Pinagnayun Purok 15 Homeowners Association Incorporated

Pinagnayun Purok 15 Homeowners Association Incorporated

Share

This page is made exclusively for Pinagnayun Purok 15 residents and acquaintances.

Photos from Pinagnayun Purok 15 Homeowners Association Incorporated's post 29/12/2025

BASAHIN: HOA Memorandum para sa Pagbabawal ng Paggamit ng Illegal na Paputok sa Pinagnayun HOA.

Sa bisa ng barangay memorandum laban sa illegal na paputok ay ipinapatupad ngayong araw, Disyembre 29 hanggang January 4, 2025, ang memo ng HOA na nagbibigay ng karapatan sa mga HOA Officers at mga Volunteers ng Pinagnayun Purok Kinse na ipatupad ang "oplan paputok" para sitahin, kumpiskahin, at dalhin sa barangay ang sinumang lalabag sa HOA memorandum na ito.

Kalakip nito ay ang pagbibigay din ng karapatan sa sinomang concerned citizen ng Pinagnayun HOA na manita at magsumbong sa mga HOA Officers o Volunteers kapag makakita ng sinomang magpapaputok sa loob ng nasasakupan ng Pinagnayun HOA. Kuhanan po ng picture kasama ang ebidensya ng paputok para agad po natin itong maidulog sa barangay kung sila man ay tatanggi.

Inaasahan po namin ang pagsunod natin sa HOA memorandum na ito upang maiwas tayo sa sakuna gaya ng sunog at masaya nating sasalubungin ang panibagong taon na darating.

Salamat po.

For your strict compliance.

-Pinagnayun HOA Officers

Photos from Pinagnayun Purok 15 Homeowners Association Incorporated's post 21/12/2025

Inaanyayahan po ang lahat ng kasapi o miyembro, kasama ang inyong mga kaanak o tenants, ng Pinagnayun Purok Kinse Homeowners Association Incorporated na makilahok sa ating taunang Christmas and Year-End Celebration na gaganapin ngayong December 23, 2025 dito sa ating covered court. Maguupisa ang programa ng alas-2 ng hapon at inaasahang matatapos ng alas-3 ng madaling araw. Magdala po ng kanya-kanyang mga upuan at lamesa at mag set-up ng maaga sa court para maka secure ng pwesto. Hinihikayat din po namin kayo na magdala ng regalo (halagang P200) para sa exchange gift.

Mayroon po tayong mga palaro, gift-giving, raffle, banda at marami pang iba! Ito'y handog sa atin ng Pinagnayun HOA officers at ng mga generous sponsors sa ating lugar. Kaya't tara na, sama-sama nating pagsaluhan at pagsalamatan ang ating mga biyaya sa buong taon na ipinagkaluob sa atin ng Poong Maykapal at salubungin pagkapanganak at paghahari ng ating Mahal na Panginoong Hesukristo.

Tingnan sa ibaba ang iba pang detalye. Kitakits sa December 23!



Photos from Pinagnayun Purok 15 Homeowners Association Incorporated's post 30/11/2025

TAGUMPAY MULI PARA SA PUROK KINSE!

Itinanghal na namang OVER-ALL CHAMPION ang Boss-T Purok Kinse Team na kinabibilangan ng mga manlalaro na sariling atin dito sa Pinagnayun Purok 15 HOA na sina:

Rabby Dayrit
Clarence Bancod
Clifford Bancod
Anthony Cabalfin
John Keenan Metuda
Angelo Areglo
Sherwin Sotonel
Sean Patrick Padua
Joedel Rayo
Jaypee Dar
Romel Tria
Justin Rivas
Manuellito Tagaro
Azzam Bancod
Randaile Medroso
John Michael Sevidal

Pinangaralan din ang husay ng ating Finals MVP na si Randaile Medroso kasama sila Romel Tria at Joedel Rayo na itinanghal namang Mythical 5 players.

Congratulations po at maraming salamat sa pagbibigay ng karangalan at pagiging inspirasyon sa ating mga kabataan at manlalaro ng Purok Kinse. Maraming salamat din po sa lahat ng sumusuporta sa ating basketball team, sana po ay wag tayong magsawa at magpatuloy na sumuporta sa mga susunod pang laban ng ating koponan sa Purok Kinse. Mabuhay ang Pinagnayun Purok Kinse!!!

28/11/2025

HUMANDA AT MAG-INGAY! Tayo na at suportahan muli ang ating mga manlalaro ng Purok Kinse. Mamaya, ganap na ika-6 ng gabi, sa MRB Gymnasium. Magsuot po tayo ng puti o dark blue na tshirt tanda ng ating pag suporta sa kanila. Tawagin na ang buong pamilya, mga kamag-anak, mga kaibigan at kakilala, at buong pwersa nating isigaw.. "LABAN, PUROK KINSE!".

"TIME-OUUUUTTTT!!!! HOMEGROWN TALENT ALERT! 🚨⏰️

Our Boss-T Boys of Pinagnayun Purok Kinse is here so be ready to get loud and be proud! πŸŽ₯

The wait is over, Purok Kinse is taking the league! πŸ€ This time, it is our young guns who are ready to put it all on the line, hungry and fiery to bring home the bacon, once again! πŸ–

Last few month's 40up division champs, the pressure is on! πŸ”₯ Will our young Purok Kinse squad follow in their footsteps and take the title? πŸ€” Let's pack the QC District 2 Gymnasium today, Friday Nov 28, 6:30pm and show our love and support! ❀️

Please wear your WHITE or DARK BLUE shirts and cheer them on as they REPRESENT PUROK KINSE with pride! πŸ’ͺ Let's bring home that W! πŸ†

Photos from Pinagnayun Purok 15 Homeowners Association Incorporated's post 19/11/2025

π—œπ—¦π—”π—‘π—š π— π—”π—¦π—œπ—šπ—”π—•π—’π—‘π—š π—£π—”π—Ÿπ—”π—žπ—£π—”π—žπ—”π—‘ 𝗑𝗔 𝗠𝗔𝗬 π—žπ—”π—¦π—”π— π—”π—‘π—š π—›π—œπ—¬π—”π—ͺ𝗔𝗑! πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ—£πŸ—£πŸ—£
Muling pinatunayan ng mga taga Purok Kinse ang kanilang husay at tibay sa larangan ng basketball!

Itinanghal na East Conference Finals Champions ang Boss-T Purok Kinse Team sa ginanap na open-age basketball tournament division ng San Pascual Basketball League o SPBL noong linggo, Nov 16, 2025, sa pangunguna ni Justin Rivas at Sean Patrick Padua, kasama ang mga homegrown young guns talent na sila John Michael Sevidal, Randaile Medroso, Joedel Rayo, Romel Tria, Jaypee Dar, Manuelito Tagaro, Azzam Bancod, Sherwin Sotonel, Gelo Areglo, mga beteranong sila Anthony Cabalfin, John Metuda, Clifford Bancod, Clarence Bancod, at playing coach Rabby Dayrit.

Dinomina ng ating mga players ang mahigit 14 teams sa kanilang bracket mula sa ibat ibang street sa Brgy. Commonwealth. Tinalo nila sa huling laban ng east bracket ang Brgy. Tabigo Team na siyang nangunguna sa listahan, dahilan upang makapasok sila sa kahuli hulihang match at kalabanin ang West Conference Champions na Sitio Balon Team sa mga susunod na araw.

Matatandaang sa naturang paliga din ay naging Overall Champion sa 40up division ang Pinagnayun Purok 15 Team noong nakaraang March 2025. Tunay ngang napakahusay ng ating mga manlalaro sa Purok Kinse, at TAKE NOTE, WALANG HUGOT o players na hindi nanggaling sa Purok Kinse, tunay at likas na sariling atin! Talaga namang nakakaproud!

Muli po nating suportahan ang magigiting nating manlalaro sa Boss-T Purok Kinse Team sa darating na final championship na iaanunsyo sa mga susunod na araw. Ipakita natin ang ating suporta at paghanga sa kanilang ipinamamalas na talento at pagbibigay ng karangalan sa ating mahal na lugar na Purok Kinse.

07/11/2025

⚠️ Paghahanda sa TROPICAL CYCLONE "UWAN"

Ayon sa PAG-ASA, ang tropical cyclone Uwan ay maaaring maging isang ganap na SUPER TYPHOON sa loob ng 24 oras mula ngayon habang papalapit ito ng papalapit sa kalupaan ng Luzon.

4 TIPS NA DAPAT TANDAAN:

1. MANIGURADO βœ…οΈ

β€’ Siguraduhing matibay ang mga bubong, pinto, bintana, o anumang parte ng bahay na maaring matangay ng hangin at maaaring makadisgrasya sa iba.
β€’ Siguraduhing walang tulo o butas ang mga bubong at pader na dahilan upang pumasok ang tubig sa loob na magresulta sa pagkasira ng mga kagamitan
β€’ Siguraduhing hindi barado ang mga daluyan ng tubig gaya ng alulod, drainage, kanal, at iba pa.

2. MAGING HANDA βœ…οΈ

β€’ Maging handa sa power, water, at internet interruption.
β€’ I-charge ang mga electronic devices at maghanda ng mga baterya, solar power reserves, o powerbank.
β€’ Ihanda ang mga emergency kits and essentials gaya ng flashlight, radyo, first aid kits, mga gamot, atbp.
β€’ I-save ang mga emergency hotline numbers sa inyong barangay o sa inyong siyudad.
β€’ Alamin ang mga evacuation centers sa inyong lugar.
β€’ Mag-stock ng sapat na pagkain at inumin na tatagal ng tatlong (3) araw o higit pa.

3. MAGING ALERTO βœ…οΈ

β€’ Kung kayo ay nasa bahaing lugar, lumikas kaagad kung kinakailangan, huwag ng antayin dumating pa ang baha.
β€’ Kung nasa mataas na lugar, manatili sa loob ng bahay hangga't maaari.
β€’ Tanggalin ang mga nakasaksak na maaaring maging sanhi ng electric shock.
β€’ Kung hindi maiiwasang lumabas, umiwas sa mga baha lalo't kung may sugat sa paa.
β€’ I-monitor ang lagay ng panahon, baha, o landslide sa inyong lugar.
β€’ Tumawag sa mga rescue hotline sa inyong barangay o sa inyong siyudad kung kayo o ang kapit-bahay niyo ay nasa panganib.

4. MAGING POSITIBO βœ…οΈ

β€’ Huwag mataranta, maging kalmado.
β€’ Sa paghupa ng bagyo, unahing i-check ang inyong mga pamilya at mga kasama sa bahay maging ang mga alagang hayop. Ipaalam sa mga kamag-anak o kaibigan ang inyong kalagayan at bigyan na sapat na atensyon ang lahat.
β€’ Laging tatandaan: Sa anumang unos ng buhay, may bagong pag-asang uusbong. At sa paghupa nito, kasunod ay isang magandang bahaghari na sisilay sa kalangitan.

Isang paalala mula sa Pinagnayun Purok 15 Homeowners Association Incorporated

Photos from KINSE - Kabataang INSpirasyon at Ehemplo's post 31/10/2025

πŸ‘»πŸŽƒ π‡π€π‹π‹πŽπ–π„π„π ππ€π‘π“π˜ 𝐀𝐋𝐄𝐑𝐓!πŸŽƒπŸ‘»
Get your costumes ready, kids (and kids at heart)! πŸ’€βœ¨

Join us this November 1 at Purok 15 Covered Court | 6:00–8:00 PM for a night of trick-or-treat, laughter, and spooky fun! 🍬

π„π§π­π«πšπ§πœπž 𝐒𝐬 𝐨𝐧π₯𝐲 β‚±πŸπŸŽ β€” just come in your best costume to enter! πŸ‘—πŸ§›β€β™‚οΈ

🎭 Highlights of the night:
πŸ† Best in Costume
πŸŽƒ Best in Pumpkin Design
🍭 Trick or Treat around the area!

Let’s make this a Halloween to remember β€” full of candy, creativity, and community spirit! 🧑

────
Hosted by KINSE Youth Organization

20/05/2025

GOOD MORNING PO
LAST CALL NA PO SA LAHAT NG HINDI PA NAKAKAPIRMA NG WAIVER ISUSUBMIT NA PO NATIN SA NGC

LINA CABALFIN
FELIX BAYDAL
FELIX VELEZYELA
JUSTINO BORJA
VIOLETA AVISO
ANTONIO UMALI
OFRECIA ASUNCION
CONGRADO PAJARES
ROLANDO CLEMCIA
ERNESTO PADUA
ALEX BARLINTANGCO
- PINAGNAYUN HOA

Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


Unit 5 Purok 15 Brgy. Commonwealth
Quezon City
1121