29/03/2026
๐๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐ ๐๐ค๐ง๐ ๐๐ง๐๐๐ฃ๐จ ๐๐ค๐ง๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐จ ๐๐ฃ ๐๐ก๐ค๐ฌ๐๐ง ๐ผ๐ง๐ง๐๐ฃ๐๐๐ข๐๐ฃ๐ฉ ๐๐ค๐ง๐ ๐จ๐๐ค๐ฅ
In celebration of Womenโs Month, the Sangguniang Kabataan (SK) of Barangay Tandang Sora launched โMission KITA: Kabataan in Action,โ a flower arrangement training session held on March 16, 2026, at the Tandang Sora National High School (TSNHS) library.
The activity centered on economic empowerment, a key theme of Womenโs Month that honors the legacy of Melchora โTandang Soraโ Aquino by fostering self-reliance. By providing floral design training, the SK equipped young women and learners with the skills to build their own small businesses, turning a creative craft into a source of financial independence. This initiative transformed the symbolic beauty of flowers into a practical means of livelihood, celebrating the modern womanโs role as both a creator and an entrepreneur. Selected learners from Grade 9 Einstein and Grade 8 Diamond, led by Supreme Secondary Learner Government (SSLG) President, Kyle Canceran, participated in the workshop.
The initiative was facilitated by SK Chairperson, Julles Apo, together with SK Kagawads, Sette Laud, Rocky Reyes, Renzo Ramos, Ley Dacara, Jay Torres, Adrian Codog, and Zaira Montecalbo, with Mrs. Jane Cueto as the guest speaker/trainer.
Mrs. Cueto, a floral expert, guided the learners through the technical aspects of the craft. She shared that her main goal was to teach young people. She also emphasized that the program was not only about earning income but also about equipping learners with practical skills to become self-reliant in the future.
The session ended with a photo opportunity, where learners showcased their creations, marking another successful effort by the SK to support the school community during Womenโs Month.
| written by: Chenille Paz
| Proofread by: Jeleanne Eneres
| Photos by: James Sonaba
| Layout by: Angeline Doria
| Approved by: Jessa Lyn C. Bautista, SPA The Plethora
โโโโโโโโโโโโโโโโโ-
๐๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐ ๐๐ค๐ง๐, ๐๐๐๐จ๐๐ฃ๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐ค๐ง๐๐ฃ๐๐๐ฃ ๐จ๐ ๐๐ก๐ค๐ฌ๐๐ง ๐ผ๐ง๐ง๐๐ฃ๐๐๐ข๐๐ฃ๐ฉ ๐๐ค๐ง๐ ๐จ๐๐ค๐ฅ
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, inilunsad ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Barangay Tandang Sora ang โMission KITA: Kabataan in Action,โ isang pagsasanay sa flower arrangement na ginanap noong Marso 16, 2026 sa aklatan ng Tandang Sora National High School (TSNHS).
Nakatuon ang aktibidad sa โeconomic empowerment,โ isa sa mga pangunahing tema ng Buwan ng Kababaihan na nagbibigay-pugay sa pamana ni Melchora โTandang Soraโ Aquino sa pamamagitan ng pagtataguyod ng kasarinlan. Sa pagbibigay ng pagsasanay sa floral design, nabigyan ng kasanayan ang mga kabataang babae at mag-aaral upang makapagsimula ng sariling maliit na negosyo, na maaaring maging daan tungo sa pinansyal na kalayaan. Sa paraang ito, ang simbolikong ganda ng mga bulaklak ay naging praktikal na kabuhayan, na kumikilala sa makabagong papel ng kababaihan bilang parehong tagalikha at negosyante.
Lumahok sa workshop ang piling mga mag-aaral mula sa Grade 9 Einstein at Grade 8 Diamond, sa pangunguna ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) President na si Kyle Canceran.
Pinangunahan ni SK Chairperson Julles Apo, kasama ang mga SK Kagawad na sina Sette Laud, Rocky Reyes, Renzo Ramos, Ley Dacara, Jay Torres, Adrian Codog, at Zaira Montecalbo, at si Mrs. Jane Cueto bilang panauhing tagapagsalita.
Si Mrs. Cueto, isang eksperto sa floral arrangement, ay gumabay sa mga mag-aaral sa teknikal na aspeto ng sining. Ibinahagi niya na ang kanyang pangunahing layunin ay maturuan ang mga kabataan. Binigyang-diin din niya na ang programa ay hindi lamang nakatuon sa pagkakakitaan kundi sa pagbibigay ng praktikal na kasanayan upang maging handa at may kakayahang tumayo sa sariling paa ang mga mag-aaral sa hinaharap.
Nagtapos ang programa sa isang photo opportunity kung saan ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang mga ginawang bouquet, bilang patunay ng isa na namang matagumpay na inisyatiba ng SK sa pagsuporta sa komunidad ng paaralan sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan.
| Sinulat ni: Vanessa Nacario
| Sinuri ni: Princess Mae Albaรฑez
| Sinang-ayunan ni: Daphne Junio, SPA Ang Sanghaya