28/05/2026
๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐น๐ฎ๐ด ๐๐ฎ๐๐ต๐ญ
Ngayong ika-28 ng Mayo, buong pagmamalaki nating ipinagdiriwang ang National Flag Day bilang pagbibigay-pugay sa simbolo ng kalayaan, pagkakaisa, katapangan, at pagmamahal sa bayan ng bawat Pilipino.
Ang pagdiriwang na ito ay nagsimula bilang paggunita sa unang pagkakataong iwinagayway ang watawat ng Pilipinas matapos ang tagumpay sa Labanan sa Alapan noong Mayo 28, 1898. Mula noon, nagsilbi itong paalala ng sakripisyo at tapang ng ating mga bayani para sa kalayaan ng bansa.
Bilang kabataang Pilipino, nawaโy patuloy nating pahalagahan at igalang ang watawat ng Pilipinas bilang simbolo ng ating pagkakakilanlan, pagkakaisa, at pagiging makabayan.
28/05/2026
Buong pusong nakikiramay ang buong Fairvianโs Family sa pamilya, mga kaibigan, kaklase, at mga mahal sa buhay ni Patrick Q. Masong, isang minamahal na Fairvian mula sa Grade 12 โ H.E.J. Oliver.
Sa gitna ng lungkot na dulot ng kanyang pagpanaw, patuloy naming ipinapaabot ang aming panalangin at suporta sa kanyang pamilya at sa lahat ng nagmamahal sa kanya. Mananatili si Patrick sa alaala ng ating Fairvian community.
Inaanyayahan po namin ang lahat ng nagnanais makiramay at magpaabot ng panalangin na samahan siya sa kanyang huling lamay, funeral mass, at huling paghahatid:
๐ Huling Lamay
๐ Mayo 28, 2026
๐ Funeral Mass
St. Francis of Assisi Church, El Nido, Palawan
๐ Mayo 29, 2026 (Biyernes)
โฐ 1:00 ng hapon
๐ Libing
El Nido Public Cemetery
Nawaโy matagpuan niya ang walang hanggang kapayapaan.
26/05/2026
๐๐ถ๐ฑ ๐๐น-๐๐ฑ๐ต๐ฎ ๐ ๐๐ฏ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ธ! ๐๐
Eid al-Adha is one of the two major feast in Islam, celebrated by Muslims around the world. It honors the faith, devotion, and willingness of Prophet Ibrahim to sacrifice his son as an act of obedience to Allah.
Observed on the 10th day of Dhuโl-Hijjah, the final month of the Islamic calendar, this occasion is marked through prayers, sharing meals, and acts of charity with family, friends, and those in need.
Today, we celebrate the values of faith, sacrifice, compassion, and unity that Eid al-Adha reminds us of. May this occasion bring peace, blessings, and happiness to everyone celebrating.
16/05/2026
Malapit na ang pagtatapos ng BSKE Registration!
Hanggang Mayo 18, 2026 na lamang ang pagpaparehistro para sa mga nais makilahok sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Narito ang ilang mahahalagang impormasyon at gabay tungkol sa BSKE registration upang mas maging handa at mulat ang bawat mamamayan sa kanilang karapatang bumoto. Gamitin ang iyong boses at maging bahagi ng pagbabago.
Para sa District 5
โข Saan: Robinson Mall
โข Kailan: Hanggang Lunes, Mayo 18, 2026
โข Oras: 8:00 AM โ 5:00 PM
Mga kailangang dalhin:
โข Xerox copy ng Student ID
โข Xerox copy ng Birth Certificate o PSA
09/05/2026
๐๐ฎ๐ฝ๐ฝ๐ ๐ ๐ผ๐๐ต๐ฒ๐ฟสผ๐ ๐๐ฎ๐! ๐
To the mothers who give their all in ways that often go unseen, and to those who stood up as a mother when life calls for it, Happy Motherสผs Day! Your love is shown through quiet sacrifices, gentle guidance, and unwavering support.
Today, we celebrate the unmeasured love of the one who first taught us, our strongest supporter, and our silent fighters. Thank you for loving us by blood, by choice, and by heart in ways that last far beyond words.
โsDay
30/04/2026
Pagpupugay sa Manggagawang Pilipino!๐ต๐ญ
Ngayon, Mayo 1, ginugunita ang ika-137 Araw ng Manggagawa o Labor Day, isang pandaigdigang pagdiriwang na kumikilala sa mahalagang ambag ng mga manggagawa sa ibaโt ibang sektor.
Sa Pilipinas, isa itong regular na holiday na nagbibigay-pugay sa kanilang sipag, dedikasyon, at patuloy na kontribusyon sa pag-unlad ng bansa.
Kaya naman, ngayong araw ninyo, lubos namin kayong pinasasalamatan at pinahahalagahan. Kayo ang haligi ng ating ekonomiya at inspirasyon ng bawat Pilipino upang patuloy na magsikap at magtagumpay.
27/04/2026
The Supreme Student Learner Government of North Fairview High School proudly introduces the newly elected officers for S.Y. 2026โ2027
These young leaders, chosen by their fellow Fairvians, step forward with courage and commitment to serve, inspire, and uphold the values of unity, integrity, and excellence.
Let us celebrate their journey as they begin shaping a brighter tomorrow for our school community.
27/04/2026
Ipinagdiriwang tuwing Abril 27 ang Lapu-Lapu Day bilang paggunita sa kabayanihan ni Lapu-Lapu sa Labanan sa Mactan noong 1521. Ipinamalas niya ang matinding tapang at matatag na paninindigan laban sa mga mananakop.
Ang araw na ito ay kinikilala bilang isang espesyal na working holiday upang bigyang-parangal ang isa sa mga unang bayani ng ating bansa at ang kanyang mahalagang ambag sa ating kasaysayan.
19/04/2026
๐ฃ Enrollment is still ongoing at North Fairview High School! S.Y. 2026โ2027
We are open to a new embracing next generation of FAIRVIANS who will carry forward our legacy
For LSEN (Learners with Special Educational Needs) โ kindly look for Mrs. Mitsi โ An S. Luna
For Incoming Grade 7 โ kindly look for Mrs. Ellen Zamora
โข MondayโThursday
โข8:00 AM โ 3:00 PM
โขNFHS Covered Court
Requirements for New Students
โขOriginal copy of School Report Card (SF9)
โขBirth Certificate PSA/NSO (Original & Photocopy)
โขReading Assessment Result (for incoming Grade 7)
โข3 copies of 1x1 ID Pictures with white background
โขLong Brown Envelope and Ballpen
Enroll now and be part of the NFHS family!
09/04/2026
Bukas na ang huling araw para magpa-abot ng tulong, Fairvians!
Inaanyayahan namin kayong magbahagi ng tulongโmaliit man o malaki, pagkain man o damit. Bawat donasyon ay may malaking halaga at lubos na makakatulong.
Malungkot po naming ipinapaalam na ang isa po nating g**o mula sa Science Department, si Ginoong Archie Samoranos, ay nasunugan. Ang insidente ay naganap sa Barangay Payatas, Quezon City.
Maaari po kayong magbahagi ng anumang donasyon na makatutulong sa kanyang pagbangon. Maaari rin po ninyong i-scan ang QR code sa ibaba upang makapagpaabot ng tulong.
Para naman po sa mga in-kind na donasyon, tulad ng mga ready-to-eat na pagkain at mga damit (panlalaki), maaari ninyo itong i-abot sa ating mga school guard na matatagpuan sa ating school front gate.
Tumatanggap po kami ng donasyon mula Abril 8 hanggang Abril 10, mula 10:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.
Para sa mga katanungan, maaari po ninyong i-chat sa messenger si Anthony Altomia.
Maraming salamat po.
09/04/2026
๐ ๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐ธ๐ฎ-๐ด๐ฐ ๐ป๐ฎ ๐๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ด๐ถ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐ป! ๐ต๐ญ
Sa bawat alon ng kasaysayan, nananatiling buhay ang diwa ng kagitinganโhindi lamang sa digmaan kundi sa araw-araw na paninindigan ng bawat Pilipino. Tuwing Abril 9, ginugunita natin ang kabayanihan ng mga sundalong lumaban sa Bataan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, na nag-alay ng tapang at sakripisyo para sa kalayaan.
Nagsisilbi ang araw na ito bilang paalala na pahalagahan ang ating kalayaan at ipagpatuloy ang diwa ng pagkakaisa at katapangan. Sa simpleng paraanโtulad ng pagtulong sa kapwa at pagmamahal sa bayanโnaipapakita natin na buhay pa rin ang diwa ng kagitingan sa bawat Pilipino.