25/09/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก: Ginanap ang โITS Goes to Sorsogon City: Workshop on Smart Transportation Technologiesโ sa Sorsogon City na pinangunahan ng DOST-ASTI sa tulong ng DOST Region V, DOST-PSTO Sorsogon, at LGU Sorsogon na dinaluhan ng iba't ibang ahensya at organisasyon, kabilang ang City DRRMO, Provincial DRRMO, Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Department of Public Works and Highways (DPWH), at mga pribadong industriya at technology suppliers, nitong Agosto 27, 2026.
Layunin ng workshop na ipakilala at talakayin ang mga inisyatiba ng DOST-ASTI sa larangan ng Intelligent Transportation Systems (ITS), kabilang ang sERVis-STEER Project at NAIRA-vBANTAI Project. Naging pagkakataon din ito upang mapalawak ang kaalaman ng mga stakeholders tungkol sa mga makabagong teknolohiyang maaaring makatulong sa traffic management, road safety, emergency response, at transportation services sa Sorsogon City.
Pinangunahan ni G. Miguel D. Asido ang talakayan tungkol sa mga pagsisikap at inisyatiba ng DOST-ASTI sa ITS, na sinundan ng pagpapakilala sa sERVis-STEER Project. Samantala, ipinakilala naman ni Engr. Ruel Mark D. Cadubla ang NAIRA-vBANTAI Project, kabilang ang mga layunin at potensyal na aplikasyon nito. Nagsagawa rin ang DOST-ASTI team, kabilang sina G. Pejman D. Rivera at G. Marck Anjelou A. Calindatas, ng mga technology demonstration upang higit na maipakita sa mga kalahok ang mga proyekto at ang kanilang mga posibleng aplikasyon.
Bilang bahagi ng workshop, pinangunahan ni Bb. Rhea Mae B. Ruba ang Stakeholder Needs Assessment, kung saan tinalakay ang mga kasalukuyang hamon at pangangailangan ng iba't ibang sektor sa transportation system ng Sorsogon City. Naging bahagi rin ng talakayan ang mga tungkulin, resources, capabilities, at mga mungkahing maaaring makatulong sa pagpapabuti ng transportation at emergency response sa lungsod.
Nagtapos ang aktibidad sa isang open forum na pinangunahan ni Bb. Josephine A. Nagamos, kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga kalahok na magtanong, magbahagi ng kanilang mga pananaw, at magbigay ng mga mungkahi kaugnay ng mga inilahad na proyekto at teknolohiya. Tinalakay rin ang mga susunod na hakbang at mga kinakailangang paghahanda para sa proposed pilot deployment ng mga proyekto sa Sorsogon City.
Sa pamamagitan ng workshop, napalakas ang ugnayan ng DOST-ASTI at mga lokal na stakeholders at nabigyan ng pagkakataon ang iba't ibang sektor na makibahagi sa pagtalakay sa mga makabagong solusyon para sa mas maayos na transportasyon, traffic management, road safety, at emergency response sa Sorsogon City.