PCUP NCR

PCUP NCR

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from PCUP NCR, Public & Government Service, 10th Floor The Upper Class Tower, Quezon Avenue cor. Scout Reyes St. , Brgy. Paligsahan, Quezon City.

PCUP Vision, Mission Goals
https://pcup.gov.ph/index.php/about-pcup/vision-mission-and-goals

PCUP-NCR Mandate and Functions-
https://pcup.gov.ph/index.php/about-pcup/mandate-and-functions

30/05/2026

๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐๐š๐ข๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐š๐ง๐  ๐‹๐ž๐š๐๐ž๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐๐†๐˜. ๐’๐š๐ฎ๐ฒ๐จ, ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ

Noong Mayo 27, 2026, matagumpay na naisagawa ang Capability Building Program (CBP) - Leadership Training sa BGY. Sauyo, Quezon City.

Ang nasabing aktibidad ay pinamunuan ni Area Coordinator Ms. Rose Ann Velasco, kasama ang resource speaker na si Ms. Mikhail Timbreza, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman at gabay sa mga sumusunod na paksa Understanding Leadership, Communication in Leadership and Addressing Inactive Members & Building Engagement.

Ang programa ay naglayong palakasin ang kakayahan at pamumuno ng mga miyembro upang mas epektibong makapaglingkod sa komunidad.

30/05/2026

๐๐‚๐”๐ ๐…๐Ž๐ƒ ๐๐‚๐‘ ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐๐ž๐ซ๐Ÿ๐ฎ๐ฆ๐ž ๐Œ๐š๐ค๐ข๐ง๐  ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ง๐ข๐ฅ๐š

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng mga programang pangkabuhayan, nagsagawa ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) โ€“ FOD NCR ng Perfume Making Training noong 27 Mayo 2026 sa 1269 Lardizabal St., Barangay 413, Sampaloc, Manila para sa mga miyembro ng Lardinty Neighborhood Association, Inc.

Pinangunahan ni Ms. Mary Gene Agoncillo, Area Coordinator ng Maynila, ang nasabing aktibidad na naglalayong mabigyan ang mga kalahok ng dagdag kaalaman at kasanayan na maaaring magsilbing alternatibong pagkakakitaan.

29/05/2026

๐๐‚๐”๐ ๐…๐Ž๐ƒ ๐๐‚๐‘ ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐๐ž๐ซ๐Ÿ๐ฎ๐ฆ๐ž ๐Œ๐š๐ค๐ข๐ง๐  ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐๐š๐ซ๐šรฑ๐š๐ช๐ฎ๐ž ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ

Nagkaroon ng pagkakataon ang mga kalahok na matutunan ang proseso ng paggawa ng pabango sa isinagawang Perfume Making Training noong 23 Mayo 2026 sa Saint Martin Covered Court, Fourth Estate Subdivision, Barangay San Antonio, Paraรฑaque City.

Pinangunahan ni Mr. Winston Morella, Area Coordinator ng PCUP FOD NCR, ang aktibidad habang ibinahagi naman ni Mr. Miguel Calina ang mga praktikal na paraan sa paggawa ng perfume na maaaring maging alternatibong mapagkakakitaan ng mga miyembro ng komunidad.

with Presidential Commission for the Urban Poor

29/05/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ I Isinagawa noong 22 Mayo 2026 ang Leadership and Financial Literacy Training para sa mga miyembro ng Samahang Makatao at Makatarungang Paninirahan sa NGC, Inc. (SAMASAMA Federation) bilang bahagi ng patuloy na capability building program para sa mga urban poor organizations.

Pinangunahan ang aktibidad ni Ms. Micah Ramento, Area Coordinator. Tinalakay sa programa ang kahalagahan ng mahusay na pamumuno, wastong paghawak ng pananalapi, pagba-budget, at responsableng pamamahala ng pondo upang higit na mapalakas ang kakayahan ng mga organisasyon at kanilang mga miyembro.

with Presidential Commission for the Urban Poor.

28/05/2026

๐–๐€๐“๐‚๐‡ | Matagumpay na naisagawa ang Livelihood Awarding ng pinagsamang inisyatiba ng Presidential Commission for the Urban Poor - Field Operations Division for NCR (PCUP-FODNCR) at Department of Labor and Employment - DOLE para sa 68 benepisyaryo sa Brgy. 830, Zone 90, District 6, South Nagtahan, Paco, Manila, kasabay ng isinagawang PhilHealth YAKAP Orientation.

Nakabatay ang aktibidad sa โ€œLโ€ o Livelihood component ng Framework na isinusulong ni PCUP Chairperson and CEO, Usec. Michelle Anne "Che-Che" B. Gonzales upang higit na mapalakas ang kabuhayan at social protection ng mga urban poor communities.
via | Media and Public Information Unit


Photos from Presidential Commission for the Urban Poor's post 28/05/2026

๐Ÿฒ๐Ÿด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—น๐˜†๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฐ๐—ผ, ๐—ง๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ถ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—ฑ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฐ๐—ธ๐—ฎ๐—ด๐—ฒ๐˜€ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต ๐—ข๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„
Kasalukuyang isinasagawa sa Brgy. 830, Zone 90, District 6, South Nagtahan, Paco, Manila ang Livelihood Awarding ng pinagsamang pagtutulungan ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) at Department of Labor and Employment - DOLE (DOLE) para sa animnapuโ€™t walong (68) benepisyaryo ng carinderia (livelihood packages), kasabay ng PhilHealth YAKAP Orientation.

Layunin ng aktibidad na mabigyan ang mga urban poor families ng dagdag na oportunidad sa kabuhayan at mas maayos na akses sa mga serbisyong pangkalusugan.
Sa ilalim ng Framework, patuloy namang pinatitibay ng Komisyon, sa pangunguna ni PCUP Chairperson & CEO, Usec. Michelle Anne "Che-Che" B. Gonzales ang mga programang nakatuon sa kabuhayan at social protection para sa mga komunidad sa laylayan. Naging punong abala naman sa aktibidad si Ms. Mary Gene Agoncillo ng PCUP NCR upang tiyakin ang maayos na implementasyon ng programa para sa mga benepisyaryo.

via | Media and Public Information Unit

Photos from Presidential Commission for the Urban Poor's post 21/05/2026

๐Œ๐š๐ฌ ๐๐ข๐ง๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฌ ๐ง๐š ๐Ž๐ซ๐ ๐š๐ง๐ข๐ฌ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง: ๐”๐๐Ž๐ฌ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐ข๐›๐š'๐ญ ๐ข๐›๐š๐ง๐  ๐›๐š๐ก๐š๐ ๐ข ๐ง๐  ๐๐‚๐‘, ๐๐‚๐”๐-๐š๐œ๐œ๐ซ๐ž๐๐ข๐ญ๐ž๐ ๐ง๐š!

Isinagawa noong ika-19 ng Mayo 2026 sa Quezon City Experience (QCX) Complex, Quezon City ang Awarding of Accreditation Certificates para sa mga Accredited Urban Poor Organizations (UPOs) sa National Capital Region.

Pinangunahan ni PCUP FOD-NCR Assistant Chief of Operations Mr. Kreeger Bonagua ang opening remarks at presentasyon ng Division Accreditation Committee. Nagbigay rin ng mensahe si Ms. Presca L. Baldoz, Pangulo ng Samahang Lakas ng Magkakapitbahay ng Taguig Inc., habang si Paraรฑaque City Area Coordinator Mr. Winston Morella naman ang naghatid ng closing remarks.

Kabuuang labintatlong (13) Urban Poor Organizations ang ginawaran ng Certificates of Accreditation bilang pagkilala sa kanilang aktibong pakikilahok at pakikipagtulungan sa mga programa ng Komisyon.
Layon ng akreditasyon na kilalanin ang samahan bilang isang lehitimong organisasyon upang higit na mapalawak ang kanilang akses sa sapat, angkop, at makabuluhang mga programa at serbisyong inihahatid ng pamahalaan.


Photos from PCUP NCR's post 15/05/2026

๐๐‚๐”๐ ๐…๐Ž๐ƒ ๐๐‚๐‘ ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐‹๐ข๐ช๐ฎ๐ข๐ ๐ƒ๐ž๐ญ๐ž๐ซ๐ ๐ž๐ง๐ญ ๐Œ๐š๐ค๐ข๐ง๐  ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐๐จ๐ซ๐ญ๐ก ๐…๐š๐ข๐ซ๐ฏ๐ข๐ž๐ฐ, ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ

Isinagawa noong 14 Mayo 2026 ang Liquid Detergent Making Training sa Drachma St., Barangay North Fairview, Quezon City, na dinaluhan ng ibaโ€™t ibang Urban Poor Organizations (UPOs) mula sa North Fairview, Quezon City.

Pinangunahan ang aktibidad ni Rose Ann Velasco, Area Coordinator, bilang bahagi ng patuloy na pagsasagawa ng mga livelihood training para sa mga komunidad.

Layunin ng pagsasanay na mabigyan ang mga kalahok ng praktikal na kaalaman sa paggawa ng liquid detergent bilang alternatibong mapagkukunan ng kita at dagdag kabuhayan. Sa pamamagitan ng programang ito, patuloy na isinusulong ng Presidential Commission for the Urban Poor ang pagpapalakas ng kakayahan at kabuhayan ng mga urban poor communities.

15/05/2026

๐ƒ๐Ž๐‹๐„ ๐š๐ญ ๐๐‚๐”๐, ๐๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐š ๐’๐ฎ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ๐š๐ง: ๐‚๐š๐ซ๐ข๐ง๐๐ž๐ซ๐ข๐š ๐๐ž๐ ๐จ ๐‚๐š๐ซ๐ญ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐Ÿ๐Ÿ” ๐๐ž๐ง๐ž๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ซ๐ฒ๐จ!

Isinagawa ngayong araw, ika-14 ng Mayo 2026 sa 3S Center Multi-purpose Hall, Mapulang Lupa, Valenzuela City ang DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) โ€“ Nego Cart Awarding at YAKAP Orientation, kung saan dalawampuโ€™t anim (26) na benepisyaryong matagumpay na naendorso ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa Department of Labor and Employment - DOLE ang tumanggap ng carinderia livelihood packages.

Dinaluhan ang aktibidad nina PCUP - FOD NCR Chief Ms. Olympia DC. Micor at Valenzuela Area Coordinator Mr. Crispulo Calicdan, kasama ang mga kinatawan mula sa DOLE.

Layunin ng programa na mabigyan ng karagdagang oportunidad sa kabuhayan ang mga benepisyaryo upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at mapalakas ang kanilang kakayahang makapagsimula ng sariling hanapbuhay.

Kasabay rin ng isinagawang awarding ang YAKAP Orientation na naglalayong magbigay ng karagdagang kaalaman at gabay sa mga benepisyaryo hinggil sa wastong paggamit at pamamahala ng kanilang natanggap na livelihood assistance.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang buong Komisyon sa ilalim ng pamumuno ni PCUP Chairperson and CEO, Usec. Michelle Anne "Che-Che" B. Gonzales, sa pamunuan ng DOLE para sa patuloy nitong suporta sa pagbibigay ng livelihood opportunities para sa sektor ng maralitang tagalungsod.


Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


10th Floor The Upper Class Tower, Quezon Avenue Cor. Scout Reyes St. , Brgy. Paligsahan
Quezon City

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm