๐Ÿšจ COMMUNITY-BASED DISASTER PREPAREDNESS ORIENTATION FOR 4Ps BENEFICIARIES ๐ŸšจMatagumpay na ginanap sa Sauyo High School an...
12/09/2026

๐Ÿšจ COMMUNITY-BASED DISASTER PREPAREDNESS ORIENTATION FOR 4Ps BENEFICIARIES ๐Ÿšจ

Matagumpay na ginanap sa Sauyo High School ang Community-Based Disaster Preparedness Orientation para sa mga 4Ps Beneficiaries, na isinagawa sa dalawang session โ€” Morning at Afternoon.

Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman at kahandaan ng mga kalahok sa tamang pagtugon sa ibaโ€™t ibang uri ng kalamidad, gayundin ang pagpapalakas ng kanilang kakayahan bilang indibidwal, pamilya, at bahagi ng komunidad.

Sa pamamagitan ng patuloy na pagbibigay ng kaalaman at pagsasanay, sama-sama nating isinusulong ang isang mas ligtas, handa, at matatag na Barangay Sauyo. ๐Ÿšจ๐Ÿ’ช

Maraming salamat sa napakahusay na resource speaker mula sa Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council Ms. Rizhell M. Apo

Kahandaan ngayon, kaligtasan sa panahon ng sakuna!

DAY 3 | CONTINGENCY PLANNINGPatuloy ang Ikatlong Araw ng Contingency Planning ng Barangay Sauyo BDRRMO, kasama ang mga B...
11/09/2026

DAY 3 | CONTINGENCY PLANNING

Patuloy ang Ikatlong Araw ng Contingency Planning ng Barangay Sauyo BDRRMO, kasama ang mga Barangay Officials at partner organizations, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kahandaan ng ating komunidad.

๐ŸŽฏ Layunin ng Contingency Planning:
โ€ข Matukoy ang mga posibleng panganib at epekto nito sa komunidad;
โ€ข Makapaglatag ng malinaw at organisadong mga hakbang bago, habang, at pagkatapos ng sakuna;
โ€ข Matukoy ang mga responsibilidad at gawain ng bawat tanggapan, grupo, at katuwang na organisasyon; at
โ€ข Makabuo ng konkretong plano upang maging mabilis, maayos, at epektibo ang pagtugon sa oras ng emergency.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagpaplano at koordinasyon, layunin nating magkaroon ng mas handa, mas ligtas, at mas matatag na Barangay Sauyo.

๐Ÿค Isinasagawa sa pakikipagtulungan ng World Vision Philippines.

DAY 2 | CONTINGENCY PLANNINGPatuloy ang Contingency Planning Activity ng Barangay Sauyo ngayong Day 2, katuwang ang Bara...
08/09/2026

DAY 2 | CONTINGENCY PLANNING

Patuloy ang Contingency Planning Activity ng Barangay Sauyo ngayong Day 2, katuwang ang Barangay Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO), Barangay Officials, at mga partner organizations.

Sa ikalawang araw, ipinagpapatuloy ang mga talakayan, pagsusuri, at pagpaplano upang mas mapalakas ang kahandaan ng ating barangay sa ibaโ€™t ibang uri ng sakuna at emergency situations.

Ang aktibong pakikilahok ng bawat sektor ay mahalaga upang makabuo ng isang mas organisado, maagap, at responsive na Barangay Sauyo.

๐Ÿค In partnership with World Vision Philippines

Preparedness today, safer community tomorrow.






๐Ÿ“‹ DAY 1 | CONTINGENCY PLANNINGMatagumpay na naisagawa ngayong September 7, 2026 ang unang araw ng Contingency Planning A...
07/09/2026

๐Ÿ“‹ DAY 1 | CONTINGENCY PLANNING

Matagumpay na naisagawa ngayong September 7, 2026 ang unang araw ng Contingency Planning Activity in partnership with WorldVisionPH sa Sauyo Brgy Hall 3rd Floor, na nilahukan ng mga concerned participants at stakeholders.

Layunin ng aktibidad na mapalakas ang kahandaan, koordinasyon, at pagtutulungan ng bawat sektor sa pagtugon sa ibaโ€™t ibang posibleng emergency at disaster scenarios.

๐Ÿค Sa pamamagitan ng sama-samang pagpaplano at pagbabahagi ng kaalaman at karanasan, mas napapalakas natin ang kakayahan ng ating komunidad na maging handa, maagap, at resilient sa panahon ng sakuna.

Day 1 accomplished! โœ…
Patuloy para sa isang mas ligtas at disaster-ready na komunidad. ๐Ÿšจ๐Ÿ’ช






30/08/2026
๐—ฆ๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป, ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐—ป๐—ถ๐—ป๐˜†๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ฆ๐—ฎ๐˜‚๐˜†๐—ผ.Tuloy-tuloy ang pag-alalay ng Barangay Sauyo sa ating mga...
30/08/2026

๐—ฆ๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป, ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐—ป๐—ถ๐—ป๐˜†๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ฆ๐—ฎ๐˜‚๐˜†๐—ผ.

Tuloy-tuloy ang pag-alalay ng Barangay Sauyo sa ating mga residenteng kasalukuyang nananatili sa evacuation centers matapos maapektuhan ng pagtaas ng tubig-baha sa kanilang mga lugar.

Personal na binisita at kinumusta ni Punong Barangay Noel F. Vitug ang ating mga evacuation centers upang masiguro na maayos ang kalagayan ng ating mga evacuees at matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Patuloy din ang pag-monitor at pagtugon ni BDRRM Committee Vice Chairperson Dendo M. Alvarez, na mula pa kahapon ay nakaantabay din ng personal sa kalagayan ng ating mga evacuees at tumutugon sa kanilang mga pangangailangan.

Samantala, patuloy ang paghahatid ng pagkain ng ating mga kawani para sa almusal at tanghalian.

Nagpaabot din ng karagdagang tulong ang ating mga konsehal at iba pang katuwang:
โ€ข Konsehal Banjo Pilar โ€“ arroz caldo at food packs
โ€ข Konsehal Vic Bernardo โ€“ champorado at bigas
โ€ข Konsehal Vito Generoso โ€“ food packs
โ€ข Dunkin' Donuts โ€“ donuts para sa ating mga evacuees

Nakaalalay din ang ating Barangay Health Center upang matugunan ang mga pangangailangang pangkalusugan ng ating mga evacuees at makapagbigay ng kaukulang serbisyong medikal sa mga nangangailangan.

Patuloy namang naka-monitor ang Social Services and Development Department (SSDD) upang matukoy at matugunan ang iba pang pangangailangan ng ating mga kabarangay na nasa evacuation centers.

Kasabay nito, pinananatili ring malinis at maayos ang ating mga evacuation centers sa pamamagitan ng maayos na pamamahala ng basura. Nagtalaga ng mga tamang lagakan para sa nabubulok at di-nabubulok na basura upang mapanatili ang kalinisan at maiwasan ang pagkalat ng sakit sa loob ng evacuation centers.

Sinisikap din ng ating barangay na maging ligtas at child-friendly ang ating evacuation centers. Nagtalaga ng isang lugar kung saan maaaring maglaro, mag-coloring, at magkaroon ng pagkakataong makapaglibang ang mga bata habang nananatili sila sa evacuation center.

Sa gitna ng ganitong sitwasyon, patuloy nating sinisiguro na walang kabarangay na maiiwan at bawat isa ay maalagaan. ๐Ÿค

Asahan ninyo na patuloy na nakaantabay ang Barangay Sauyo para tumugon sa pangangailangan ng ating mga kabarangay.

๐—ง๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜†-๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†Nakapaghatid na ng hapunan ang Sangguniang Barangay, katuwang ang atin...
29/08/2026

๐—ง๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜†-๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†

Nakapaghatid na ng hapunan ang Sangguniang Barangay, katuwang ang ating mga kawani, sa mga evacuation site kung saan kasalukuyang nananatili ang ilan nating mga kabarangay na naapektuhan ng pagtaas ng tubig-baha sa kanilang mga lugar.

Patuloy din ang ating mga kawani sa pagbibigay ng medikal na atensyon at pag-monitor sa kalagayan ng ating mga evacuees upang matiyak ang kanilang kaligtasan at agarang matugunan ang anumang pangangailangan.

Samantala, nakaantabay ang ating mga Rescuers sa iba't ibang lugar ng barangay bilang paghahanda sakaling muling bumuhos ang malakas na ulan at muling tumaas ang tubig. Patuloy nating mino-monitor ang sitwasyon.

Manatiling alerto, makinig sa mga abiso ng barangay, at unahin ang kaligtasan ng bawat isa.

Sa oras ng pangangailangan, patuloy na kasama ninyo ang Barangay Sauyo.

Address

Old Sauyo Road
Quezon City
1116

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Sauyo Disaster Risk Reduction and Management Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Brgy. Sauyo Disaster Risk Reduction and Management Office:

Shortcuts

Share