04/08/2026
πππππππππ ππ ππππππ! ππππππ π, ππππ
Ngayong araw na ito, nagtipon-tipon ang ating teaching staff, non-teaching personnel, security guards, at janitorial team sa QCU Gym para sa Gender-Fair Language and Safe Spaces Seminar!
Nagbigay na ng makabuluhang welcome remarks si Dr. Theresita V. Atienza, ating University President. Binigyang-diin niya ang napapanahong kahalagahan ng mga paksang ito, hindi lamang para sa ating mga mag-aaral, kundi lalo na sa ating mga empleyado at kawani na siyang bumubuo sa pundasyon ng pamantasan.
Nagbibigay na ng kanilang talakayan ang ating mga tagapagsalita mula sa Gender and Development (GAD) Council Office:
β Atty. Claire Padilla β nagbibigay-linaw sa Gender-Fair Language
β Mr. Vince Liban, EnP β nagpapalalim ng ating pang-unawa sa Safe Spaces
Sila ang gumagabay sa ating mga g**o, kawani, seguridad, at tagapaglinis upang makabuo ng isang pamayanang mas inklusibo, sensitibo, at ligtas para sa lahat, mula sa opisina, klasrum, hanggang sa mga pasilyo ng QCU.
Nagsimula ang sesyon kaninang 9:00 AM at magpapatuloy hanggang 12:00 NN. At siyempre, hindi lang kaalaman ang pinapakain natin ngayon, handog ang 120 AM snacks at lunch sa lahat ng kalahok!
Sa ating teaching at non-teaching staff, security guards, at janitorial personnelβkayo ang puso ng QCU. Sama-sama nating isabuhay ang adhikaing ito para sa gender equality at ligtas na mga espasyo sa ating unibersidad!
Laban, mga ka-QCU!