Land Registration Authority - Philippines

Land Registration Authority - Philippines

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Land Registration Authority - Philippines, Government Organization, East Avenue Corner NIA Road, Diliman, Metro Manila, Quezon City.

An agency of the Philippine government under the Department of Justice responsible for issuing decrees of registration and certificates of title and register documents, patents and other land transactions.

31/05/2026

๐€๐๐”๐๐’๐˜๐Ž: Ang iskedyul ng serbisyo sa LRA Central Office ay mula alas-otso ng umaga hanggang alas-siyete ng gabi, Lunes hanggang Huwebes. Bilang pagsunod sa Memorandum Circular No. 114, s. 2026, na inilabas ng Tanggapan ng Pangulo, magbubukas pa rin po ang opisina tuwing Biyernes upang maghatid ng frontline services, ngunit limitado ang bilang ng mga kawani (skeleton workforce).

Para sa Registries of Deeds (RDs), paalala lamang po na maaaring mag-iba ang iskedyul ng operasyon ng isang Registry of Deeds batay sa anunsyo ng lokal na pamahalaan kung saan matatagpuan ang kanilang tanggapan. Para sa gabay ukol sa iskedyul ng operasyon ng mga Registries of Deeds, maaari po ninyong i-click ang link na ito ng aming website:

LRA Adjusted Work Schedule Guide:
https://lra.gov.ph/public-service-advisory/

Para naman po sa pagbayad ng inyong mga transaksyon, ang cash payments po ay tatanggapin hanggang alas-singko ng hapon upang masiguro ang maayos at tamang pagbalanse ng arawang koleksyon. Kung sakaling kayo po ay maabutan ng cutoff, maaari pa rin po kayong magbayad sa pamamagitan ng cashless payment.

Para sa gabay sa proseso ng cashless payment, maaari po ninyong i-click ang link sa ibaba o magtanong sa inyong Registry of Deeds.

Cashless Payment Guide: https://www.facebook.com/share/v/1BqAx5a4KV/

Maraming salamat po.





31/05/2026

๐€๐๐”๐๐’๐˜๐Ž: Nagbalik na po sa regular na iskedyul ng operasyon ang Registry of Deeds ng Dipolog City. Ang nasabing RD ay bukas mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon, mula Lunes hanggang Biyernes, alinsunod sa anunsyo na inilabas ng lokal na pamahalaan ng nasabing lungsod.

Maraming salamat po.




ATTENTION TO ALL.

31/05/2026

๐€๐๐”๐๐’๐˜๐Ž: Alinsunod sa Memorandum Blg. 178, s. 2026, na inilabas ng Munisipalidad ng La Trinidad, Province of Benguet, ang operasyon ng Registry of Deeds ng La Trinidad, Benguet ay manunumbalik na po sa regular nitong iskedyul na alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon, mula Lunes hanggang Biyernes, simula ngayong araw, 01 Hunyo 2026.

Maraming salamat po.




LIFTING OF THE COMPRESSED WORK SCHEDULE (CWS) AND DIRECTING THE CONTINUED ADOPTION OF THE ENERGY EFFICIENCY AND CONSERVATION MEASURES

In line with management's review and operational needs, we would like to inform all municipal officials and employees that the Compressed Work Schedule (CWS), established through Memo No. 92 s. 2026, will be officially lifted effective June 1, 2026.

Starting on this date, we will revert to our standard work hours: Monday to Friday, from 8:00 AM to 5:00 PM. This transition aims to improve service delivery, encourage improved coordination among offices and provide better services to the public.

Thank you for your continuous support and commitment.

You can read the complete memo here: https://drive.google.com/file/d/1VYG1msfd6LoRxMsobk1o8VqYe-6LG1AU/view?usp=sharing

31/05/2026

๐€๐๐”๐๐’๐˜๐Ž: Simula ngayong araw, 01 Hunyo 2026, ang operasyon ng Registry of Deeds ng Province of Antique ay manunumbalik na po sa regular nitong iskedyul na alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon, mula Lunes hanggang Biyernes.

Ang pagpapatupad ng nasabing iskedyul ay alinsunod sa inilabas na Memorandum Order No. 152, s. 2026, ng Probinsya ng Antique.

Maraming salamat po.





๐€๐๐“๐ˆ๐๐”๐„ ๐‚๐€๐๐ˆ๐“๐Ž๐‹ ๐‘๐„๐•๐„๐‘๐“๐’ ๐“๐Ž ๐Ÿ“-๐ƒ๐€๐˜ ๐–๐Ž๐‘๐Š ๐–๐„๐„๐Š ๐ˆ๐ ๐‰๐”๐๐„

Governor Paolo Javier ๐Œ๐ž๐ฆ๐จ๐ซ๐š๐ง๐๐ฎ๐ฆ ๐Ž๐ซ๐๐ž๐ซ ๐๐จ. ๐Ÿ๐Ÿ“๐Ÿ, ๐’๐ž๐ซ๐ข๐ž๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” on Wednesday, directing ๐š๐ฅ๐ฅ ๐จ๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž๐ฌ ๐ฎ๐ง๐๐ž๐ซ ๐ญ๐ก๐ž ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐†๐จ๐ฏ๐ž๐ซ๐ง๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐€๐ง๐ญ๐ข๐ช๐ฎ๐ž ๐ญ๐จ ๐ซ๐ž๐ญ๐ฎ๐ซ๐ง ๐ญ๐จ ๐š ๐Ÿ๐ข๐ฏ๐ž-๐๐š๐ฒ ๐ฐ๐จ๐ซ๐ค๐ฐ๐ž๐ž๐ค ๐ฌ๐ญ๐š๐ซ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐‰๐ฎ๐ง๐ž ๐Ÿ.

The governor previously signed Executive Order No. 23, Series of 2026, on March 9, implementing a compressed four-day workweek and adopting energy conservation measures to reduce energy consumption amid the ongoing conflict in the Middle East.



For additional information and content, you may visit the following:
Website: www.antique.gov.ph
Facebook: https://www.facebook.com/Paolo.atyourservice

29/05/2026

Huwag palampasin ang pagkakataong manalo! โœจ

Dalawang linggo na lamang ang natitira bago matapos ang LRA eSerbisyo Portal 5th Anniversary Cash Giveaway Facebook Challenge. Muli po naming inaanyayahan ang lahat na humabol at magsumite ng inyong entry!

Paano sumali?

Upang matiyak na valid ang inyong entry, pakibasa lamang po ang buong Mechanics at Guidelines na makikita sa links na ito:

๐Ÿ”—https://www.facebook.com/share/p/18qG1wmjh2

eSP Boracay Getaway Post:
๐Ÿ”— www.facebook.com/share/p/1Gv3wJLJ49






29/05/2026

Nakapag-request na po ba kayo ng Certified True Copy (CTC) ng inyong titulo? ๐Ÿ 

Ang CTC ay mahalagang dokumento na ginagamit para sa mga sumusunod:

โœ… Proof of Ownership โ€“ Patunay ng pagmamay-ari ng lupa
โœ… Legal & Property Transactions โ€“ Kailangan sa bentahan, pamana, at bank loan
โœ… Fraud Protection โ€“ Proteksyon laban sa pamemeke at land grabbing

Ang simpleng pag-request ng CTC ay maaari ring maging simula ng inyong Boracay adventure!

Dalawang (2) linggo na lang bago ang draw! Sa bawat successfully paid CTC request online via eSerbisyo Portal (eserbisyo.lra.gov.ph), magkakaroon ka ng isang (1) raffle entry para sa pagkakataong manalo ng all-expense-paid Boracay trip for two (2)! ๐ŸŒŠโœˆ๏ธ

Ang huling araw po ng promo na ito ay sa June 11, 2026. Request na at baka kayo na ang susunod na lilipad patungong Boracay!






27/05/2026

โ€œPaano ba mag-request ng certified true copy ng titulo?"

โ€œPwede na ba itong gawin online?โ€

โ€œMagkano kaya ang bayad at paano ang proseso?โ€

Kung tanong mo rin ang mga ito, para saโ€™yo ang webinar na 'to!

Iniimbitahan po namin kayo sa gaganaping โ€œWebinar on the eSerbisyo Portal: Step-by-Step Guide to Requesting a Certified True Copy Onlineโ€ sa Biyernes, Mayo 29, 2026, alas-diyes ng umaga, via Zoom.

Inihanda ito ng LRA Committee on Anti-Red Tape (LRA-CART) upang makatulong sa pagbibigay-kaalaman tungkol sa mas mabilis at convenient na pag-request ng CTC ng titulo sa pamamagitan ng LRA eSerbisyo Portal. Ito rin ay inisyatibo ng LRA-CART bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ease of Doing Business (EODB) Month at Open Government Week.

Mag-register na sa link na ito para makasama sa webinar:

https://forms.gle/UHCzzzmS2ewBHtWY7










27/05/2026

Hindi na kailangang bumiyahe nang malayo! Mas pinalapit na ng Land Registration Authority ang serbisyo nito para sa pagkuha ng Certified True Copy (CTC) ng title sa pamamagitan ng Anywhere to Anywhere (A2A) service.

Ang CTC ng iyong titulo, makukuha mo na sa Registry of Deeds na pinakamalapit sa iyo. Tipid sa oras, tipid sa pamasahe!

Hangarin ng LRA na makapaghatid ng mas maginhawang serbisyo para sa sambayanang Pilipino.









27/05/2026

Ang Land Registration Authority ay nakikiisa sa ating mga kababayang Muslim sa pagdiriwang ng โ€œEidโ€™l Adhaโ€ o โ€œFeast of Sacrificeโ€ ngayong araw.

Ito ay paalala ng magandang halimbawa ng taimtim na pananampalataya at pagsunod na ipinakita ni Propeta Ibrahim sa pamamagitan ng kaniyang kahandaang magsakripisyo bilang tanda ng malalim na debosyon at pananalig.

Ang diwa nito ay ipinagdiriwang sa pamamagitan ng pananalangin, pagbabahagi, at pagpapakita ng sakripisyo at malasakit sa kapwa na nagpapatatag sa ating ugnayan bilang isang nagkakaisang sambayanan.

Nawaโ€™y maging makabuluhan ang pagdiriwang na ito at magdulot ng inspirasyon, pagkakabuklod, at taos-pusong paglilingkod sa ating pamilya, komunidad, at bansa.

Eid Mubarak!





25/05/2026

๐€๐๐”๐๐’๐˜๐Ž: Alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1264, s. 2026, na nagdeklara sa Mayo 27, 2026 bilang regular holiday kaugnay ng paggunita ng "Eid'l Adha", ang Land Registration Authority (LRA) Central Office at lahat ng Registries of Deeds ay magpapatupad ng compressed workweek arrangement ngayong linggo, Mayo 25โ€“29, 2026.

Paalala lamang po na maaaring mag-iba ang iskedyul ng operasyon ng isang Registry of Deeds batay sa anunsyo ng lokal na pamahalaan kung saan matatagpuan ang kanilang tanggapan. Para sa gabay ukol sa iskedyul ng operasyon ng mga Registries of Deeds, maaari po ninyong i-click ang link na ito ng aming website:

LRA Adjusted Work Schedule Guide:
https://lra.gov.ph/public-service-advisory/

Para naman po sa pagbayad ng inyong mga transaksyon, ang cash payments po ay tatanggapin hanggang alas-singko ng hapon upang masiguro ang maayos at tamang pagbalanse ng arawang koleksyon. Kung sakaling kayo po ay maabutan ng cutoff, maaari pa rin po kayong magbayad sa pamamagitan ng cashless payment.

Para sa gabay sa proseso ng cashless payment, maaari po ninyong i-click ang link sa ibaba o magtanong sa inyong Registry of Deeds.

Cashless Payment Guide: https://www.facebook.com/share/v/1BqAx5a4KV/

Maraming salamat po.





Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


East Avenue Corner NIA Road, Diliman, Metro Manila
Quezon City
1101

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm