04/06/2026
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa sa ating Balik-Eskwela: Libreng Gupit Program na ginanap noong June 1, 2026 sa Cotabato Street corner Tacloban Street.
Nawa’y nakatulong ang programang ito sa paghahanda ng ating mga mag-aaral para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Mula sa tanggapan ni Councilor Nikki Crisologo, sa pakikipagtulungan ni P/B Leonardo “Ding” Flores III and Council.
03/06/2026
CLEAN-UP DRIVE SA COTABATO EXCESS
Nakatuwang ng Barangay Alicia ang DSQC sa isinagawang clean-up operation sa Cotabato Excess na sakop ng Culiat Creek bilang bahagi ng patuloy na paghahanda ngayong tag-ulan at pagpapanatili ng kalinisan sa ating komunidad.
Muli po naming ipinapaalala sa lahat na iwasan ang pagtatapon ng basura sa ating creek at iba pang daluyan ng tubig. Ang wastong pagtatapon ng basura ay mahalaga upang maiwasan ang pagbaha at mapanatiling malinis at ligtas ang ating kapaligiran.
03/06/2026
🎉 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐁𝐢𝐫𝐭𝐡𝐝𝐚𝐲 𝐏𝐚𝐜𝐤𝐚𝐠𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐒𝐞𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐂𝐢𝐭𝐢𝐳𝐞𝐧𝐬 🥳
Para sa ating mga ka-barangay na Senior Citizen na ipinanganak sa buwan ng Abril at Mayo 2026, maaari nang magtungo sa Barangay Alicia Hall para sa inyong Birthday Package.
Dalhin po ang QC ID for Seniors at xerox copy nito.
📍 Hanapin lamang si Ms. Thelma Maralit
02/06/2026
QCitizens, OPEN na ngayong araw ang Application Period para sa Pangkabuhayang QC Phase 6 (Batch 1)!
Mag-login na sa www.qceservices.quezoncity.gov.ph para makapag-apply.
Paalala, tiyakin na kumpleto at tama ang iyong i-sinumiteng dokumento bago i-click ang SUBMIT. Para sa kabuuang listahan ng requirements at qualifications, bisitahin ang ating PBQC Digital Brochure sa qc-sbcdpo.com/PangkabuhayangQC
Ang Application Period ay hanggang June 15, 2026 (11:59 PM) lamang.
Stay updated at sumali sa PBQC Official Messenger Channel sa https://qc-sbcdpo.com/PBQCMessengerChannel.
30/05/2026
📚 ALS Senior High School Enrollment is Now Open!
The San Francisco High School – ALS Senior High School Program, in cooperation with the Barangay Alicia Council, invites out-of-school youth, adult learners, and interested individuals to continue their education through the Alternative Learning System (ALS) Senior High School Program.
✅ Flexible and free learning opportunities
✅ Academic and Technical-Professional Tracks available
✅ A pathway to employment, TESDA certification, or college education
📍 ALS SHS forms are available at the Barangay Alicia Office, or applicants may proceed directly to San Francisco High School.
ALS SHS: Second Chance, Stronger Future. 🎓
30/05/2026
𝐁𝐀𝐋𝐈𝐊-𝐄𝐒𝐊𝐖𝐄𝐋𝐀: 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐆𝐔𝐏𝐈𝐓 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 ✂️
Bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan, inaanyayahan ang lahat na makiisa at magpagupit nang libre para sa mas presko at handang pagbabalik-eskwela! ✨
📅 June 1, 2026
⏰ 8:00AM – 12:00PM
📍 Cotabato Street corner Tacloban Street
Handog sa atin ni Councilor Nikki Crisologo, sa pakikipagtulungan ni P/B Leonardo “Ding” Flores III and Council.
27/05/2026
Libreng Kidney Screening ❤️
Mula sa tanggapan ng ating butihing Konsehala Dra. Doray and Tita Beth Delarmente sa pakikipagtulungan ni bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng serbisyong pangkalusugan.
Layon ng programang ito na mapalawak ang kaalaman ng ating mga ka-barabgay patungkol sa kahalagahan ng pangangalaga sa kidney at kahalagahan ng maagang pagpapasuri upang maiwasan ang mga komplikasyong pangkalusugan.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumulong upang maging matagumpay ang programang ito.
(May 23, 2026)
27/05/2026
sa Alicia 🤍❤️
Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa, at sa ating Konsehala Dra. Doray and Tita Beth Delarmente! Naging posible ito sa pakikipagtulungan ni .
(May 23, 2026)
26/05/2026
💙🛡️ 𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐓𝐈𝐆𝐃𝐀𝐒: 𝐌𝐞𝐚𝐬𝐥𝐞𝐬-𝐑𝐮𝐛𝐞𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐈𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐳𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲 💉👶
Inaanyayahan po ng Barangay Alicia Council at Bago Bantay Health Center ang lahat ng magulang o guardians na pabakunahan ang mga batang edad 𝟔–𝟓𝟗 𝐛𝐮𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐮𝐥𝐚𝐧𝐠 (wala pang 5 taong gulang) laban sa 𝐌𝐞𝐚𝐬𝐥𝐞𝐬-𝐑𝐮𝐛𝐞𝐥𝐥𝐚 (MR).
📍 Magtutungo po ang vaccination team sa iba’t ibang lugar sa Barangay Alicia ayon sa nakatakdang schedule.
🕘 Oras: 𝟗:𝟎𝟎 𝐀𝐌 – 𝟏𝟐:𝟎𝟎 𝐏𝐌
Sama-sama nating protektahan ang ating mga anak at bumuo ng mas malusog na komunidad! 💙