05/05/2025
📢 PAALALA SA LAHAT NG MAMAMAYAN NG BARANGAY NORTH FAIRVIEW:
Upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan ng ating komunidad, ipinatutupad ang Curfew Hours para sa mga menor de edad (17 taong gulang pababa) mula 10:00 PM hanggang 5:00 AM araw-araw.
Ang ordinansang ito ay alinsunod sa Quezon City Ordinance No. SP-2301, S-2014, na naglalayong protektahan ang ating mga kabataan mula sa mga panganib na dulot ng paglabas sa mga ganitong oras.
✅ Layunin ng Ordinansang ito:
* Mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa ating barangay.
* Maprotektahan ang mga kabataan mula sa mga hindi kanais-nais na insidente sa gabi.
* Mahadlangan ang mga aktibidad na maaaring magdulot ng panganib sa kaligtasan ng mga menor de edad.
🚨 Mga Mahahalagang Paalala:
* Ang mga menor de edad na mahuhuling lumalabag sa curfew hours ay maaaring patawan ng kaukulang parusa alinsunod sa ordinansa.
* Ang mga magulang o tagapag-alaga ng mga kabataang lalabag ay maaaring managot at pagmumultahin o pagdanas ng community service.
* Ang mga sumusunod ay may mga exemption:
* Ang mga kabataang may kasamang magulang o legal na tagapag-alaga.
* Ang mga kabataang may emergency na sitwasyon.
🤝 Tulong-tulong tayo!
Inaanyayahan ang lahat ng magulang, tagapag-alaga, at miyembro ng komunidad na makiisa sa pagpapatupad ng ordinansang ito. Ang pagtutulungan natin ay susi upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa ating barangay.
06/04/2025
WEEK 2
𝐌𝐀𝐀𝐀𝐒𝐀𝐇𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐔𝐓𝐔𝐑𝐎: 𝐀 𝐒𝐓𝐑𝐄𝐄𝐓 𝐋𝐄𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝟐𝟎𝟐𝟓 𝐎𝐅 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐍𝐎𝐑𝐓𝐇 𝐅𝐀𝐈𝐑𝐕𝐈𝐄𝐖 (𝐘𝐞𝐚𝐫 𝟐)
07/05/2024
𝗠𝗔𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗨𝗧𝗨𝗥𝗢: 𝗔 𝗦𝘁𝗿𝗲𝗲𝘁 𝗟𝗲𝗮𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗼𝗳 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗡𝗼𝗿𝘁𝗵 𝗙𝗮𝗶𝗿𝘃𝗶𝗲𝘄
𝙒𝙀𝙀𝙆 1 : 𝙋𝙧𝙚 - 𝘼𝙨𝙨𝙚𝙨𝙢𝙚𝙣𝙩
Disclaimer: The photos are intended for documentation purposes and to raise awareness among the community about the said program in Barangay North Fairview.
𝙋𝙖𝙧𝙖 𝙢𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙪𝙥𝙙𝙖𝙩𝙚𝙙 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙜𝙖𝙣𝙖𝙥 𝙢𝙖𝙣𝙜𝙮𝙖𝙧𝙞 𝙡𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖 𝙄-𝙡𝙞𝙠𝙚, 𝙄-𝙛𝙤𝙡𝙡𝙤𝙬, 𝙖𝙩 𝙄-𝙨𝙝𝙖𝙧𝙚 𝙖𝙣𝙜 𝙊𝙛𝙛𝙞𝙘𝙞𝙖𝙡 𝙁𝙖𝙘𝙚𝙗𝙤𝙤𝙠 𝙋𝙖𝙜𝙚 𝙣𝙜 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝙆𝙖𝙜𝙖𝙬𝙖𝙙 𝙃𝙤𝙣. 𝙈𝙖𝙧𝙠 𝘼𝙣𝙩𝙝𝙤𝙣𝙮 𝙎. 𝙋𝙖𝙙𝙚𝙧, 𝙈𝘽𝘼.
17/03/2024
𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗡𝗚
Magandang Araw po sa ating lahat.
Maaaring ipagbigay alam po sa aming tanggapan o sa numerong nakadetalye sa larawan kung inyo pong nakita si Steven Monterde.
17/03/2024
Kasabay ng pagdiriwang ng Linggo ng Palaspas, ang Parish Youth Ministry ay magsasagawa ng Palm Selling na magsisilbing fund raising activity, ito po ay nagkakahalaga ng 45 Pesos kada piraso.
Sa mga nagnanais pong bumili maaari na pong mag Pre-Order, mangyari lamang po na i-approach ang isa sa ating mga youth/choir members:
Divine Savior Parish - Ryle-Ann Denisse
St. Joseph Chapel - Janice Garcia
The Risen Lord Chapel - Cristine Catuboran
Sacred Heart of Jesus Chapel - Jana Bodino
o ang ating choir members at contactin ang numerong 09277510820 para sa mga karagdagang detalye.
Sa mismong araw ng Palaspas, ito po ay magiging available sa harap ng ating Parokya at mga Chapels
Maraming Salamat po!
Divine Savior Parish Youth Ministry - Diocese of Novaliches
14/03/2024
24/7 BARANGAY MOBILE HELPLINE...
ACTIVATED NA SIMULA MARCH 13, 2024
Simula po ngayong araw ay activated na ang ating 24/7 Barangay Mobile Helpline No. 0917-155-4612 na maaaring tawagan ng ating mga ka-barangay para sa reklamo o mga katanungan.
Operated by BDRRMC 24/7 OPERATIONS CENTER.
Ang Barangay Council Resolution No. 114, Series of 2024 ay inaprubahan at pinagtibay ng Barangay Council noong March 4, 2024 during the 9th Regular Session.
Maaari ring tumawag sa QC HELPLINE 122 for Emergency, Fire and Police Assistance and other QC LGU services.
Project of Punong Barangay Amelia C. Chua and Council.
17/01/2024
𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘‼️
Isang mapagpalang buhay mga kabarangay. Nais namin ipabatid na magkakaroon na po tayo ng PHASE 8 BARANGAY HALL EXTENSION OFFICE sa 2nd Floor, Milenyo Daycare Center.
Mas pinalapit at Mas pinadali na ang pagbibigay ng mga serbisyong hatid ng ating barangay sa pangunguna ng ating mahal na kapitana AMY CHUA at buong konseho.
Ang services offered para sa ating Barangay Extension Hall ay nakalakip sa ibaba.
MARAMING SALAMAT PO KA-BARANGAY!
𝙋𝙖𝙧𝙖 𝙢𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙪𝙥𝙙𝙖𝙩𝙚𝙙 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙜𝙖𝙣𝙖𝙥 𝙢𝙖𝙣𝙜𝙮𝙖𝙧𝙞 𝙡𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖 𝙄-𝙡𝙞𝙠𝙚, 𝙄-𝙛𝙤𝙡𝙡𝙤𝙬, 𝙖𝙩 𝙄-𝙨𝙝𝙖𝙧𝙚 𝙖𝙣𝙜 𝙊𝙛𝙛𝙞𝙘𝙞𝙖𝙡 𝙁𝙖𝙘𝙚𝙗𝙤𝙤𝙠 𝙋𝙖𝙜𝙚 𝙣𝙜 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝙆𝙖𝙜𝙖𝙬𝙖𝙙 𝙃𝙤𝙣. 𝙈𝙖𝙧𝙠 𝘼𝙣𝙩𝙝𝙤𝙣𝙮 𝙎. 𝙋𝙖𝙙𝙚𝙧, 𝙈𝘽𝘼.
31/12/2023
𝐇𝐀𝐏𝐏𝐘 𝐍𝐄𝐖 𝐘𝐄𝐀𝐑 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐍𝐎𝐑𝐓𝐇 𝐅𝐀𝐈𝐑𝐕𝐈𝐄𝐖 🎊🎉🌟
20/12/2023
𝗖𝗛𝗜𝗟𝗗𝗥𝗘𝗡'𝗦 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛 𝗖𝗘𝗟𝗘𝗕𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡
Ang ating Barangay Kagawad Mark Anthony S. Pader, MBA, Chairman Committee on the Barangay Council for the Protection of the Children and Education, ay pinangunahan ang selebrasyon ng kabuwanan ng mga Bata.
Sa nasabing pagdiriwang na may temang 'HEALTHY, NOURISHED, SHELTERED: Ensuring the right to life for all' ay nagpamalas ng angking talento, gaya ng pagsasayaw, pagpapakita ng kanilang mga pangarap at angking galing ang mga bata na dumalo sa nasabing pagdiriwang.
Nakisaya rin ang ating mga magulang na siyang pumapatnubay at gumagabay para sa ikauunlad at ikabubuti ng kanilang mga anak.
Mahalagang magkaroon ng patnubay at pag gabay ang mga magulang sa kanilang mga anak upang lumaki ito ng maayos, matalino at may takot sa Diyos.
Bilang gantimpala sa pinakitang pagtatanghal ng mga bata ay nabigyan ito ng munting regalo gaya ng tumbler na magagamit sa pag pasok sa kanilang paaralan at gayundin ang maagang pamaskong handog para sa ating mga magulang pandagdag panghanda sa araw ng noche buena.
Pagbati ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon.
𝙋𝙖𝙧𝙖 𝙢𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙪𝙥𝙙𝙖𝙩𝙚𝙙 𝙢𝙖𝙣𝙜𝙮𝙖𝙧𝙞 𝙡𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖 𝙄-𝙡𝙞𝙠𝙚, 𝙄-𝙛𝙤𝙡𝙡𝙤𝙬 𝙖𝙩 𝙄-𝙨𝙝𝙖𝙧𝙚 𝙖𝙣𝙜 𝙊𝙛𝙛𝙞𝙘𝙞𝙖𝙡 𝙁𝙖𝙘𝙚𝙗𝙤𝙤𝙠 𝙋𝙖𝙜𝙚 𝙣𝙜 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙃𝙤𝙣. 𝙈𝙖𝙧𝙠 𝘼𝙣𝙩𝙝𝙤𝙣𝙮 𝙎. 𝙋𝙖𝙙𝙚𝙧