31/01/2026
https://www.facebook.com/share/p/1HPcUL5X89/
SI CAMILLE, TAHIMIK LANG… DIN?
Pinuna ng poet at writer na si Jerry B. Grácio si Sen. Camille Villar hinggil sa isyu ng pagmimina sa Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya.
Kamakailan, kinundena ng ilang human rights groups ang pag-aresto sa mga residente ng Dupax Del Norte na nagprotesta laban sa pagmimina ng Woggle Corporation sa nasabing lugar.
Inirereklamo ng mga indibidwal at grupo ang Woggle Corp. dahil sa pagtatayo nito ng minahan sa mga sakahan at lupang ninuno ng mga residente, na nagsisilbing banta sa kanilang suplay ng tubig, kabuhayan, at kapaligiran.
Samantala, nananatiling walang pahayag si Sen. Camille—bilang chairperson ng Senate Committee on the Environment–hinggil sa nasabing isyu. (via Julian Katrina Bartolome)

21/12/2025
30/10/2025
21/10/2025
20/10/2025
17/10/2025
09/10/2025
08/10/2025